Chapter 48

397 34 65
                                    

 
Chapter 48: Weird

Weliza's Point of View

Nagising ako ng magsimulang kumalam ang sikmura ko mula sa gutom. Mukhang napasarap ang tulog ko. Tirik na tirik na ang araw sa labas na ang ibig sabihin ay tanghali na. Usually kapag may nakikita akong kakaiba sa panaginip ko ay nagigising ako agad, but this time is an exception. Naaalala ko pa ang pagpapakita ng misteryosong lalaki sa panaginip ko kanina at ang mga kakaibang ginawa nito. What does he means? Siya rin ba ang lalaki na gumugulo sa panaginip ko noon pa man? Siya rin ba ang nagmamay-ari ng boses na naririnig ko mula sa kung saan?

I let out a deep sigh. Kagigising ko lang at ayaw kong mag-isip nang mag-isip. Hindi ito magandang panimula ng araw ko. Nilisan ko na lang ang silid habang hawak ang aking tiyan. Kaunti lang ang nakain ko kagabi dahil sa matinding pagod sa mga nangyari kahapon.

Paglabas ko ay naabutan ko si Jack sa may kusina. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Nang magkasalubong ang mga tingin namin ay binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti. Kung hindi ako nagkakamali ay sa salas siya nagpalipas ng buong magdamag.

"Magandang araw!" Masiglang pagbati nito.

"Good morning." Binalik ko ang binigay nitong mga ngiti. Parang nahawaan na yata ako ng pagiging good mood niya.

"Kumusta ang tulog mo?" Sinenyasan niya akong tumabi sa kanya para makapagsimula na kaming kumain.

"Ayos lang naman, gaya ng dati. Nasaan nga pala si Luna?" Kinuha ko ang mangkok na may lamang kanin at tsaka naglipat nito sa plato ko.

"Nasa palasyo si ina kasama ang kaibigan niyang manggamot para sa regular na pagtingin sa hari. Sana lang ay maging maayos na ang lagay niya."

"Huwag kang mag-alala magiging okay rin siya." Sagot ko sa kanya sabay subo ng pagkain.

"Hinay-hinay lang baka mabilaukan ka." Sinalinan niya ako ng tubig pagkatapos ay tinuro ang plato ko. "Pang-isang linggo na yata iyang pagkain mo. Ni minsan hindi ako lumagpas ng 3 cups of rice. Iba ka." Natatawang komento nito.

"Tse!" Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Hindi kaya ako nakakain ng maayos kagabi. Bakit ba lagi mo na lang pinagtitrip-an ang pagkain ko?" Ganito rin ang ginawa niya sa'kin noong nakaraang buwan. Susubuan niya daw ako kapag hindi ako kumain ng marami tapos ngayon na balak kong kumain nang kumain ay pinapakialaman niya naman ako. Parang sira 'tong si Jack.

"Chill ka lang. Dapat hindi mo pinagtataasan ng boses ang iyong blue-eyed wolf. Dapat nga ay alagaan mo pa ako." He winked while smirking at me.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka nga basta ako kakain lang dito."

Napailing-iling ito habang pinapanood lang ang bawat galaw ko. "I'm just concerned about you. Baka kasi sa susunod hindi na magkasya sa'yo iyang mga damit ko."

Bumaba ang tingin ko sa aking damit. Nakasuot ako ng shorts na galing kay Luna at sa itaas naman nito ay tshirt na mula kay Jack. Nagmukhang oversized shirt ang damit niya sa'kin dahil sa malaking deperensya ng pangangatawan namin.

"Whatever." I rolled my eyes, Jack can't stop giggling. Hindi ko na lang pinansin ang mga pang-aasar niya at sa halip ay nagpatuloy na ako sa pagkain.

Mayamaya lang ay may kinuha siyang mga dahon at matapos itong dikdikin ay idinampi niya ito sa sugatang labi. Ang naaalala ko ay nagkainitan sila ni Alexander kahapon kaya nakatamo siya ng tama sa mukha habang noong makalawa ay si Dymitri naman ang nakaalitan nito. Medyo nakalimutan ko na may mga sugat pa pala si Jack. Hindi naman kasi nakapagtataka na hindi visible ang mga iyon dahil epektibo talaga ang herbal medicines dito sa Sagrada.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon