Chapter 52 (Part Two)

391 32 93
                                    


Chapter 52 (Part Two): Weapons

Weliza's Point Of View

Sumapit ang hapon na hindi pa rin namin nakakasama si Dymitri. What surprised me today is what was happening to him. Dymitri is turning into a wolf... and that's my fault. Kung hindi sana niya ako sinundan sa Sagrada ay hindi sana siya makakagat ng itim na lobo sa kweba.

Bakit ba ang malas-malas ko? Ang malas ko pa dahil ang kamalasan ko ay naililipat sa iba. Kung pwede lang na sarilihin ko pero hindi eh, napupunta sa malalapit sa'kin. Is this my fate? To be like this? Parang gusto ko na lang tuloy mamatay kung ganito lang.

"Ayos ka lang ba?" Pambungad na tanong ng bagong dating na si Jack. Tinabihan nito ako sa bench na kinauupuan ko. Kanina pa kasi ako nandito sa platform para mapag-isa at makapag-isip-isip. Hiniling ko sa iba ang bagay na 'to at sinabihan silang pag-aralan muna ang nakuha naming blueprint ng academy. If I'm not mistaken, ngayon din dadalhin ni Colonel dito ang mga baril at patalim na napag-usapan kagabi.

"Paano mo nalamang nandito ako?" I asked him while not looking at his direction. Ayaw kong makita ni Jack na namumugto ang mga mata ko. Kanina pa kasi ako umiiyak dito.

"Weliza I'm a wolf, a werewolf to be exact. Malakas ang pang-amoy ko lalo na pamilyar ka na sa'kin. Natatangi pa naman ang amoy mo kumpara sa lahat." Napansin ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa direksyon ko. "Remember my first day here that I easily found you when you left me at the library?"

Iyan din ang bukang-bibig ni Hektor noon at ng iba pang lobo, na amoy na amoy raw nila ako. That's a mystery for me actually. Ano ba ang mayroon sa'kin? Am I peculiar being? Hell no.

"Gusto mo ba ng kausap?" Napabuntong-hininga ako bago tuluyang harapin si Jack. Bumungad sa'kin ang tila nag-aalala niyang mga asul na mata.

"A-Are you free? Wala ba kayong gagawin ni Sir Pharoño?"

"For you, I will leave everything just to be on your side whenever you need me. Call my name and I will ran as fast as I could to reach you."

Napatango-tango ako. Parang super drained ako ngayon na parang kahit ang sariling emosyon ay hindi ko na maramdaman.

"Actually I don't know what to feel right now. I'm exhausted, no lies with that. Sometimes I don't feel it but most of the times when that hit me, it changes my mood. I'm tired, Jack." Minsan gusto ko na lang makulong sa mga panaginip ko at humihiling na sana hindi na ako magising pang muli. Sa panaginip walang sakit, walang problema pero... ako lang mag-isa.

"Don't overthink those things that can make you suffer. Just remove your negative thoughts and that's it, you will feel better." Nagpakawala ito ng isang ngiti na kahit papaano ay nagpagaan ng aking loob. "Relax and breath, Dymitri will be fine. If I'm not mistaken, he's not the only one who are bitten, there are lots of them." He revealed while leaning his back on the bench. "Ganito na lang, tutulong ako para makahanap ng lunas sa kanya. Would that be fine?" Jack assured me.

"R-Really? That's great!" Napayakap ako sa leeg nito dulot ng pagkabigla.

"Para lang mapangiti ka gagawin ko lahat." Natigil ito ng mapansing natahimik ako. Mayamaya ay kumalas ako ng yakap sa kanya.

"What?"

"Nandito si Sir Pharoño." Ngumuso ako sa kanan ni Jack.

"I've got something that you need to know." Mabilis na sabi ni Sir Pharoño kahit na hindi pa nakaharap sa kanya si Jack.

"Base sa itsura mo Allen, mukhang seryoso iyan." Komento ni Jack ng makita ang mukha ng kanyang Paws.

"Opo prinsipe. Napag-alaman ko kasing..." Huminto si Sir Pharoño kaya mas na-curious tuloy ako sa balak niyang sabihin. "Naghahanda na si Romulus na umatake and this time is the biggest one. His main goal is to capture Weliza before doing his plan—ang pamunuan ang La Lobos at gawing alipin ang mga tao at lobo. Lahat ng hahadlang sa kanya ay papatayin niya ng buhay. Pero bago iyon ay kukunin muna niya ang bato sa'yo prinsipe."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now