Chapter 5

2.6K 183 84
                                    


Chapter 5: Saint Remus Academy

Weliza's Point Of View

Diretso akong naglakad palabas ng silid namin. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na lumingon pabalik o kaya huminto sa paghakbang. This is because of what Dymitri had said. Oo, nasaktan ako sa sinabi niya. Mukha bang nababaliw na ako? The heck he is! Akala ko pa naman iba siya sa tatay niya. Iyon ang mali ko, na naniwala akong iba siya.

Uuwi na lang ako. Gusto ko munang mapag-isa. I think I can find peace at home. Bahala na kung ano'ng gagawin ko sa bahay. Baka ituloy ko na lang din iyong binabasa ko kagabi tungkol sa mga werewolves at kung paano sila pupuksain. I'm now focus on how to fight them rather than before that I'm so scared of them.

"Hey?" Natigil ako nang may marinig na boses ng lalaki sa likuran ko. Humarap ako kaya napayuko siya. "Pwede bang luwagan mo pagkakahawak sa kamay ko? Ang higpit kasi."

Bumalik ako sa realidad nang maalalang kasama ko si Jack. Hinila ko siya palabas kanina at hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang kamay niya. Agad ko iyong binitiwan dahil sa sinabi niya.

"S-Sorry hindi ko napansin." Simple ko siyang nginitian. Medyo nakakahiya kasi iyong ginawa ko sa kanya. "Uhm... nga pala Jack, I have to go."

Tumalikod na ako at akmang aalis na pero hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Dahil dito ay muli ko siyang hinarap.

"Teka may nakalimutan ka yata." Napaisip ako sa sinabi nito. Wala naman na kasi akong naiwang gamit ko sa loob. "'Di ba ililibot mo pa ako sa academy?" Nanlaki ang mga mata ko nang maalala iyon. I don't want to do that thing because I badly need to go home but Sir Pharoño assigned me to tour him. I don't think it's the perfect time for that. Ang dami kong iniisip.

"Pasensya ka na pero may gagawin pa kasi ako. Pwede bang bukas na lang?"

"Sorry din pero wala ako bukas. Besides, if it's true na may gagawin ka then bakit mo ako hinila palabas?" Mabilis na mga tugon nito sa'kin. Kanina lang ay nahihiya siyang magsalita sa klase pero ngayon ay seryoso na siya kung kausapin ako. Ang bilis naman yata niyang magbago ng mood?

"Hindi ko lang naman napansin. Promise ililibot kita sa academy sa ibang araw. Okay lang ba?"

"Isusumbong kita kay Allen sige ka." Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi ni Jack. Wait, what? Ano'ng sabi niya? "Ah, I mean kay Sir Pharoño. Sige sasabihin ko sa kanya na tinakasan mo ako." Seryosong sabi niya. Tinatakot ba ako ng lalaking 'to?

Mabilis ko naman siyang kinontra. "Oh sige na, wala naman na akong magagawa. I'll tour you quickly to the academy so that I can go home early. Okay na po ba iyon, kamahalan?" Sarkastikong sambit ko. Para kasi siyang royalty kung makapagsalita.

"Yeah, sure." Nginitian ako ni Jack nang nakaloloko. I guess I can't do anything about this. "So shall we start?"

Mayamaya ay nagsimula kaming maglakad. Bigla naman akong napahinto nang mapagtantong ito ang lugar kung saan kami nagkabungguan kahapon.

"Maalala ko lang, sorry nga pala kahapon. Jack, hindi ko sinasadyang mabangga ka."

"What are you talking about?" Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Ngayon ang unang araw na nagkakilala tayo kaya wala akong maalalang nangyari sa'tin kahapon." Napayuko na lang ako habang nag-iisip. Maybe he's right, baka hindi siya iyong nakita ko kahapon. Tsaka iyong lalaki kahapon ay may napakalamig na boses at aura samantalang kay Jack naman ay walang kakaiba.

"Nevermind. Tara lipat na lang tayo."

Muli kong pinagmasdan ang buong academy at inisip kung saan kami unang pupunta at kung paano ko matatapos ang lahat ng ito sa pinakamabilis na makakaya ko. Hmm... I think he needs to know only the common places.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now