Chapter 53 (Part One)

379 31 204
                                    


Chapter 53 (Part One): Friend or Enemy?

Weliza's Point of View

"Stay on each other's back." Mungkahi ni Colonel sa aming lahat. Hindi na mapakali ang mga kasama ko at may bahid na ng takot at pagkabahala sa kanilang mukha. "If something worse happen, use your guns." Itinuro nito ang hawak naming mga baril. Nanginginig ko namang tintignan ang kamay ko. Ngayon lang ako nakahawak ng baril at hindi ko alam ang gagawin ko sa bagay na 'to.

"Get ready, use your guns wisely. Limited lang ang bala niyan." Dagdag ni Jester na sinisilip ang bukas na bintana. Matapos ang ilang sandali ay bumalik ito sa tabi ni Dymitri at pinagmasdan ang nakukuhang footages ng drone. "Wala pang extract ng wolfsbane ang mga bala pero dahil silver iyan ay fatal pa rin sa lobo."

Kung sila ay nagpaplano kung paano gagamitin ang baril ay iba naman ako. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil sa sunod-sunod na alulong kanina na gawa ng hindi lang isa kung hindi sadamakmak na lobo. Kanino galing iyon? Sa itim o puting lobo? Kung sa white wolf posibleng communication howl ang ginawa nila at kung mga black wolf... attack howl lang ang naiisip ko...

Ito na ba ang sinasabi ni Hektor noong nakaraan na malapit na ang katapusan ng La Lobos? Ngayong araw na ba mangyayari iyon? Hindi pwede! Ang daming madadamay!

Mayamaya ay isang desisyon ang nabuo sa isip ko. I don't want to suffer anyone from this shit. Lalo na ang pamilya ko.

"Lalabas ako ng academy." Madiing sabi ko sa kanila. Lahat sila ay napatingin sa direksyon ko.

"Are you out of your mind?" Dymitri sarcastically asked me.

"Weliza, huwag kang magpadalos-dalos sa ginagawa mo. Masyadong delikado sa labas." Puno ng pag-aalalang sabi ni Jack mula sa gilid ko. Itinago ko ang baril sa tagiliran ko at hinarap si Jack.

"Pero ang pamilya ko, paano sila? Kailangan ko silang puntahan!" Madiing sigaw ko. Dahil sa nangyayari ay mas nag-aalala na ako kila Tita Bea at Mommy pati na rin kay Jacob. Gusto ko na silang makita ngayon para malaman kung nasa maayos ba silang kalagayan.

Mabilis akong tumakbo sa pinto ng lab para lumisan dito pero mas maagap si Jack kaya naharang ako nito mula sa labas.

"Ano ba, let me go!" Pagpupumiglas ko sa kanya.

"Weliza, I assure you, walang mangyayaring masama sa pamilya mo so keep calm." Pinakawalan nito ako sa kanyang mga bisig at inilapit sa'kin ang katawan niya. Wolf form o human form man ay ramdam ko ang init ng katawan ni Jack. "They're guarded by great werewolves of Sagrada. Ligtas na sila sa inyo kaya huwag mo na muna silang isipin ngayon."

"Jack, hindi mo ako naiintindihan. Sila na lang ang mayroon ako!" Napailing-iling ako at sinubukan siyang itulak pero ni hindi man lang siya natinag.

"At hindi mo naman ako pinagkakatiwalaan!" Biglang sigaw niya na naging dahilan ng pagtikom ng aking bibig. "Weliza, hindi mo ba binibigyang-importansya ang mga sinasabi ko? Lahat naman ng ginagawa ko para sa ikabubuti mo, hindi ba? Sige nga sabihin mo sa'kin, kailan kita pinahamak?"

Napabuntong-hininga ako. Hindi naman nagdalawang-isip si Jack at agad akong niyakap.

"S-Sorry... nadala lang ako ng emosyon." Paumanhin nito. I whispered him that it's fine, that I'm fine.

"Oh my... again?" Naguguluhang tanong ni Mikay sa loob ng lab kaya napakalas ako ng yakap kay Jack.

Isang makapanindig-balahibong alulong ulit ang nangingibabaw ngayon. Sa isang iglap ay nabalot ng kaba ang dibdib ko. Nangatog ang tuhod ko sa takot at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Ang kaibahan ng alulong kumpara kanina ay sobrang lakas ngayon na tipong ilang metro lang ang layo nito mula sa lab. Panigurado, sa labas lang ng academy galing ang alulong.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now