Chapter 36

460 40 45
                                    


Chapter 36: Mourn The Dead

Weliza's Point of View

Holding the gift that Jolo gave me, I locked my sight at the starry night. The countless bright objects above made me wonder if the stars is really the soul of our loved ones guiding us on the sky. Is Jolo now one of them? Does that twinkling little light on my right view is my father telling me to stop crying at this moment?

Marahan akong napailing then I gasped for more air. Nasa labas ako ng bahay at sobrang lalim na ng gabi at kung ano-ano na ang naiisip ko. 'Stars are just ball of gas outside the Earth', ika nga ni Dymitri. So there's no such thing that these are our beloved families. They are dead beings Weliza and don't expect more of them.

Kumuyom ang mga kamao ko. Ang bigat, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Ganito pala kapag namatayan ng kaibigan, ang hirap maiproseso ng isip mo. Ang mga alaala ko kasama si Jolo, masasaya man o pawang kalungkutan, hawak ko ngayon. Tila ba unti-unting nag-flashback lahat.

Can somebody comfort me? Promise, hindi ko na talaga kaya ang nangyayari sa buhay ko. Baka isang araw bigla na lang bumigay ang tuhod ko at diretso ng mauntog ang ulo ko at maging rason para mamatay ako. Tutal doon din naman ang punta ko, 'di ba? Hindi ko na kayang tiisin ang mga kamalasang nakadikit sa'kin. Ang masaklap pa ay buti sana kung ako lang ang makatanggap ng mga kapahamakan pero hindi eh, mga mahal ko sa buhay ang inaatake ni kamalasan.

"Weliza." Nagtaas ako ng tingin at hinanap ang boses ng lalaking narinig ko. Tama ba ang hinala ko, this voice is from... "Don't be sad, you got me."

I looked around at whoever that voice came from. Kaliwa't kanan, harap at likod, hinanap ko siya. It's too late when I found out that he is now standing in front of me. Am I dreaming or not? Is this for real?

"Shhh, don't cry. I'm here, no one can hurt you when I'm on your side. Take me as your shield, my wolf."

Kahit sabihan niya akong tumahan ay hindi ko na magawa. Kahit pa idikit niya ang kanyang labi sa labi ko para lang maitago ang aking mga paghikbi, hindi pa rin ako titigil sa pag-iyak. Sino ba namang hindi lalambot ang puso na makitang muli ang taong inaasam-asam mo? Kay sarap sa feeling.

Hindi na ako nagpalampas ng isang segundo at kumaripas na ako ng takbo palapit sa kanya. Nang ilang metro na lang kami sa isa't isa ay tumalon ako sa kanya at kinandado siya sa mga braso ko. Namiss ko ang ganitong pakiramdam, namiss ko na dumampi ang mga balat ko sa kanya, namiss ko ang buong siya. Parang ayaw ko na tuloy siyang pakawalan.

"Promise me that you will not disappear again on my arms." Bulong ko sa tainga nito. Ang mga luha ko ay hindi na magkamayaw pa.

"Yes, I'll do whatever it takes to stay on your lap and hug you tight." He said what he said, he covered me by his arms. I love this kind of feeling. Sana panghabambuhay na lang ito. "No worries I'm now here. I'll fight again with you."

I genuinely smiled because I met again that blue-eyed guy, Jack Lupus.

Kumalas kami mula sa mahigpit na pagkakayakap. Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi ko habang ako naman ay walang katapusang minamahal ang asul na mga mata nito. Kahali-halina ang mga iyon, parang siya lang.

Mayamaya ay parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko. Hindi ko na ito nakontrol dahil parang kusa itong lumalapit sa mukha ni Jack. Parang... parang balak dumampi ng mga labi ko sa kanya. Sinalubong niya rin ako at dahan-dahang inilapit ang ulo niya papunta sa direksyon ko. Tila ba nasa isa kaming pelikula tapos sinabi ng direktor na dapat slow-mo ang eksena.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now