Chapter 20 (Part One)

1K 75 251
                                    


Chapter 20 (Part One) - The Fire In Sagrada

Weliza's Point Of View

Lumipas ulit ang panibagong apat na araw at heto nandito pa rin ako sa Sagrada kasama si Dymitri. Isang buwan na akong nandito at mukhang tama ang hinala ni Dymitri, masasalubong namin ang kaarawan ko sa lugar na 'to.

Pansamantala pa rin kaming tumutuloy sa kubo ni Luna hanggang sa sandaling ito. Si Cassie naman ay nasa malapit lang na kubo. Ngayon ay lagi ko na siyang nakikita sa labas at tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Sinabi ni Dymitri na sinusundan ako ni Cassie noong academy night. Knowing her, iba rin kung mag-isip ang babaeng iyon. Siguro kung hindi ko siya nahuling nagpapanggap na walang malay ay hanggang ngayon hindi pa rin namin alam na conscious lang pala siya. Ano kayang rason para gawin niya iyon? Malakas na talaga tama niya sa utak.

Kaninang umaga, pagkagising ko ay naabutan ko si Luna na may bitbit na isang bayong na paniguradong may lamang mga gamit nito. Tulad ng napag-usapan ay inabot ko sa kanya ang sulat ko para kila Tita Bea at Mom na sinulat ko na kagabi. Nilagay ko rin ang eksaktong address namin sa sulat para hindi na mahirapan pa si Luna sa paghahanap.

Tinanong ko rin naman si Luna kung alam ba ni Jack na aalis siya at ang sabi niya ay dumalaw daw ang anak niya habang natutulog pa ako kaya pormal siyang nakapagpaalam. Matapos nitong ikandado ang kwarto ni Jack ay umalis na rin siya.

"I wonder what that room contains. She's always guarding it." Komento ni Dymitri na tinutukoy ang kwarto ni Jack na kagaya ko ay may ganito ring tanong sa isip.

"My fault." I shifted my gaze on Jack's room to Dymitri's direction but still avoiding his eyes. "I entered that room before and I found something. Do you remember when you told me to search about the wolves?" Dymitri nodded on my question.

"Isa sana sa pagkukunan ko ng impormasyon ay ang librong, "Unseen Lies of La Lobos". I have my own copy but the pages 12 and 13 are all missing. Jack has also that book because he borrowed it on our library. I was eager to reveal the missing pages when I saw the book on that room. Noong panahong bubuklatin ko na ang libro sa kwarto ni Jack, Luna came in."

"So you are thinking that there's something in that book?" Tumango ako kay Dymitri. "Weliza, stop that. I mean whatever you'll found, it's useless. Sabi mo noong nakaraan lahat ng tanong mo nasagot na nila. The necklace is gone so there's no time to overthink about the wolves. We'll be in peace once we got back in our normal lives. We can start again and sooner or later, all our memory with the wolves will fade."

"That's the biggest lie that will ever happen. What we we encountered is beyond normal so there's no chance that I can forget those creatures. After what they have done? Dymitri, they almost killed me and got all us in trouble. Do you still think that I can forget them with those bad memories?"

Mayamaya ay lumapit si Dymitri sa kinatatayuan ko.

"Hey, sorry na for telling you those things. Cheer up, okay?" Hinawakan nito ang kamay ko na sadyang ikinabigla ko. "Weliza, you need to start this morning with a smile and don't forget what does this day means to you."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "W-What do you mean?"

"Tomorrow's your birthday! Welcome to legal age Weliza!" He exclaimed but I just sighed. "Happy birthday Weliza! Guess what, I'm the first one who greeted you and you'll also celebrate your special day with just one and only me in this place!" Tinanggal ko ang mga kamay nito at tsaka tumingin sa malayo.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora