Chapter 23

725 54 92
                                    


Chapter 23: Big Bad Wolf

Weliza's Point Of View

Ang pagbabagong-anyo ng mga kasama ko sa kweba mula sa pagiging tao at pagiging lobo ang nakapagsasabi sa'kin kung umaga ba o gabi na.

Apat, tama. Apat na araw na nga ang nakalipas at hanggang ngayon nandito pa rin ako kasama ang mga itim o makasalanang lobo. Dito ako dinala sa isang kulungan sa loob ng malamig at madilim na kweba kung saan nakakulong din ang mga itim na lobong pinagkaitan ng kalayaan kasama ang iba. Days has passed and I see everything I wanted to see.

Over the past days, the events are happening over and over again. Humihingi sila ng patawad sa ginawa nilang pagkakamali na pag-atake sa'kin pagkarating ko rito. Araw-araw ay halos pagsilbihan ako ng mga ito na ibinibigay kahit ang sarili nilang pagkain. Kapag sumisilip din si Hektor mula sa labas ay tinatago nila ako sa hindi ko alam na rason.

Doon ko naintindihan ang lahat. Totoo nga ang sinabi ni Lazardo. Hindi lahat ng itim ay masama dahil may kakayahan din silang maging mabuti.

Just like in Sagrada, it take few days before I used to the night time transformations in this cave. Parehas lamang silang lobo pero nagkakaiba sa kulay at sa lugar na tinitirhan.

Sa paglipas ng apat na araw ko sa lugar na ito, ang mga sugat na nakuha ko mula kay Hektor ay unti-unti ng naghilom. Ang naiwan na lang ay ang bakas ng pagkahiwa at ang pangingitim nito na parang nasunog pero hindi naman na gaanong masakit kapag hindi rin nahahawakan.

Ang panaginip, oo naalala ko. Hindi naman na ako muling inatake nito sa kadahilanang... hindi naman na ako nakatutulog ng maayos.

Matinding takot ang nakuha ko sa masamang bangungot na iyon na kung saan ay may lalaking may mapupulang mata ang kumagat sa'kin sa ilalim ng kulay dugong buwan kasama ang malaking itim na lobong gamit naman ang mahahaba at matulis na kuko ay dinukot ang puso ko.

Sa mga panaginip na iyon, na tila ba kasing totoo ng realidad, may rason ba para matulog ako? Paano kung bigla na naman akong atakihin ng isang masamang panaginip? Kinikilabutan ako kapag naiisip ang bagay na iyon kaya siguro pagkalipas ng kalahating oras na tulog ay nagigising agad ako. Instinct I guess.

Dahil wala na akong sapat na tulog at dahil na rin sa katotohanang tinapay lang ang nakakain namin dito sa kweba ay talagang nagbago na ang hubog ng pangangatawan ko. Naging mas mapayat na ako kaya ang mga binibigay nilang mga damit ay naging mas malaki sa'kin.

Ilda and Lazardo on the other side is always watching me when I am alone. Well, I know it because I always see them walking back and forth while gazing on me. Hindi ko na lang ito pinansin at hinayaan na sila sa ginagawa kahit pa hindi ko alam ang dahilan kung para saan ito.

Staying in the dungeons also means talking to its prisons. As they always come near to me, they told everything about each of them even I hadn't ask to. As I have concluded, some of them have been put here because they didn't follow Hektor's commands. Some didn't join the other black wolves to hunt the lost humans who attempt to explore the forest and some are like Lazardo who tried to connect themselves to the white ones which is they believe, "No black and white wolf should be together because there will be chaos."

Ito ang panibagong araw ko kasama sila. Katatapos lang ng lahat na magbalik sa pagiging tao. Sa nakalipas na araw ay parang kami lang ni Ilda ang normal dito at pinapanood silang mamilipit sa malamig na sahig hanggang sa magkaroon ng apat na paa. Ayaw ko mang isipin pero mukhang isang kakaibang lobo si Ilda kaya niya ito nagagawa.

Sa palagay ko ay isang makapangyarihang lobo si Ilda. Kung totoo man ito ay siya ang pinakamakapangyarihang lobo na una kong nakilala mula sa tinagal-tagal na pamumuhay ko kasama ang ganitong mga nilalang.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now