Chapter 30

687 49 122
                                    


Chapter 30: No Cure

Weliza's Point Of View

Hindi ko maintindihan ang balak ipunto ni Tito Genesis. Ayaw ko mang pagtuunan ito ng pansin pero naguguluhan talaga ako sa sinabi niya. Bakit no'ng kasama namin siya ay para siyang bato tapos ng mawala kami ay bumuhos ang emosyon niya?

Plano ko sanang bumalik sa ward ni Dymitri pero hindi na ako nakahakbang paalis ng hilahin ako ni Mikay. Binitawan niya lang ako ng makarating kaming lahat sa canteen nitong ospital. Madaling-araw na pero buhay na buhay pa rin ang lugar.

Nang makabalik ako sa sarili ay dito ko na sinalubong ang mga seryosong tingin nila sa'kin.

"We need answers, Weliza." Parang nagmamadaling sabi ni Mikay.

Tumikhim si Colonel mula sa kaliwa ko. "Please, explain everything to us."

"Ano ba talaga ang nangyayari? Why does the wolves badly wants you?" Dagdag ni Jester sa tabi ng kakambal.

"Hayaan niyo na siyang magsalita. Hindi niya naman kayo masasagot isa-isa kung pangungunahan niyo siya." Pat stated making me to stare at her. Kung kailan siya nandito tsaka naman may mga wala. Kailan ba makukumpleto ang Team Fangs?

Pagkatapos kung tumingin kay Pat ay binalik ko sa iba ang mga mata ko. Here we go, they are really waiting for the truth habang ako ay hindi pa rin gaanong nakababalik sa huwisyo dahil sa bilis ng mga pangyayari. Parang kagabi lang ay nasa kweba ako at nakikipagtunggali kila Hektor.

"What now?" Nakataas na kilay na tanong nila.

Mikay, Jester and Colonel are too obsessed to know everything. Hindi ko naman sila masisisi dahil sa lahat ng nangyaring kakaiba hindi lang sa'min kung hindi pati sa buong bayan ng La Lobos. Katulad nila ay uhaw din ako sa mga sagot noon.

Umupo ako at tsaka huminga ng malalim. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong nila. I really don't know where to start or what to say at this moment. Kalaunan ay dinaluhan nila ako sa pag-upo.

"It all started with me." Panimula ko na ikinakunot ng noo nila. "I was the only one who they wanted but because of me, everyone got involved and worst, has been hurt. I'm really sorry guys. Dapat noong una pa lang sinuko ko na ang sarili ko pero lumaban pa rin ako. Naging makasarili ako at inuna ang kaligtasan ko not knowing na masasaktan pala ang mga tao na nasa paligid ko."

Hinawakan ni Mikay ang mga kamay ko at sinenyasan akong kumalma. "Jolo revealed the werewolves wants you. The things is, handa kaming masaktan para sa'yo kasi mahalaga ka sa'min." Tinuro niya ang puso niya. "Mahal ka namin, Weliza. Kaibigan mo kami, walang iwanan."

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Mikay. Napansin ko na nanginginig na pala ang kamay ko at ang mga luha ko ay nangingilid na rin. Anomang oras ay tutulo na ito. Pagod ako, pagod na pagod. Ngayon ko lang naramdaman lahat. Lahat ng nangyari sa Sagrada at pati sa kweba. Ngayon lang nag-sink in sa'kin. Ang bigat ng pakiramdam ko at feeling ko ay babagsak na lang bigla ang katawan ko. I feel exhausted.

Gusto ko ng magpahinga, gusto ko ng maglaho... mawala. Can I sleep now and never wake up again? I don't want to feel this shit anymore. Sana 'pag natulog ako, 'wag niyo na akong gigisingin, please.

"The white wolves is the one who abducted me form the academy night." Pagpapatuloy ko na lang na pilit winawaglit ang ibang mga bagay na umiinog sa isipan ko. "They revealed that they are just protecting me to the black wolves and I'm safe in their place but it's a fucking lie. May iba pa silang agenda kaya nila ako kinubli. Kung hindi pa dumating si Dymitri hindi ko malalaman ang sikreto nila. White and black wolves are just the same who wants me badly. Magkaiba sila ng rason pero parehas sila ng mithiin—ito ang makuha ako."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now