Chapter 40

475 45 36
                                    


Chapter 40: The Three Claws

Weliza's Point of View

Hindi ko gusto ang mga nangyayari, especially sa'ming magkakaibigan. Because of the wolves, everyone is changing. Parang ang kakakibang takot ang nagbigay lamat sa pagsasamahan ng Team Fangs. It looks like, we are starting to break apart...

Buong pwersang sinipa ko ang isang lata ng softdrinks na nadaanan ko. Nasigawan tuloy ako ng teacher na nasa likuran ko pala, kesyo wala raw akong disiplina sa inang kalikasan. Gusto kong sumigaw ng sumigaw para maibsan ang bigat na mga pasan ko pero huwag na lang siguro muna. May pagkakataon para sa ganitong bagay at sa ngayon, hindi iyon akma na gawin dito sa academy.

Kanina, ng makabalik na sa huwisyo si Jack ay iniwan din ako nito. May pupuntahan daw siyang biglaang lakad. Mukhang naloko ako ng mokong na iyon. After ko siyang patawarin basta na lang nagmadaling umalis. Nakabukas pa nga iyong dalawang butones niya sa itaas pero hindi niya na rin yata napansin.

Tamad kong nilisan ang Saint Remus Academy. Dapit hapon na, kulay kahel na ang kalangitan. Para makatipid okay naman na siguro kung maglalakad ako pauwi tutal sabi ni Alexander may mga nagbabantay lang sa paligid na Sagros kaya ligtas ako laban sa mga kampon ni Romulus. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo kasi kahit ako nararamdaman ang presensya ng mga dalisay sa paligid.

"Psst..."

Sa dami ng estudyante na kasabay ko sa paglalakad hindi ko na lang pinansin ang narinig ko. Baka nantitrip lang, o kaya baka hindi ako ang tinatawag niya.

"Psst, Weliza." Banggit sa pangalan ko ng boses ng isang babae.

Nahinto ako sa paglalakad habang nanlalaki ang mga mata. So confirmed na ako nga ang tinatawag nito. Nang iginala ko ang paningin ko ay wala naman akong nakitang tao na nakatingin-teka, baka hindi tao ang tumatawag sa'kin?

Napailing ako at pinatuloy na lang ang paglakad. Bahala siya. Tatawagin ako tapos hindi naman siya magpapakita.

"Weliza, psst!" Rinig ko ulit na sabi nito. Kung sino ka man, bahala ka. Uuwi na ako.

Paliko na sana ako sa isang gilid ng may maramdaman akong malamig na mga kamay na humawak sa braso ko. Muntik pa akong mapatili sa gulat pero buti na lang natakpan ko ang bibig ko.

"P-Paano ka nakapunta rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa babaeng kaharap ko.

"Hindi na muna iyon mahalaga. Halika, may kailangan kang malaman." Wala akong magawa kung hindi mapatango kay Ilda. Siya iyong babaeng kasama ko noon sa tinatawag nilang kweba ng mga makasalanan. Sa lahat ng itim na lobo na nandoon, siya lang ang never ko pang nakitang magbagong-anyo. "Tara lipat tayo sa tahimik na lugar."

Agad kong itinuro sa kanya ang malapit lang na park. Maaliwalas ang lugar. Dito ay umupo ako sa isang swing habang si Ilda ay nakatayo lang at parang hindi mapakali . Dahil malapit ng lumubog ang araw ay wala na gaanong tao rito.

"Kumusta kayo?" Tanong ko sa kanya. "Pagkatapos sumugod ng mga dalisay sa kweba hindi ko na kayo nakita. Akala ko nga nakuha na kayo ni Romulus."

"Tama ka, nakuha niya nga kami." Rebelasyon ni Ilda.

"T-Talaga? P-Paano ka nakatakas? Nasaan ang iba? Nasa mabuting kalagayan ba ang lahat?" Hindi ko na mapigilang maitanong. Sino ba namang hindi mabibigla sa ibabalita nito sa'kin.

"Hindi mo munang alamin iyan kasi may mas mahalaga kang bagay na dapat malaman." Kumunot ang noo ko ng maging iba ang sagot niya. Seryoso na ang kanyang boses ngayon.

Nagpalinga-linga si Ilda sa paligid namin na tila nagmamasid. Ako naman ay may naalalang isang bagay kaya ginaya ko na rin siya na nagpalinga-linga rin.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now