Chapter 29 (Part One)

671 48 231
                                    


Chapter 29 (Part One): The Letter

Third Person Point Of View

"Ano wala pa rin ba siya?" Iritang tanong ni Colonel sa mga kasama. Nangagalaiti na ito kaya ang kamay na gamit niya panghawak sa flashlight ay nanginginig na.

"Sad but true." Nanlulumong sagot pabalik ni Mikay mula sa dilim. Ang mga ilaw ng flashlight nilang tatlo ang gumagapi sa walang hanggang kadiliman sa buong gubat.

"Lintek naman oh! Bakit ngayon pa? Bakit siya rin? Shit!" Inis na sambit na lang ni Colonel.

"Masama ito. Paano natin 'to sasabihin sa pamilya niya? Ano na lang ang magiging reaksyon ni Sir Genesis kapag nalaman 'to?" Pahayag ni Jester, hindi na mapakali at ginugulo ang mga buhok.

"Tang-ina naman bakit ba kasi 'to nangyayari sa'tin? Iniisa-isa na tayo! Ngayon sino na ang susunod na mawala pagkatapos ni Dymitri? Ako? Kayo? Tang-ina talaga!" Napasapo na lang si Colonel sa kanyang ulo sa sobrang pagkainis. Hindi na nito mapigilang madismaya sa sunod-sunod na nangyayari sa kanila.

"Hey, calm yourself." Tinanggal ni Mikay ang kamay ni Colonel sa ulo niya. "There's no time to be like this. Tayo na lang ang magkakasama kaya dapat nagtutulungan tayo. We will survive this, we can find them."

"Pero paano nga kapag isa naman sa'tin ang mawala? Alam mo lahat ng 'to dahil kay Weliza eh. Siya lang naman ang pakay nila nadamay lang tayo. Kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari lahat ng 'to!" Sa sobrang inis ni Colonel ay huli na ng mapansin nitong mali na ang mga salitang nasasabi niya.

"Oh please Colonel, shut up! Wala kang karapatan na sabihin sa kanya iyan!" Tinulak ni Mikay papalayo ang kaninang hawak na si Colonel. Si Jester naman ay nanatili lang nakatayo sa tabi nila. "We're friends remember? Sige ulitin mo pa iyan, pag-isipan mo pa ng masama si Weliza, I promise that I'll never talk to you forever. Your efforts in the past months will be useless kapag nilayuan kita."

Napailing si Colonel hanggang sa mapahilamos sa mukha. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa nasabi pero hindi niya alam kung papaano. Wala ng mga salitang lumabas sa kanya dahil sa naging pagbabanta ni Mikay.

"Alam niyo para kayong mga bata. Tara na nga sa safe house. Bukas na lang natin ipagpatuloy ang paghahanap, pagod na ako." Mungkahi ni Jester pero ang totoo ay sinabi niya lang ito para pakalmahin ang sitwasyon ng dalawang kasama.

Nagkasundo silang tatlo. Bago naman sila makapunta sa sasakyan ni Colonel ay bumuhos na ang ulan.

+++


Kinabukasan ay maagang nagising si Mikay para magtungo sa safe house ng kambal. Marami itong dalang pagkain na niluto para ibigay kila Jester at Colonel. Alam kasi nito na puro instant noodles at mga canned goods lang ang kinakain ng dalawa.

Pagkarating ni Mikay sa safe house ay makailang ulit nitong kinatok ang kahoy na pinto. Inulit niya ito ng makailan pang beses ng hindi pa rin ito bumubukas.

Kahapon lang ay hindi inaasahan ng magkakaibigan na may panibagong mawawala sa Team Fangs—ito ay si Dymitri. Magkakasama silang apat para sana hanapin sa gubat ang una nilang nawalang kabigan na si Weliza pero sa hindi malamang rason ay hindi na nagpakita si Dymitri pagsapit ng dilim. Inabutan na sila ng ulan sa gubat pero hindi na muling nagparamdaman pa si Dymitri. Hanggang sa pagsapit ng umaga ay wala pa rin silang balita rito kaya sobra na lang ang pag-aalala nila. Ngayon ay hindi lang si Weliza ang hahanapin nila kung hindi pati na rin si Dymitri.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now