FAQ's

428 18 69
                                    


Frequently Asked Questions from the readers of The Blue-Eyed Wolf:

1. Kailan po ma-a-upload ang Book 2?

This 2021, no exact date. As what I've said, gusto ko muna sanang isulat ng buo ang Book 2 bago i-upload ng isahan para na rin hindi ma-hassle ang readers kahihintay. Probably that will be around late 2021 or early 2022, I don't know pa po.

Ang Book 1 kasi ay nasulat ng 1 year and 1 month kaya hindi ko alam kung paano ang magiging takbo ng Book 2. Nag-aaral din kasi ako ngayon.

But let's see. Gagawan ko ng paraan para ma-publish ang Book 2 this 2021.

2. Hanggang ilang chapter po ang Book 2?

Ang tansya ko ay more or less 40 chapters siguro. Mas less chapters ngayon kasi kahit ako gusto ko ng matapos ang TBEW para maka-focus naman ako sa iba kong story.

Kahit mas kaunting chapter ang nasa Book 2, for sure mas exciting naman iyon kaysa sa Book 1.

3. Lalayag na po ba ang mga sini-ship namin sa Book 2? Baka naman po.

Ilang beses ko ng nasabi pero uulitin ko ulit, HINDI PO ROMANCE ANG STORY KUNG HINDI FANTASY PO.

So, expect what is unexpected.

4. Magkikita pa ba si Weliza at Jack?

Yes. Pero may kulang na, may mali na.

5. Mabubuo pa ba ang Team Fangs?

Sadly to say, hindi na. Wasak na ang grupo.

6. Ilang taon na po si Weliza and her beshies?

Ang members ng Team Fangs ay lahat Grade 12 students na so around 17-19 years old.

Pat is 19. Mikay, Weliza and Jolo is 18 just like the twins. Colonel is 15 minutes older than Jester. While Dymitri is the youngest one, 17 years old.

Kung tatanungin niyo naman ang ibang characters well, Jack is in his mid-19th. Alexander is turning 18. Argus is also 18.

7. May backstory po ba ang ibang characters like si Pat, ang twins o si Mikay at Dymitri?

Meron pero pasilip lang.

8. May chapter/s ba na dedicated kay Theodore at sa pagiging wolf niya?

Meron din po kasi iyon ang pinaka-sentro ng story.

9. Sino po ang three claws? Sino po si ganyan... si ganito?

Lahat po ng nababanggit na pangalan ay makikilala niyo. Hindi naman ako basta naglalagay lang ng characters out of nowhere. Lahat sila may purpose sa story.

10. Si Alpha na ba si..? Ang blue-eyed wolf na ba talaga ay si..?

Si Alpha ang pinakamataas na claws ni Romulus and if you are paying attention, una pa lang dapat alam niyo na kung sino talaga si Alpha.

Para maintindihan ang tungkol sa propesiya ng "the blue-eyed wolf", pwede niyo balikan ang Chapter 45-47.

Well, for confirmation, see you na lang sa next book.

11. What can we expect sa Book 2?

Mas marami pang revelations about sa pagkatao ng characters. Kung akala niyo kilala niyo na sila well, there's also a darker side of their lives. Everyone here has a secret.

12. May new characters ba sa next book?

Mas marami po mas masaya pero for sure mas magulo iyon.

13. Kuya bakit kaparehas ng story mo iyong

Shut up. Kung hindi mo ako kayang respetuhin, iyong story ko na lang. Pinaghirapan ko iyan. Ilang beses na akong nanakawan ng stories before kaya please manahimik ka na lang.

14. May mamamatay pa po ba sa Team Fangs?

Meron ulit.

and the million peso question is...


15. Kuya lalaki ka po ba?

(natatawa) Kakasabi mo lang eh. Gusto mo ipakagat kita sa werewolf para ma-realize mo meaning ng username ko? Hmp.

Additional Facts:

- As I've mentioned before, TBEW is inspired by the hit Thai seriesThe Gifted. Magkaiba sila ng genre but same flow and... finale. Ngayon siguro alam niyo na kung ano mangyayari sa next book.

- Ang timeline ng TBEW ay within January to May 2020 kasi ito ang time ng mabuo ko ang plot. Dito niyo na rin siguro ibase ang age ng characters.

- As of now hindi ko muna in-entertain ang mga balak kumuha ng TBEW. Hindi pa ako ready na magkaroon ng published copy ang libro kasi alam ko na marami pa akong pwedeng i-improve dito.

Ps. Kung may tanong pa kayo sabihin niyo na agad. I'll remove this part soon so better read it now.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now