Chapter 32

628 38 155
                                    


Chapter 32: New Normal

Weliza's Point of View

Tamad akong bumangon ng makailang ulit akong gisingin ng ingay ng alarm clock. Mukhang kalalabas pa lang ng araw dahil hindi pa gano'n kaliwanag sa labas. Nang maiyos ko ang higaan ay dumiretso na ako sa banyo para magsimulang maligo.

Kinuha ko agad ang uniform paglabas ng banyo at humarap sa salamin para makita ko ang sariling repleksyon. Nilalamig pa ako dahil sa tubig pero ng maisuot ko na ang uniform ay naging ayos naman na ang pakiramdam ko. Akalain mo iyon isang buwan na ng huli ko itong maisuot. Napakaluwag na nito kumpara noon na sakto lang sa'kin.

Unang araw ng pasok ko sa Saint Remus Academy ngayon—ulit—makalipas ang isang buwan. Sabi nila Mikay ay tinigil daw ang klase pagkaraan ng gulong nangyari noong academy night. Hindi ko tuloy maintindihan ngayon kung bakit kailangang ibalik ang klase. I'm not yet ready. Well, I guess everyone does. Wala na bang alternative na plano ang nakatataas? Iyong walang nahihirapan kahit sinoman?

I sighed. Aaminin ko natatakot ako.
Oo namuhay na ako kasama ang mga werewolf pero may nga bagay pa ring hindi maproseso ng utak ko.

Parang wala lang sa'kin kung magpatayan sa harapan ko ang itim at puting lobo dahil alam ko matagal naman na silang nagtatalo. Pero kung paano kinain ng itim na lobo ang isang inosenteng tao sa academy ay iyon ang hindi ko kinaya at hanggang ngayon dala-dala ko. Inosente yon at walang kalaban-laban! Doon ako natatakot na paano kung mapunta rin ang mga mahal ko sa buhay sa gano'n sitwasyon kaya nahihirapan akong maging kalmado sa puntong ito. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko ay may mga parte pa ring hindi ko talaga matanggap kaya ganito ako mag-isip.

But... there's more. Kaya ayaw kong pumasok kasi ayaw ko ring makita ang mga kaibigan ko. This is the day. Ang araw na ayaw kong gawin pero dahil ito ang dapat, ito ang gagawin ko. Ayaw ko na silang makitang masaktan kaya lalayuan ko na sila simula sa araw na ito. Puro kamalasan ang dala ko kaya mas mabuting isarili ko na lang ang lahat ng kapahamakan.

Nang matapos ako sa kwarto ay bumaba na ako para mag-almusal. Hindi pa ako nakararating sa hapag ng naramdaman ko ang pagdampi ng mga balahibo ni Jacob sa binti ko. Hinawakan ko ang ulo nito at tsaka siya niyapos.

"Good morning Tita." Umupo ako at pinagmasdan si Tita Bea kung paano niya pakainin si Mom. "Good morning Mom." Bati ko rin kay Mom kahit alam ko na hindi siya sasagot sa'kin.

"Good morning." Bati pabalik ni Tita Bea. Ang aliwalas na ng mukha nito unlike noong pagbalik ko na kita ang pag-aalala sa kanya. "Oo nga pala wala pa akong naibibigay na regalo para sa kaarawan mo."

"Tita naman hindi na kailangan. Tapos na po iyon." Pilit ko siyang binigyan ng isang ngiti. "And that's just an ordinary day for me..." Mahinang usal ko pa.

"Sa'yo oo pero para sa'kin hindi." Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ano ba'ng ipinupunto niya? "Pero dahil mukhang kailangan mo talaga ay wala akong magagawa kung hindi ibigay ito kahit na ayaw mo." May iniabot itong isang kahon na naguguluhan ko pa ring tinanggap. "Belated happy 18th birthday Weliza."

Tinanggal ko ang pulang gift wrapper at ng tuluyan kong mabuksan ang kahon ay labis akong nasiyahan dito.

"Thank you Tita." Mabilis kong hinanap ang power button ng bago kong cellphone at tsaka ito binuksan.

"Sabi mo hindi mo kailangan?" Mahina itong natawa. "Biro lang sige na kumain ka na dahil baka mahuli ka pa sa unang araw mo."

Natigil ako at ang ngiti sa labi ko ay naglaho. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko harapin si Tita.

"Is it fine to attend my classes? After what I encountered, hindi naman na ako natatakot sa mga lobo. Ang kinatatakot ko ay ang mga alaala. Horrible things happened in the academy last month because of them. I'm afraid that I might not get focused in my studies because of that."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon