Chapter 55

527 33 162
                                    


Chapter 55: A Pair Of Blue Eyes

Weliza's Point Of View

"Ngayong hawak ko na ulit ang bato ng buwan, ako na ang titingalain niyo bilang panginoon! HAHAHA!!!"

Sunod-sunod na pagkulog at pagkidlat ang dumagundong sa kalangitan kasabay ng mga halakhak ni Romulus. Parang anomang sandali ngayon ay bubuka na ang langit at maglalabas ng isang malakas na kidlat papunta sa'min. Galit na galit na ang buwan dahil sa ginawa ni Romulus.

"Ayos ka lang?" Inalalayan akong makabangon ni Alexander. Maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyayari sa paligid. Ang ibang lobong kasama namin ay hirap pa rin sa pagtayo dahil sa lakas ng pwersang kumawala kanina sa bato ng buwan.

"T-This can't be h-happening." I said as my voice started to tremble. Ayaw ko siyang tignan dahil sa kaawa-awa niyang sitwasyon.

Bumaling ang tingin ko sa nakabulagtang si Jack. Patuloy sa pagdurugo ang kaliwa nitong mata. Akala ko noong una ay wala na siyang buhay pero bigla itong gumalaw ngayon at sinusubukang tumayo kahit na nanghihina siya.

"Buwan, tanggapin mo ako bilang tagapagbantay ng iyong bato. Bilang kapalit ay pagkalooban mo ako ng walang hanggang kapangyarihan!" Sigaw ni Romulus sa buwan habang nakatingala sa napakadilim na itaas. Tila nabulag na siya sa kapangyarihan ng bato at kung ano-ano na ang sinasabi nito.

"He's sick." I whispered hugging myself tight because of the cold blowing wind. Parang may paparating na bagyo dahil sa atmosphere ng paligid.

Mayamaya ay nawala ang malawak na ngiti sa labi ni Romulus. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang batong hawak.

"Hindi ito maaari... bakit kalahati lang ang bato ng buwan?!" Nagngangalit na sigaw niya. Pulang-pula na ang mga mata niya at puno na ng silakbo. "Nasaan ang isa pa?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. Oo nga pala, hinahanap din namin ang kalahati ng bato.

Kalaunan ay sumulpot mula sa kung saan si Sir Pharoño. Lumapit ito kay Romulus at yumuko sa kanya. Napakuyom naman ang kamao ko dahil sa nasaksihan. So it's him all along, huh? I never thought that the real enemy is one of our colleague. I wonder kung ano ang nararamdaman ni Jack ngayon.

"Wala ang kalahati ng bato. Kunin mo na si Weliza para makaalis na tayo. Lahat ng walang silbi rito, patayin mo na." Utos ni Romulus, walang mababakas na kahit katiting na emosyon sa boses nito. Mabilis namang tumango si Sir Pharoño na parang tuta lang ni Romulus.

Naglakad papunta sa direksyon ko si Sir Pharoño. Hanggang ngayon ay hindi talaga ako makapaniwala na siya si Alpha, na matagal ng nasa panig namin ang isang ahas. Nagtago siya sa maskara ng isang mabait at maalalahaning guro tapos ngayon ilalantad niya ang sarili bilang isa palang kalaban. What a plot twist.

Hinarang ni Alexander ang sarili sa tapat ko bago pa tuluyang makalapit si Sir Pharoño. Nagsukatan ng mga tingin ang dalawa at hindi nagpatinag sa presensya ng isa't isa.

"Buti naman nagpakita ka ng hayop ka! Taksil!" It was too late for me to realize what is happening. Alexander unexpectedly punched Sir Pharoño. Napahawak na lang ito sa kanyang mukha habang kinokontrol ang pagkabalanse para hindi matumba. Napalakas yata ang bigay ng kamao sa kanya ni Alexander. Nagkaroon din kasi ng bahid ng mapulang dugo sa labi ni Sir Pharoño.

"Alpha... ngayon na!" Sigaw ni Romulus habang hawak ang bato ng buwan.

Sa isang iglap ay naging itim ang mga mata ni Sir Pharoño at binaluktot ang braso ni Alexander hanggang sa bigla niya itong sinakal. Hindi na makagalaw si Alexander at hindi na makahinga. Isang maling galaw lang nito at panigurado ay mababali ang leeg niya.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now