Chapter 47

405 32 110
                                    


Chapter 47: A Gift From The Moon

Third Person Point of View

"AAAHHHH!!!"

Isang nagngangalit na sigaw ang pinakawalan ni Alexander. Halos may gumuhit ng ugat sa kanyang leeg. Kalaunan ay pinaulanan nito ng suntok ang malapit na pader. Hindi siya tumitigil kahit na nagdurugo na ang kanyang kamao. Tila ba naging manhid na siya sa sakit.

"Why is it always me? Why do I need to suffer from shits? Lahat na lang ng hindi maganda, nangyayari sa'kin!" Dahan-dahan itong napaluhod habang paulit-ulit na hinahampas ang pader. Hindi na magkamayaw ang kanyang mga luha, mga luhang puno ng mga hinanakit at sama ng loob. May mga paghikbi na ring kumakawala sa bibig nito.

"Si Argus, bakit pati siya kailangan akong lokohin? Siya na lang ang mayroon ako at ngayon wala na akong kaibigan! Walang-wala na ako, ubos na ubos na." Panlulumo nito na inaalala ang naging pag-amin kanina ng kanyang Paws at matalik na kaibigan. Nagbigay rin si Alexander ng mabigat na desisyon sa magiging kapalaran ni Argus kung saan habambuhay na ito mananatili sa kweba ng mga dalisay.

Mayamaya ay bumukas ang pinto ng kanyang silid. Nagngitngit ang ingay na bigay nito sa pandinig ng prinsipe. Mabilis na nagpunas ng mga luha si Alexander bago hinarap kung sinoman ang kadarating.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap!" Singhal ng prinsipe kay Hulyo. Pinanlisikan niya ng mata ang kaharap.

Lumandas ang mga tingin ni Hulyo sa sugatang kamao ni Alexander. Nagpigil ito ng pagngisi dahil sa nasaksihan.

"Pasensya na. Sinuguro ko lang ang kahihinantnan ni Argus sa kweba." Napansin din ni Hulyo ang mga pasa sa mukha ng prinsipe na dulot ng katatapos na fistfight.

"Oh, really? But you wasn't there." Pinaningkitan ni Alexander ng mga mata ang kausap, tila ba hindi siya kumbinsido sa paliwanag nito. "May nakapagsabi sa'kin na isang kawal na kausap mo raw ang mensahero ng palasyo at may pinadala kang liham sa La Lobos."

Panandaliang nagulat si Hulyo sa sinabi ng prinsipe pero pinatili pa rin nito ang pagiging kalmado. Hindi nito pinakita kay Alexander na tama ang nalalaman nito.

"Baka nagkamali lang siya. Ang mensaheng ginawa ko ay para sa mga kawal ng kweba, iyon lang." Pagsisinungaling niya.

"Alam mo bahala ka nga kung nagsasabi ka ng totoo. Basta ako pagod na pagod na." Hinimas ni Alexander ang kanyang kabilaang sentido gamit ang mga daliri. Halata sa mukha niya ang matinding pagkasiphayo sa lahat ng nangyari ngayong umaga. Una ay dahil sa lumalalang kalagayan ng hari, pangalawa dahil sa nagawang kasalanan ni Argus at panghuli ay dahil sa nakikita nito sa pagitan nila Jack at Weliza.

"Si ama, wala pa bang lunas sa kanya?" Tumalikod si Alexander at pinatong ang mga kamay sa bintana. Ngayon ay pinagmamasdan niya ang ibaba ng palasyo kung saan may mga batang masayang naglalaro.

"Batay sa nakikita kong kalagayan niya, ikinalulungkot ko pero mukhang matatagalan pa ang kanyang paggaling."

"Iyan ang isa sa bagay na ipinagtataka ko. Magagaling ang mga manggagamot natin, the herbal medicines are all great as well. Kaya bakit imbes na gumaling ay tila mas lumalala pa ang sitwasyon ni ama?"

Mula sa likuran ni Alexander ay muling napangisi si Hulyo. "Kumalma ka lang. Panigurado darating din ang araw ng kanyang paggaling." Marahan nitong tinapik ang balikat ng prinsipe. Hindi na maipinta ang nakalolokong ngiti sa labi ni Hulyo.

"Isa pang nagpapasakit ng ulo ko ay ang magaling kong kapatid. Why just he is always getting everything I badly want to have? Lagi na lang akong nakakubli sa anino niya." Kinalas ni Alexander ang kamay ni Hulyo ng hindi na siya naging kumportable rito.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now