Chapter 25

833 64 62
                                    


Chapter 25: Escape Plan

Weliza's Point Of View

Nang gabi ring iyon ay lahat kami maagang nagpahinga. Kami ni Ilda ay sa kahoy na higaan natulog habang ang lahat ng itim na lobong kasama namin ay humanap ng tuyong parte ng kweba kung saan pwedeng magpalipas ng magdamag. Nagpahinga kami ng ganito kaaga para mapaghandaan ang plano ng pagtakas kinabukasan na batay sa sinabi ni Lazardo ay hindi raw magiging madali.

Nang aminin ni Lazardo ang pinaplano nila ay agad kong tinanong kung paano ba namin ito magagawa. Sabi niya ay saktong wala si Romulus kaya ito ang gagamitin naming pagkakataon para makaalis ng tuluyan sa kweba. Hindi na nito sinabi sa'kin ang mga hakbang na aming bubuuin dahil mas mabuti raw na pahupain muna ang gabi. Ang sabi pa niya ay kailangan kong magpahinga para kahit papaano ay maiabalik ang lakas na ninakaw sa'kin ni Romulus. Wala akong nagawa kung hindi sundin siya kagabi dahil dito.

Pagkagising ko kanina ay nakita ko na lang ang lahat na tao na kaya ang ibig sabihin nito ay may araw na sa labas. Ang panibagong sugat na ginawa sa'kin ni Hektor kahapon ay paniguradong kagaya rin ng una na magiging matagal sa paghilom. Naalala ko tuloy ang dahon ng Agonio na laging binibigay ni Luna sa'kin dati para mapabilis ang paggaling ng sugat ko pero wala namang gano'n dito. Kaya heto, oras ang gagamitin ko para pagalingin ang mga sugat na natamo ko.

Gaya ng laging nangyayari ay tuwing umaga may susulpot na isang lalaki na may bitbit na mga piraso ng tinapay at maiinom para sa'min. Matapos kong kumain ay dumiretso ako kay Lazardo para tuluyang alamin ang magiging takbo ng hakbang namin mamaya.

"Sa gabing ito ay aalis si Romulus para humanap ng kanyang makakain sa ibaba ng bundok. Kapag tuluyan na siyang nawala, kailangan na nating maghanda. Tatakas tayo kapag alam nating wala na si Romulus." Puno ng determinsayon na paliwanag ni Lazardo. Ang mata nito ay kuhang-kuha ng anak niyang si Vivienne. "Sa ngayon kailangan na nating maghanda para maisakatuparan ang plano mamaya."

"Pero paano tayo gagawa ng paraan para makaalis dito? Kahit wala si Romulus ay may mga maiiwan pa rin sa labas. I guess there's no escape that we can do."

Isang buntong-hininga ang ginawa ni Lazardo bago muling nagpatuloy.

"Tulad ng nakagawian ay dadalhan tayo ng hapunan, tama ba? Dito na tayo magsisimula. Weliza, gagawa tayo ng gulo para makatakas." Napamaang ako ng banggitin niya iyon.

Gulo? What kind of trouble are they planning to do to escape? Sa isang iglap lang ay nakaramdam ako ng matinding kaba dahil dito. Sana naman ay walang mangyaring masama pagsapit ng dilim.

"Dahil mas mainam ang apat na paa kaysa sa dalawa, sasakay ka sa'kin kapag lobo na ako. Sama-sama tayong aalis ng kweba at sama-sama ring magiging malaya."

Kung gano'n, ang nag-iisang pagkakataon mamaya ay gagamitin din nila para makawala sila rito. Sobrang tagal na nilang bilanggo kaya naiintindihan ko ang kagustuhan nilang makalaya. Sana talaga ay magtagumpay kami.

"Kung dito lang ang lugar kung saan talaga kayo kabilang na mga itim na lobo, saan kayo ngayon niyan pupunta kapag nakalaya na kayo ng kweba?" Biglang tanong ko.

Naalala ko na ang lahat ng itim na lobo ay dito lang namamalagi sa kweba at nababahala lang ako kung saan sila mapupunta kapag nakatakas na sila. Black wolves are forbidden in Sagrada to join the white wolves. I wonder kung saang lugar pa sila pwedeng manatili maliban sa mapanganib na lugar na ito.

"Hindi ko alam Weliza, hindi ko alam. Oo kabilang kami sa lugar na ito pero iyon ang hindi namin dama. Hindi kami tinatrato bilang lobo, tinitignan kami bilang mga tao. Dapat nagtutulungan kami dahil parehas kami ng kulay pero kalaban ang nakikita nila sa'min." Sagot nito habang nakatitig sa mga mata ko. Tila ba nakikita ko si Vivienne sa mga mata niyang iyon. Kakaiba ang batang si Vivienne, kagaya ng ama niyang si Lazardo.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें