Chapter 33

619 47 190
                                    


Chapter 33: Farewell

Weliza's Point Of View

Sagrada did something that's why Cassie didn't remember even a single idea about that place. Simula pa lang ilang beses na nilang nabanggit na bawal tumapak ang mga normal na tao sa sagradong gubat pero parang sobra naman yata ang pagtanggal sa isang indibidwal ng kanyang alaala? Alaala ng tao ang pinag-uusapan, alaala na binuo natin tapos tatanggalin lang nila ng parang walang kahirap-hirap? Aba'y mali iyon!

Ang sadyang ikinagugulo pa ng isip ko ay kung paano nila nagawang burahin ang mga alaala ni Cassie tungkol sa Sagrada. Hey, Fantasy story ito at hindi Science Fiction! There's no way na magkaroon ng werewolf na may superpowers! Wala rin akong nakitang machine sa Sagrada na kahina-hinalang nagtatanggal pala ng mga alaala. So, paano nga?

Ugh! Nakabalik na ako sa La Lobos at hindi ko na kasama ang mga lobo pero bakit pinapasakit pa rin nila ang brain cells ko? Kainis naman oh!

Wait nga lang may naalala ako—teka, may naaalala talaga ako!

Sagrada did something to Cassie thus removing her memory so that she can't expose what secret lies within it that she saw. P-Pero... bakit ako hindi? Alam na alam ko pa ang itsura ng Sagrada. Kaya ko pang i-recite ngayon ang lahat ng lugar na napuntahan ko roon at lahat ng mga kaganapang naranasan ko. Something is off, I really remember everything. Ang tanong na lang talaga ay kung si Dymitri rin ay hawak pa rin ang mga alaala niya sa lugar na iyon. To confirm it, I need to see him right away.

Inayos ko ang sarili ko at makailang ulit bumuga ng hangin. Sadyang ginulo ako ng palaisipan na iyon kaya kailangan kong kumalma. For sure lahat naman ng tanong natin may sagot. We just need the perfect moment to capture the answers that we want.

Plano ko na sanang umalis ng bleachers pero agad na nag-iba ang mood ko ng makita ang mga kaibigan ko sa hindi kalayuan. Wala na akong ibang matatakbuhan kaya ang platform ang naisipan kong lugar na pagtaguan.

Mas mabilis pa sa kidlat ay pinasok ko ang loob. Gulat na gulat ako sa natunghayan ko ng tuluyang makapasok. Napakagulo ng lugar. Nagkalat ang iba't-ibang klase ng kagamitan na panigurado ay dala ng mga tao noong huling nabuksan ang lugar—noong academy night. May "Do Not Enter" at "Police Line Do Not Cross" na mga signage sa paligid na hindi ko napansin pagpuslit ko sa loob.

Ang mga alaala ng kahapon... Nakatatawang isipin na kapag dumapo ang mga iyon sa isip mo ay mawiwindang ka talaga. Isipin mo na lagpas isang buwan na pala ng mangyari ang gulong iyon dito. Isang buwan na rin ng dukutin ako ng mga lobo para ipaalam sa'kin na kailangan nila ako. May mga alaalang kay sarap balikan pero sa pagkakataong ito ay parang gusto ko na lang din mawalan ng alaala tulad ng nangyari kay Cassie.

Gusto kong tumakbo palayo pero parang ayaw iwan ng mga paa ko ang platform, na parang kahit ang sarili ko ay gusto akong saktan at pahirapan gamit ang masasamang karanasan ko rito. Sa halip na umalis ay nilibot ako ng mga paa ko sa paligid.

Ang eksaktong bahagi ng platform kung nasaan ako ngayon ay ang lugar kung saan kami nag-usap ni Jack ng gabing iyon. Sabay naming pinag-uusapan ang buhay, magkasama naming pinagmasdan ang buwan. Pagkatapos ang bigat na sa dibdib ng mga nangyari.

Nagkagulo ang mga tao ng mamatay ang ilaw. Nakita ko pa si Jolo at Pat at nalamang taksil pala sa Team Fangs si Jolo. Lumaban nga rin pala ako sa mga itim na lobo na mukhang imposible kung iisipin pero nagawa ko. Nailigtas ko pa noon si Cassie hanggang sa nagsilabasan na ang mga itim at puting lobo at nagsimulang ipakita ang natatanging lakas.

Huminto ako sa paglalakad. Dito iyon, hindi ako nagkakamali. Dito ko harap-harapang nakita ang inosenteng lalaki na walang-awang kinakain ng isang itim na lobo. Nagsimulang manginig ang katawan ko. Kasing sariwa pa ng lumitaw na laman ng lalaking iyon ang alaala kong ito. Nakakasuka, nakakadiri. Huli na bago ko mapigilan sa pagbagsak ang mga luha ko. Bakit ko ba kailangang maalala ang lahat ng nangyari rito? Bakit sa dinami-dami ng bangkay na natunghayan ng mata ko ay ito ang tandang-tanda ko? Dahil ba nakatayo lang ako no'n at walang ginawa? Dahil ba ako ang rason kung bakit siya nawala?

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now