Chapter 3

3.4K 257 95
                                    


Chapter 3: Necklace

Weliza's Point Of View

Nang umayos na ang pakiramdam ko kagabi ay napili ko na lang umuwi sa bahay para mas makapagpahinga. Hindi ko naman akalain na halos kadarating ko lang ay dinapuan na agad ako ng antok paghiga ko sa kama. Dahil dito ay hindi ko tuloy nakausap si Tita Beatrice para makapagpaliwanag nang maayos sa nangyari sa'min sa gubat. Mamaya ko na lang siguro siya kauusapin pagkauwi ko.

It was Monday so I need to attend my regular class. I am a student after all and studying well enough will give me a chance to be successful someday and to help my family to survive in life. Kahit ano pa ang nangyari sa gubat noong nakaraang araw, kahit umatake pa ulit ang mga lobo ngayon, they can't stop me from attending my academy and for learning also.

Oo takot ako kahit papaano pero hello girl, this is Weliza, ang babaeng palaban.

"Manong, dito na po ako. Pakitabi na lang po." Ibinaba ako ng tricycle driver sa harap ng isang malaking gate. Hindi pa man nakabababa ay nakarinig na ako ng isang malakas na busina ng sasakyan.

"Ano ba nakaharang kayo sa daan!" Bulyaw nang nagmamaneho ng isang itim na Lamborghini Gallardo. Panigurado na ang lulan ng mamahaling sasakyan na ito ay ang director ng academy namin.

Inatras ni Manong ang tricycle kaya diretsong pumasok ang magarang sasakyan. Pagkaabot ko naman ng bayad ay agad na akong dumiretso sa loob.

'Saint Remus Academy'

Unang bumati sa'kin ang malaking pangalan ng aking eskwelahan pagpasok ko ng gate. Yes, it is a huge school just only for rich people. I'm just thankful na nandito ako because my father fixed my school papers before he died. Lahat ng gastusin dito simula elementary hanggang sa matapos ako ng college ay bayad na ni Dad. Pero syempre iba pa rin ang daily outputs o activities at projects na ibinibigay ng teachers na masasabi kong magastos din.

Hindi bale, kaunting kembot na lang college na ako at after no'n isang split na lang at graduate na ako. Kapag nangyari iyon, isang tumbling na lang matutulungan ko na ang pamilya ko. Dad... all my accomplishments is for you.

I sighed. The pain is still here, I still miss my father.

After Dad died 5 years ago, we almost experienced all the bad things. Ninakawan kami, nasunugan, lumindol at nasira ang bahay, nalaglag si Mommy sa hagdan at maging ako ay naaksidente na ng dalawang beses. Naubos ang ipon ni Dad at pati ang ilang properties at mga kagamitan namin ay nabenta.

One day I woke up crying and asking why do we experience those horrible things. Naranasan ko na ring matulog nang walang laman ang tiyan but thanks to Tita Bea that she managed to handle our family.

Tita Beatrice is my Dad's older sister. Hindi na siya nakapag-asawa dahil dedicated ito sa work niya. She's with us ever since I was young. Si Tita Bea ang tumatayong ina at ama ko ngayon na nagtatrabaho para malabanan namin ang hamon ng buhay araw-araw.

While my mother, she can't speak and can't move because she's in a deep trauma. Nakaupo lang siya sa wheelchair magmula pa noong pitong taong gulang ako. Isang araw matapos akong umuwi galing sa ospital ay nadatnan ko na lang siyang gano'n sa bahay. Hindi ko alam ang rason pero ang kwento ni Tita Bea at Dad ay habang naka-confine ako ay biglang umuwi si Mom na tulala at hindi na nila makausap. My father's bestfriend, Tito Genesis, can't explain what happened to Mom so he just diagnosed her as being 'traumatized'.

Ngayon alam niyo na kung bakit mahal na mahal ko dati ang kadiliman. Kasi kapag may dilim, hindi ko maramdaman ang mga kakulangan ko sa buhay. Kapag may dilim, naitatago ko ang aking mga luha.

"Ano ba iyan paharang-harang."

Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan ang isang babae sa harapan ko. It was Cassie, the self-proclaimed queen in our dear academy. She always say that she's beautiful, she's rich and she got everything so it was fit for her to be called, 'Queen Cassie'.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now