Chapter 52 (Part One)

358 28 138
                                    


Chapter 52 (Part One): Blueprint

Weliza's Point of View

"Ano kaya ang nangyayari sa boys sa kabilang tent?" Biglang tanong ni Mikay, mayamaya ay napabungisngis ito. Magkasama na kaming dalawa ngayon sa tent isang oras matapos kumain. May ipinamimigay na sopas si Mayor na natanggap din ng grupo namin. Ayaw ng ganitong pagkain ni Dymitri kaya hindi siya kumain.

"Matulog na tayo, huwag mo na sila pansinin." Kinuha ko ang isang kumot at binalot sa katawan ko. First time namin makakatulog dito sa academy at hindi ko inaasahan na malamig pala dito kapag gabi.

"I wonder kung anong kababalaghan ang ginagawa nila ngayon." Napahawak ito sa kanyang baba na tila nag-iisip. "Pinag-uusapan kaya nila tayo? O kaya pinagpupustahan?" Bulong nito na halatang kinikilig pa.

"Mikay, keep quiet! Labas na tayo sa mga ginagawa nila ngayon." Sita ko rito na may kasama pang paghampas ng unan sa kanya. Kinuha naman niya ang unan at niyakap habang tinatawanan ako.

"Tigilan mo nga ako, kilala kita. Deep inside gusto mo rin iyong sinasabi ko." Napagikgik ito ng tawa. Babatuhin ko sana siya ulit ng unan kaso wala na akong nakuha. "Ang haba ng hair mo girl isipin mo, pinasok ni Jack ang academy kahit na may mga wolfsbane dito makasama ka lang." Tinusok-tusok nito ang tagiliran ko.

Napabuga ako ng hangin ng biglang sumagi sa isip ko si Jack. "Actually nag-aalala nga ako sa kanya kasi baka mapano siya. Malakas pa naman ang allergy niya sa wolfsbane."

"Kung nag-aalala ka edi pasukin mo siya sa tent nila. Ako na ang bahala sa ibang boys." Kumindat ito sa'kin.

"Alam mo puro ka biro eh ang dami na ngang nangyayari sa mga buhay natin." Napailing-iling ako mula sa inaasta niya. "First the appearance of the wolves. Then nag-away ang twins na hanggang ngayon 'di pa settled plus, mukhang nasaktan natin ang emotions ni Pat earlier. Dapat hindi natin siya pinagsalitaan ng gano'n."

Mayamaya ay bigla itong natahimik. "Yeah right, I also feel bad for Pat. Sana lang ay maayos siyang makatulog ngayon sa may office nila para bukas magkausap na tayo ng maayos. Same to the twins, sana maging magkaayos na sila ngayong gabi."

Sabay kaming napabuntong-hininga, umaasa... maraming sana. Umaasa kami na sana, matapos na lahat ng ito. I hope makahinga na kami ng mas maluwag sa susunod.

+++


"Weliza, gising... may araw na..."

Kinuha ko ang kumot at tinalukbong iyon sa mukha ko. Napahikab ako at tumalikod sa nangungulit na si Mikay. "Ang aga pa, matutulog muna ako. Just give me more minutes."

"Bumangon ka na dahil marami raw tayong gagawin sabi ni Dymitri. Kapag hindi ka pa tumayo iiwan na kita. Kapag ikaw hindi nakasama baka magtampo si Dymitri. Kapag nagtampo si Dymitri mas mahihirapan kayong magkaayos, sige ka." Sunod-sunod na sabi nito na nagpasakit sa ulo ko. Dahil sa mga pagbabanta ni Mikay ay napabangon ako ng wala sa oras.

"Oh sige na sige na. Ang aga-aga tinatalakan mo na ako." Mabilis kong tinanggal ang kumot sa sarili ko at naguguluhang tinignan si Mikay. Napatulala ako sa isang gilid at napabuntong-hininga. "Akala ko naman panaginip lang, totoo pala talaga." Puno ng dismayang sambit ko sa kanya.

"Ang alin? Panaginip mo lang na ginigising kita?"

"Nope, the werewolves. Akala ko nananaginip lang ako pero mukhang totoo pala sila." Malungkot na paliwanag ko sa kanya.

"Alam mo magmadali ka na dahil kanina pa tayo hinihintay ng mga boys." Napailing-iling ito, tila hindi nagustuhan ang huling sinabi ko.

Hinawakan ko si Mikay at iniharap sa'kin. "Teka nga, natulog ka ba?"

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now