Chapter 15

1.7K 125 165
                                    


Chapter 15: The Protection

Weliza's Point Of View

Kinaumagahan, nang makarinig ako ng sunod-sunod na tilaok ng manok ay agad kong iminulat ang mga mata ko. Bumangon ako at tsaka pinagmasdan ang buong paligid. Maliwanag na sa labas. Isang panibagong araw, panibagong buhay.

Lumingon ako sa kaliwa ko at napansing wala na si Luna. May dalawang kwarto sa kubo at napagpasyahan namin ni Luna na magsama sa isang kwarto dahil ayaw ibigay ni Jack ang kanya. Hiniling kasi ni Luna na sa isang kwarto na lang sila ng anak niya para bigyan ako ng privacy pero ayaw ni Jack.

"Kung gusto niyo, pwede naman na kami na lang ni Weliza ang magsama sa iisang kwarto." Naalala ko pa ang naging sagot ni Jack kagabi na sadyang kinainis ko.

I can't believe that I'm living with my most hated people at this moment—Jack Lupus. A weird guy more than Dymitri who always tease me and gave me his different kind of emotions.

Wala naman sanang rason para mabwisit ako sa kanya pero kapag naaalala ko ang ginawa niya sa academy na kung saan siya ang rason kung paano ako nalayo sa mga kaibigan ko ay naiinis talaga ako. Ngayon hindi ko alam kung nasa maayos ba silang kalagayan isama na rin ang pamilya ko na paniguradong alalang-alala na sa akin.

Mayamaya ay umalis na ako ng kwarto. Paglabas ko ay agad na bumungad ang nakangiting si Luna at ang isang nakalolokong ngiti mula naman kay Jack ang binigay nito para sa'kin. Parehas silang nakaupo ngayon sa bilog na mesa na gawa sa kawayan.

"Halika na Weliza, oras na ng almusal." Tumango ako kay Luna at umupo sa isang bakanteng upuan. Kaharap ko si Luna habang nasa kanan ko naman si Jack.

Nagsimula kaming kumain, kita ko na napapadalas ang pagtingin sa'kin ni Jack na kapag nilingon ko naman ay mabilis na umiiwas.

"Makabubuti kung dadagdagan mo pa ang pagkain mo." Suhestiyon ni Luna ng makitang binaba ko na ang kutsara ko na ibig sabihin ay tapos na akong kumain. "Mainam na may sapat kang lakas para sa buong araw mo. Heto kumuha ka pa." Tinuro nito ang mga nakahain sa hapag.

Umiling ako. "Hindi na, busog na ako. Kaunti lang din talaga ang kinakain ko."

"Kakain ka o susubuan kita?"

Sinamaan ko ng tingin si Jack ng sumali ito sa usapan namin. Dahil masama ang nagtatalo sa harap ng pagkain ay hindi ko na lang siya pinansin. Kumuha ako ng panibagong mga pagkain at nagsimula ulit hawakan ang kutsara ko. Isang ngiti ng tagumpay ang kumurba sa labi ni Jack.

Matapos ang kalahating oras ay natapos din kaming tatlo. Si Jack pa ang huling nakaubos ng laman ng plato niya at pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto nito. Bastos talaga ni hindi man lang naghugas ng pinggan.

"Ako na lang maghuhugas." Suhestiyon ko kay Luna.

"Pagtuunan mo na lang ng pansin ang sarili mo. Ako na ang bahala rito." Sagot nito pabalik.

"Sige, maliligo na muna ako." Pumasok ako sa kwarto kung saan ako natulog kagabi at kinuha ang mga damit na bigay ni Luna.

Pinasadahan ko ng tingin ang iba't-ibang kulay ng tshirt at isang nakadidiring ekspresyon ang namuo sa mukha ko. Isusuot ko lang naman kasi ang mga damit ni Jack. Nakakasuka.

Dahil wala naman akong ibang damit at dahil na rin nangako si Luna na papahiramin niya ako ng bestida niya kapag nakalaba siya, kinuha ko na lang ang mga damit ni Jack.

"Damit lang 'to, walang malisya." Bulong ko sa sarili at tsaka lumabas ulit ng kwarto.

Dumiretso ako sa may banyo at ng aktong bubuksan ko na ito ay napahinto ako. Pagkahawak ko kasi sa pinto ay isa ring kamay ang pumatong sa kamay ko. Nilingon ko kung sino iyon at kung minalas-malas ka nga naman, bakit si Jack pa? Hindi ko na pinatagal at inalis ko rin agad ang kamay ko sa pinto kaya natanggal din ang kanya.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang