Chapter 26

679 66 114
                                    


Chapter 26 - The Invaders

Third Person Point Of View

"N-Nagsisinungaling ka." Hindi makapaniwalang sagot ni Hektor sa naging rebelasyon ng lalaki. "Elias, magsabi ka ng totoo kung hindi... kung hindi papaslangin kita." Pagbabanta nito. Ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi na maipinta. Tila ba naghahalo ang takot at pangamba rito.

Humakbang si Elias palapit kay Hektor habang hindi kinakalas ang pagkakatitig niya sa kausap. "Sa tingin mo ano'ng rason ko para magsinungaling? Ano'ng mapapala ko kapag ginawa ko iyon? Lahat tayo damay dito!"

"AAAHHHHH!!!" Napasigaw na lamang sa sobrang inis si Hektor na hindi pa rin makapaniwala sa pagsulpot ng mga hindi niya inaasahang bisita.

"Ano'ng gagawin natin? Wala na tayong kawala!" Binalingan ni Elias ng tingin ang mga bilanggo bago binalik ang buong atensyon kay Hektor.

Hindi na napigilan pa ni Hektor ang pagkuyom ng mga kamao. May gumuguhit ng mga ugat sa noo nito na para bang anomang oras ay sasabog na siya sa kinikimkim na galit. Dumapo ang mgalllmata nito kay Weliza na ngayon ay gulo-gulo na ang buhok.

"Hintayin niyo ako. Hindi pa tayo tapos." Dinuro nito ang mga bilanggo gamit ang nanginginig na hintuturo. "Doblehin ang kandado ng kulungan. Walang hahayaang makalabas o makapasok. Lahat tayo dito mamamatay!"

Kalaunan ay sinara na ang kahoy na pinto. Nauna ng naglakad palayo si Hektor na sinundan din agad ng mga kasamahan niya. Ngayon ay wala ng kung sinoman ang naiwan sa labas ng kulungan.

Nagkatitigan na lamang ang mga naiwan sa loob dahil hindi nila alam kung ano ang nangyayari. Si Ilda ay nagmamadaling pumunta sa direksyon ni Weliza at tinulungan itong makatayo. Gamit naman ang apat na mga paa ay lumapit ang pinakamatandang lobo at hinawakan ang sugatang si Lazardo gamit ang kanang "paws" nito.

Mayamaya ay inalis ito ni Lazardo at tumayo gamit ang nanginginig na mga paa. Hinang-hina man ay nagawa pa rin nitong makapunta kila Weliza at Ilda. Kahit itim ang balahibo ay kita pa rin ang bakas ng mga dugo sa katawan niya. Pinanlisikan ng mga mata ni Lazardo si Ilda pagkalapit sa kanila.

"A-Ano Ilda bakit hindi ka makatingin sa'kin?" Nanghihinang tanong ni Lazardo ng mapansing nakayuko lang si Ilda. "A-Alam ko kung ano ang ginawa mo. Sinuplong mo kami kay Hektor!" Buong lakas na sigaw nito. Gulat na gulat ang mga bilanggo kasama si Weliza sa naging rebelasyon ni Lazardo. "Hindi lang ang plano ang binigo mo kung hindi pati na ang sarili mo. Isa kang taksil—"

"Oo ako nga!" Pag-amin ni Ilda habang pinipigilan ang nagbabadyang mga luha. "Oo ako ang nagsabi kay Hektor na balak niyong umalis! Tinakot niya ako na papatayin ang anak ko kapag hindi ako nagsalita. Tinakot niya lang ako Lazardo kaya wala kang karapatang sabihan akong taksil!"

Lahat ay natahimik dahil dito at hindi na sumalungat pa. Hindi na nila alam ang akmang sasabihin sa ganitong sitwasyon gayong alam nilang hawak ni Hektor ang anak ni Ilda kaya madali lang niya itong nakokontrol.

"Ano na ang manyayari sa'tin?" Hindi mapigilang tanong ng isang kasamahan nilang babae makalipas ng ilang minuto ng katahimikan.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Hektor? Lahat tayo dito na mamamatay." Sagot ng isa pang babaeng lobo.

"Walang maidudulot ang mga inuusal niyo. Mabuti pang manahimik na lang kayo." Utos sa kanila ng pinakamatandang lobo pero hindi nagpaawat ang mga babae.

"Pero kung hindi tayo papatayin ni Hektor, ang mga puting lobo naman ang papatay sa'tin!"

"Ayaw tayo ng mga puti simula pa lang! Lahat sila masama ang tingin sa mga itim!" Ngingit ng mga ito.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now