Chapter 8

1.9K 127 48
                                    


Chapter 8: The Missing One

Weliza's Point Of View

Alas tres ng umaga, heto at tulala ako at nakatitig sa puting kisame. Nitong mga nakaraang araw ay nagigising ako sa ganitong oras sa hindi ko malamang dahilan. Parang isang oras lang ang nagiging tulog ko pagkatapos ay namamalayan ko na lang na gising na ako at hindi na makabalik sa mahimbing na pagtulog.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng umatake ang mga lobo sa ikalawang pagkakataon at marahil, sila na naman ang rason kung bakit nagkakaganito ako. Iniisip ko kung magiging ayos pa ba ang lagay ni Pat dahil hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin siya. Siguro kaya hindi rin ako makabalik sa pagtulog, ang dami kong iniisip sa mga oras na 'to.

Tumayo ako at naisipang pumunta sa study table ko. Binuksan ko ang laptop kaya nagsimulang lumiwanag ang buong kwarto. I want to read what I gathered on the past nights about the wolves. I looked for the flashdrive containing the documents that I made but I can't find it.

Hinanap ko ang flashdrive sa buong study table ko, sa bag, pati na rin sa aparador at sa kama, but it wasn't here. Ang alam ko nilagay ko lang iyon dito sa ibabaw ng table ko but now it's gone.

Shit. I think it's over. What I've got is gone. My flashdrive containing everything about werewolves is missing. How could it be? I let out a deep sigh. I asked myself for what is better, reach a dead end or got myself back at the beginning? I guess I need to start all over again.

Bigla akong nawalan ng gana ngayon. Lahat ng pinaghirapan ko ay nawala ng isang iglap lang dahil sa pagkawala ng isang maliit na flashdrive. Anything about the wolves are in there. Their flaws in wolf's form and the sudden transformation of a human into a wolf when the night falls are some of what I got.

Siguro manonood na lang ako ng random videos para makalimot kahit sandali o kaya para makatulog ulit. I'll tell my friends later that the flashdrive is missing.

Habang nag-i-scroll ay nakakita ako ng isang balita sa ibang bansa na sadyang nakakuha ng atensyon ko. Galing ito sa bansang France na kung saan ay naging agresibo ang mga alaga nilang wolf sa isang zoo na hindi rin nagtagal ay nakawala at inatake ang mga turista. Sa bansang Espanya naman ay kinatatakutan pagsapit ng dilim ng mga mamamayan ang isang misteryosong nilalang na gumagala tuwing gabi. Ang sabi sa balita ay pinupunterya nito ang mga alaga nilang hayop. Nababahala na rin sila sa pagtaas ng bilang ng mga batang nawawala sa kanilang lugar.

Dito naman sa Pilipinas ay kamakailan lang ay kumalat ang balita tungkol sa lugar namin na kung saan natagpuan ang isang lalaki na wala ng buhay. Naging tampulan pa ng usapin ang nawawala nitong puso na hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ng mga awtoridad. Nag-aalala na ang mga tao rito dahil ang sabi ng ilan ay hindi pa rin nahuhuli kung sino ang may kagagawan nito. Nawawala na rin ang mga alaga nilang hayop na kalimitan ay natatagpuan nilang patay na kalaunan.

Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras. Ano kaya ang gagawin ng mga tao kapag nalaman nila ang tungkol sa mga werewolf? Maniniwala kaya sila? Matutuwa sa mga kakaibang nilalang na nagmula sa libro? Baka ang ilan na mahilig sa kakaibang bagay ay pagpiyestahan sila. Pwede rin nilang pagkakitaan iyon kapag may mahuli sila. At syempre magagawa nila iyon kapag hindi sila ang naunang mapatay ng mga lobo.

Well, iba naman ang gagawin ko once na makakita ulit ng mga halimaw na iyon. I'll kill them! I want them to suffer like what they did to me! Unti-unti ko silang susugatan hanggang sa mamilipit sa sakit at mamatay.

Binago nila ang buhay ko. Kung tutuusin ay malaki ang kasalanan nila sa'kin, sobrang laki na. Dapat payapa lang akong namumuhay ngayon pero dahil sa kanila may kaunting takot na akong pinanghahawakan. Wala akong pakialam sa buhay ko dahil ang iniisip ko ay ang mga taong nakapalibot sa'kin. Natatakot ako na mawala sila mula sa matatalim na kuko at pangil ng mga lobo ng dahil sa'kin.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now