Chapter 35 (Part Three)

399 32 126
                                    


Chapter 35 (Part Three): Her Protector

Third Person Point of View

"Kung wala ka ng ibang sasabihin, aalis na ako. Nakuha ko naman na ang sagot na hinihingi ko. Hindi ikaw ang taong hinahanap ko na laging nagliligtas sa'kin." Nag-iwas ng tingin si Weliza sa kababata, puno ng pagkadismaya ang mukha nito ng malamang hindi si Jolo ang kanyang matagal ng hinahanap. "Uulitin ko ang sinabi ko kanina, papalampasin ko 'to. Pakiusap, huwag ka na lang magpapakita sa susunod."

Tumalikod si Weliza pero mabilis siyang nahawakan ni Jolo sa braso nito kaya napaharap siyang muli.

"Tatanungin nga kita dude, may mababago ba kapag nalaman mo ang katotohanan? Sa tingin ko wala kasi ngayon palang, kahit hindi mo pa alam lahat, nakapagdesisyon ka na—ang tumalikod at hindi pansinin ang mga nasa harap mo."

"Sige nga Jolo ano ba talaga ang totoo? Kung may balak kang aminin, sabihin mo na. Ipagtatanggol kita sa kanila basta sabihin mo lang ang totoo."

Napailing-iling si Jolo at binalik ang mga mata sa itaas kung saan matatagpuan ang paraiso ng mga bituin. Sa isang iglap ay muli na namang bumalik ang mga alaala nito noong kabataan niya, mga alaalang puro lamang pighati at paghihirap...

"Jolo, halika."

Pinunasan ng batang si Jolo ang mga luha at gamit ang namumugtong mga mata mula sa magdamag na pag-iyak ay tinignan nito ang kausap. "Bakit po, Lolo?"

"May ipapakilala ako sa'yo." Sa likuran ng matanda ay nagpakita ang isang lalaki na ni minsan ay hindi pa nakita ng batang si Jolo.

"Siya na ba?" Tanong ng misteryosong lalaki. Ang boses nito ay tila ba mas malamig pa sa yelo. "Siguraduhin mo lang Juancio na magtatagumpay ka na ngayon kung hindi isusunod na talaga kita." Nabaling ang mga mata ni Jolo sa nawawalang kanang tainga ng lalaki.

Yumuko ang matanda na tila nagbibigay galang sa kausap. "Masusunod mahal na pinuno." Sa gilid ay kunot-noo lamang silang pinagmamasdan ni Jolo.

"Ilang taon ang kailangan mo para mapalapit kayo sa kanya at maisakatuparan ang plano?"

"Depende po sa sitwasyon. Kailangan ko pang masinsinang makausap ang apo ko." Naguguluhang tinignan ni Jolo ang kanyang Lolo.

"Sige, basta siguraduhin mo na magawa mo ang napagkasunduan nating plano bago maglabingwalong taong gulang ang babaeng nabanggit ko. Kung hindi, alam mo na ang gagawin ko. Matagal na kaming nagtitimpi sa'yo Juancio tandaan mo. Dapat ay patay ka na noon pa man pero dahil sa'kin ay humihinga ka pa rin hanggang sa puntong 'to kaya kailangan mo akong sundin."

"Opo, nauunawaan ko." Nakayuko pa ring sabi ng matanda.

"Mabuti ng nagkakaintindihan tayo. Huwag mo ng hayaang dumanak pang muli ang dugo. Baka ikaw na ang isunod namin sa..." Napalingon ito kay Jolo sabay ngisi ng nakaloloko. "Handa kaming patayin lahat ng sagabal sa'ming inaasam na tagumpay." Pagbabanta nito. Kalaunan ay nagmamadaling umalis ang lalaki.

"Lolo, ano po'ng nangyayari? Bakit parang takot na takot ka po?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Jolo.

Pinanlisikan ng matanda ng mga mata si Jolo. Naglakad ito palayo at tsaka umupo. "Huwag ka ng maraming tanong! Lumapit ka sa'kin at may ipapagawa ako."

"A-Ano po Lolo?" Nagngitngit ang mga ngipin nito ng hindi lumapit ang apo. Mabilis niyang nilapitan si Jolo at hinila ang buhok ng apo. "Huwag po Lolo, masakit po."

"Magmula ngayon susundin mo na lahat ng iuutos ko. Kung gusto mo pang mabuhay kailangan mo lang makinig sa sasabihin ko."

"L-Lolo, ano'ng nangyayari sayo? Kamamatay lang nila... ba't ka nagkakaganyan?"

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now