Chapter 34

548 40 73
                                    


Chapter 34: Help

Weliza's Point Of View

Hindi mapigilang magragasa ng mga luha ko dahil sa sitwasyon namin ni Dymitri. Ito na ba ang aming huling yakap? Hindi ko na ba talaga siya makikitang muli? Ang hirap ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Pinunasan ko agad ang luha ko kahit na alam kong hindi niya ito makikita dahil sa dilim. This is right at it should be, I'll let him go. I don't want to suffer him anymore. What I bring is bad luck and Dymitri doesn't deserve that. Tama siya, deserve niya namang maging masaya.

Kinalas ko ang yakap ni Dymitri at tsaka ito hinarap. Sasabihan ko na sana siyang umuwi at iwan akong mag-isa pero bigla na lang may kumaluskos kaya halos mapatalon na ako dahil sa matinding gulat.

"Mga kabataan nga naman, alam ng may curfew nasa lansangan pa rin." Pahayag ng isang guard, nakita ko ito kanina sa may entrance nitong subdivision. May hawak itong flashlight na nakatutok sa'min ni Dymitri. Sa isang iglap ay nakadama ako ng takot sa pwedeng mangyari.

"M-Mali ho kayo ng iniisip." Kontra ko sa kanya, hindi ko na mapigilang mautal.

"Sa opisina na lang kayo magpaliwanag."

"Hey, stop. Can we please talk?" Humakbang si Dymitri palapit sa guard. Hawak pa nito ang nakabendang braso na tila pinoprotektahan ito. Hindi ko siya masisisi dahil baka kasi may magbigay rason pa para magdugo ito. "I know that no one's above the law but can we just settle everything here? A warning would be enough and I promise that this will never ever happen again..." He looked at me with his usual mysterious eyes but one thing has changed—his eyes seems to see me blankly and emotionless now. "Just let us go for now and I promise this is the end." Sabi pa nito sa guard pero sa'kin naman nakaharap.

After a couple of minutes of being quiet, thinking I bet, the guard sighed. "Oh siya sige, hahayaan ko na kayo ngayon pero sa susunod huhulihin ko na talaga kayo. Tatandaan ko ang mga mukha niyo ha." I nodded while Dymitri remain his composure. "Isa pa nga palang bagay, I know you Mr. Madrigal. Ang anak kong babae ay isang trainee sa inyong ospital."

"Is that right?" May halong pagkamanghang tanong ni Dymitri. "Maybe I can talk to my father if he can promote your daughter. Just a "thank you" for helping me tonight." What? Tama ba ang dinig ko? Dymitri now uses his power? This is the first time na banggitin nito ang koneksyon sa ama para sa isang bagay.

Gulat na napatingin kay Dymitri ang guard. "Kung ako lang ho ang tatanungin ay gusto ko sana iyan pero ang anak ko kasi ay mas gustong pinaghihirapan ang lahat ng bagay."

Napatango-tango na lang si Dymitri. "It's up to you, sir. But if you ever change your mind, don't hesistate to call me in the entrance."

Ngumiti ang guard at tsaka binalingan ako ng tingin.

"Sige ho mauna na kami." Pagpapaalam ko. Siguro kung hindi si Dymitri ang kasama ko ay hindi na pinalampas ng guard ang sitwasyon. Malamang, matatalakan pa ako ni Tita kapag sinundo niya ako sa puder ng guards later on.

"Mag-iingat kayo. Kanina lang ay may pinatay sa kabilang bahay at kasalukuyan naming hinahabol ang salarin."

Nagsalubong ang kilay ko at binigyan ng isang naguguluhang tingin ang guard.

"Talaga po?" Tumango siya sa'kin. "Kanina naman po muntik akong manakawan dito. Buti na lang at may tumulong sa'kin."

"Naku hija, talamak talaga ang nakawan dito kahit na mahigpit sa may entrance. Sa palagay ng amo ko, mga insider lang din ang may pakana o iyong mga naninirahan dito. Posibleng hindi talaga pagnanakaw ang nais nila dahil lahat naman ng nandito mayayaman. Pati iyong pagpatay kanina palagay ko kaparehas lang din ng iisang rason."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora