Chapter 35 (Part Four)

396 40 55
                                    


Chapter 35 (Part Four): His Fall

Weliza's Point of View

"Huwag kayong magtatangkang lumapit... mga dude hindi ako magdadalawang-isip na iputok 'to." Seryosong sabi ni Jolo ng hindi man lang kumukurap.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Colonel mula sa pagbabanta sa'min. Mayamaya ay marahan itong humakbang palapit kay Jolo, hindi ito kumakalas ng tingin sa kaharap. Si Jester naman ay kasunod lang niya.

"Hey, are you out of your mind?" Tanong ko kay Colonel ng makitang lumapit siya sa baril at parang walang takot doon. Tinapat pa nga nito ang dibdib sa dulo ng baril ng hindi alintana ang panganib na kayang ibigay nito sa kanya.

"Come on Jolo, sa tinagal-tagal na naming nakakita ng mga baril sa kwarto ni Dad, sa tingin mo hindi namin alam kung ano'ng totoong itsura ng baril?" Napapalatak si Colonel habang umiiling. "Yes, the one you are holding is nothing but fake."

Nanlaki ang mga mata ni Jolo na gaya ko ay gulat din sa naging rebelasyon ni Colonel. Kung gano'n panakot lang niya ang baril pero ang totoo peke iyon?
Napahilamos si Jolo sa mukha at buong lakas na tinapon ang baril papalayo. Kagaya ng inihagis kong kahon ay lumikha rin ito ng ingay. Kapansin-pansin na hindi nasira ang baril na base sa hula ko ay kahoy lang talaga.

Matapos na binato ang hawak ay unti-unting umatras si Jolo hanggang sa mapasandal ito sa may railings.

"Wala ka ng takas." Pabulong na sabi ni Colonel. Kung kalmado siya ay kita ko naman ang pag-pa-panic ni Jolo mula sa malayo. Jolo is now trembling in fear. "Any moments from now and the policemen will court you to jail."

"Ah-eh, twiny pasensya na ha pero ano naman kayang kaso ang isasampa natin sa kanya? Illegal possession of fake firearms?"

"Kahit ano." Madiing tugon ni Colonel. "Basta makulong lang siya. Hindi worth it ang existence niya rito sa labas kaya mas mabuting doon na lang siya mamalagi sa kulungan."

"Pero Colonel..." Hindi ko na napigilang makisali sa kanilang dalawa. Saan ba patungo ang usapang ito? "Wala naman siyang nilalabag na batas." Pagsasabi ko ng sariling opinyon base sa nalalaman ko. Pinagmasdan ko ang nakatulalang si Jolo. "Oo nagsinungaling siya sa'tin, oo nasa panig siya ng mga lobo, oo pinagbantaan niya ang buhay niyo gamit ang pekeng baril but think of it, all those is not punishable by law."

"But in my law it is prohibited and therefore he is punishable!" Hinarap ako ni Colonel na nagngingitngit na ang mga ngipin. May mga ugat na gumuguhit sa noo nito at parang sasabog na siya sa galit anomang sandali ngayon.

"A-Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I never saw him like this before.

"He's right twiny... kalma lang dapat tayo." Hinawakan ni Jester ang braso ng kakambal pero mabilis lang itong tinabig ni Colonel.

"Can't you see it? This guy is a mess! Sinira niya ang lahat! Kung una pa lang hindi siya nabuhay sa mundo hindi mangyayari ang lahat ng 'to!" Nagsimula itong suminghap ng hangin, tila ba nagpipigil ito na mas sumabog pa sa galit.

"Colonel, I-I can't understand you. What's the real problem?" Nag-aalalang tanong ako. I know there's a hidden reason under his anger.

Kalauan ay bumagsak ang mga luha ni Colonel na sadyang ipinagtaka ko. It looks like kanina niya pa ito kinikimkim. "Dahil sa lalaking iyan wala sanang mga lobo edi sana hindi ko kailangang umalis para mag-aral sa ibang bansa!"

Now I get it. Hinanakit pa rin pala ni Colonel ang sinabi ng ama niya na mag-aaral sila ni Jester ng military sa ibang bansa at lahat ng iyon isinisisi niya kay Jolo. Dahil sa galit ni Colonel kay Jolo hindi na naging bukas ang isip niya na hindi talaga si Jolo ang kalaban kung hindi ang mga lobo.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon