Chapter 27

682 56 90
                                    


Chapter 27 - Bitten

Third Person Point Of View

"Kahit ano'ng mangyari, kahit ano pa'ng sabihin ng iba, ikaw lang ang paniniwalaan ko. Tatakpan ko ang tainga ko at magbubulag-bulagan ako sa boses mo. Weliza, I trust you with all my heart." Punom-puno ng emosyong sambit ni prinsipe Jack.

Sa gitna ng mga nagngangalit na puting lobo na balak atakihin ang mga itim ay nandito ang babaeng kausap ni Jack. Madaling-araw na pero buhay na buhay pa rin ang diwa ng mga nilalang na ito. Wala ang bilog buwan kaya namumutawi sa paligid ang kapangyarihan ng dilim na mas malakas kumpara sa mga ningas ng iilang lampara.

Ang mga pisngi ni Weliza ay kasing pula na ng kamatis at ang puso niya ay para bang sasabog na sa lakas ng kabog nito. Para sa kanya ay napakasarap pakinggan ng mga sinabing iyon ng prinsipe. Hindi niya na tuloy nararamdaman ang sakit ng pagtilapon kanina at matinding pananakit ng mga galos ng nakita niya at narinig ang boses ng lalaking ito. Tila ba napagaan ang pakiramdam ni Weliza ng makita ang may-ari nitong asul na mga mata—si Jack Lupus.

"If you are wondering on how we got ourselves here..." Bulong ni Dymitri mula sa tabi ni Weliza. "Sir Pharoño, the so-called spywolf, came early this morning to tell us that he found the place where the black wolves brought you. He also told us—hmm, wait. Ano ulit pangalan niya? Was it Roberto? Romero?" Tanong ni Dymitri sa sarili na kumakamot pa sa batok habang nag-iisip. "Oh it's Romulus! Sir Pharoño said that someone named Romulus left you in this cave and without that guy, we can get you easily. Hindi ko naman inaakala na ito pala ang "easily" na sinasabi nila—may patayang magaganap."

"You really don't know who Romulus is and what he can do." Nagpalatak si Weliza ng maalala ang mga ginawa sa kanya ng mga tauhan ni Romulus dahil sa utos nito. "Before we face them may I know what happened in Sagrada when they brought me here?" Tanong ni Weliza habang nasa harap ang nag-iinit na magkaibang panig na mga lobo.

Napabuntong-hininga si Dymitri dahil sa naging tanong ni Weliza at umabot ng ilang sandali bago siya nakahanap ng akmang salitang tamang gamitin dito.

"Sa palasyo ako pansamantalang tumuloy kasama ang ibang Sagros dahil wala na halos sa mga kubo ang natira. Naging abo ang mga iyon dahil sa pagtupok ng apoy." Paliwanag nito na sadyang ikinalungkot ni Weliza.

"Pero mahal na prinsipe, mga makasalanan sila. Walang rason para hayaan natin silang makawala sa mga kamay natin." Pag-uulit ng isang dalisay na kanina pa binabatikos ang mga itim na lobo. Dahil dito ay bumaling muli ang atensyon ni Dymitri at Weliza sa kanila.

Mayamaya ay nagbagong-anyo ang lobong ito at naging si Argus o ang "Paws" ng isa pang prinsipe na si Alexander. Pinulot ni Argus ang isang espada malapit sa kanya. Humarap si Argus sa mga itim ba lobo habang pinaglalaruan pa ang hawak na espada.

"Ano pa ba'ng nais niyo?" Puno na kuryosidad na tanong ni Lazardo sa mga puting lobo. "Ang buong buhay namin ay dito na ginugol sa kweba dahil ayaw niyong makipagsalamuha sa'min, tama ba? Ngayon tatanungin kita, may puting lobo ka na bang nakitang nanakit sa kapwa niya puting lobo?" Natahimik si Argus habang ang ibang puting lobo ay nagkatitigan, napapaisip. "Panigurado mayroon kaya isa lang ang ibig sabihin no'n, pwedeng maging masama ang mabuti at ang masama ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Iyon ang tatandaan mo."

Tahimik lamang na nakikinig si Jack. Nananatiling nakapalibot ang mga puting lobo kila Weliza kaya walang rason para makatakas ang kasamahan niyang bilanggo ng kweba.

Humakbang si Weliza at nilibot ang tingin sa mga puting lobo na dati niyang nakasama at nakasalamuha sa Sagrada.

"Kung ayaw niyo silang tanggapin sa Sagrada, kung ayaw niyo silang makasama, hayaan niyo na lang silang makaalis. Kalayaan lang ang minimithi nila kaya pakiusap, ibigay niyo iyon." Buong tapang na paghingi ni Weliza ng pabor. Naramdaman nito na hinawakan ni Dymitri ang braso niya.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now