Chapter 12

2K 138 63
                                    


Chapter 12: Abducted

Weliza's Point Of View

Nagsimulang magkagulo ang mga tao. Dahil sa matinding panic ay nawala na sila sa sarili, hindi na rin nila alam kung saan pupunta. Ang ilan ay halos madapa na sa katatakbo at ang ilan ay umiiyak na sa takot. Ako ay nanatiling nakatayo sa kung nasaan ako, parang hindi maproseso ng utak ko na nangyayari ang lahat ng ito.

Halos walang reaksyon ang mga tao ng mamatay ang mga ilaw pero ng magsimulang dumagundong sa paligid ang nakakikilabot na mga alulong na iyon ay tila binalot ang lahat ng pangamba. Nitong mga nakalipas na araw ay kalat ang mga pag-atake hindi lang sa bayan namin kung hindi pati sa ibang lugar na dulot ng mababangis na hayop. Kaya hindi ko sila masisisi kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon nila sa mga oras na 'to.

Kung tama nga si Colonel ay susugod ang mga werewolf dito dahil ito ang araw kung saan kakaunti lamang ang pagkain nila at panigurado na sa lugar na maraming tao tulad nito sila kukuha ng makakain. Kung alam lang namin na mangyayari ito ay sana nasama namin 'to sa plano. We are not expecting a high volume of wolves this night, akala namin ay bilang lang sa daliri ang mga pupunta. Sana walang mangyaring masama ngayong gabi.

"Sarado ang gate!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Dahil doon ay mas nagkagulo ang lahat. Ang ilan sa kanila ay natumba at natapakan na habang ang iba ay nahimatay naman sa takot.

Mayamaya ay nawala ang mga alulong sa paligid. Hindi ako naging panatag dahil sa mga oras na 'to ay hindi tao ang kalaban namin kung hindi mga halimaw na nagtatago sa dilim. Anomang oras ay pwede silang umatake ng hindi namin nalalaman.

Mayamaya ay napatingala ako hanggang sa makita ko ang buwan sa itaas. Bilog na bilog ang buwan ngayon kaya doble ang liwanag na binibigay nito sa buong lugar.

"Whenever there is light, there is hope..." Ito ang bagay na pinanghahawakan ko sa puntong ito.

Kalaunan ay may natumbang matanda hindi kalayuan mula sa'kin at bago pa siya matapakan ng mga tao ay nilapitan ko na ito at inalis doon.

Everything has changed when suddenly I feel that my chest is burning. Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa sobrang sakit nito. I notice that this fucking necklace always did this to me in this kind of situation whenever wolves are around.

Huhubarin ko na sana ang kwintas na suot ko ng bigla akong mabunggo ng isang lalaki kaya ako napasalampak sa lupa. Tatayo na ako pero nakaramdam ako ng mabibigat na paa sa katawan ko. Hindi na ako nakagalaw ng sunod-sunod ng dumaan ang mga tao kung nasaan ako. Hindi na napansin ng mga tao na mayroon na silang natatapakan dahil sa kagustuhang makalayo rito. Napangiwi na lang tuloy ako sa matinding pananakit ng katawan. Nakapansin na rin ako ng mga galos sa braso ko at ang asul na dress na suot ko ay marumi na.

Nang mawala ang mga tao ay sinubukan kong bumangon. Sumandal ako sa isang pader na malapit at ininda ang pananakit ng buong katawan ko. I need to contact Mikay and Dymitri as soon as possible.

Balak ko ng dukutin ang cellphone ko ng may makita akong mga pulang pares ng mga mata na papalapit sa direksyon ko. Napakurap pa ako ng ilang beses pero hindi na ito nawala sa paningin ko. Totoo sila at anomang oras ay alam kong katapusan ko na.

"Muli tayong nagkita, Weliza." Sino ang mag-aakala na maggagaling ang boses na iyon sa isang mabalahibong nilalang na kawangis ng isang normal na aso pero kasing bangis pala ng leon—isang werewolf.

Mapakla akong ngumiti. "Kahit ilang beses pa kayong magpakita sa harap ko, hindi ako sasama." May halong diin na sabi ko sa kanya. Dumako ang mga mata ko sa kanan nitong tainga at tama nga ako, ito ang itim na lobo na laging nagpapakita sa'kin. Tulad ng laging nangyayari ay hindi ito nag-iisa at may kasama pang ibang lobo.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now