Chapter 28

700 58 263
                                    


Chapter 28: Reunited

Weliza's Point Of View

"W-What are we going to do?" Nanginginig na tanong ko sa kanila habang hindi na magkamayaw ang mga luha sa pagbagsak sa'king pisngi.

I can't see my childhood friend in this kind of situation. Tumigil na sa panginginig ang buo nitong katawan but his right arm is severely bleeding. He is bitten. Dymitri is bitten by a werewolf and the worst thing is, their bite can make a human into a wolf just like them.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Alexander sa likod ko. Gusto ko sanang tanggalin ang kamay niya kaso mas nangingibabaw ngayon ang bigat ng dibdib ko dahil sa kalagayan ni Dymitri. Nakita kong nakatingin lang sa'kin si Jack at ng tumulo ulit ang panibagong butil ng luha ko ay nag-iwas siya.

"Hindi sapat ang dahon ng Agonoi para rito at wala pang sapat na kaalaman ang mga albularyo ng Sagrada sa ganitong sitwasyon. I suggest that it's best for Dymitri to go to the hospital. Masyado ng maraming dugo ang nawala sa kanya at hindi na makatutulong ang kahit anong dahon para panatilihin siyang buhay. He needs a doctor." Sagot ni Jack habang hindi pa rin makatingin. Dahil dito ay napahagulgol ako.

Gamit ang dalawang kamay ay tinakpan ko ang mukha ko pero walang nangyari dahil mas marami lang na luha ang nailabas ko. Wala na akong pakialam kahit na pinagtitinginan na ako ng mga puting lobong kasama namin. Tinanggal ko ang aking mga kamay ng may mapansing may humawak sa mga iyon.

"He's going to be fine, trust me." Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil kay Jack. Ewan ko ba kung bakit nagtitiwala ako sa kanya knowing that he broke my trust before in the academy habang si Alexander na niloko rin ako ay hindi ko naman magawang makausap.

"Kung gano'n ano pa ang hinihintay natin? Umalis na tayo!" Nagmamadaling sabi ko at tsaka pinunasan gamit ang kwelyo ng damit ko ang aking mga luha.

Tumango si Jack. "Come on. Let's go."

Tumalikod na ito pero nanatili lamang akong nakatayo ng may maisip na isang bagay. "H-Huwag mong sabihing maglalakad tayo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya ng mapagtanto ito. "We don't have enough time at baka mas maraming dugo pa ang mawala sa kanya."

"Yes I know so I need to do this."

Umatras siya ng ilang metro mula sa'kin at pagkatapos ay paulit-ulit na bumuga ng hangin. Jack jumped in the air and turned into a gray wolf, a blue-eyed gray wolf.

Ang mga puting lobong kasama namin ay nanatili lang na nanonood. Pagtalikod ko ay wala na si Alexander pero hindi ko na siya binigyan ng pansin na hanapin pa. Mula sa anyong lobo ay nakita kong hinarap ni Jack si Sir Pharoño.

"Put him on my back." Sir Pharoño nodded and quickly done his prince's order. He put some ropes to combine Dymitri's body to Jack's back. Napansin ko ang pag-iingat na ginawa nito sa sarili para hindi magalaw ang sugat ni Dymitri sa braso.

Mayamaya lang ay lumabas sa dilim ang kaninang hinahanap ko na si Alexander na hawak ngayon ang tali ng kabayo niyang si Esroh.

"You'll ride her. Trust me she knows what to do." Umiling na lang ako ng marinig ang salitang "trust" kay Alexander. Mukhang si Jack lang ang may kakayahang paniwalain ako kahit pa nasira niya na noon ang tiwala ko.

"Trust your ass, boy." Bulong ko na alam kong narinig naman ni Alexander. Well, wala rin akong pakialam kung narinig iyon ni Argus na nakatayo sa isang gilid kasama ang ibang dalisay. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa pagpilit niyang atakihin ang grupo ni Lazardo kanina. Gusto ko sanang alalahanin sila Lazardo at Ilda kaso mas nananaig ang kagustuhan ko na makitang bumuti ang kalagayan ni Dymitri sa pinakamabilis na pwedeng gawin.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now