Chapter 39

443 39 14
                                    


Chapter 39: Forgiven

Weliza's Point of View

This week was a total surprise for me. Ang daming nagbabalik. Kahapon lang ay muling nagpakita ang dalawang prinsipe na si Alexander at Jack tapos ngayon naman ang matalik na kaibigan kong si Dymitri? I thought he was leaving and will have his treatment abroad. Totoo ba ang mga nangyayari? Lahat ba ng ito ay hindi panaginip lang? Hindi ko na maipaliwanag kung ano'ng pwede kong maramdaman sa puntong ito. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin ako sanay na parang rollercoaster na ang buhay ko, daming twists.

"No, Dymitri." Hinarang ko ang sarili ko kila Jack at Dymitri para hindi na magkagulo sa pagitan nila. Kalaunan ay dinaluhan ko sa ibaba ang natumbang si Jack dahil sa lakas ng naging suntok ni Dymitri sa kanya. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan ko ang mukha ni Jack at dito ko napansin ang isang pasa sa labi nito.

"What a lovely scene." Sarkastikong sambit ni Dymitri mula sa likuran ko. Pinilit ko maging kalmado... pinipilit ko. Ayaw kong bumagsak ang mga luha ko ngayon, not infront of them. Si Dymitri, nabigla lang siya, hindi niya ito sinasadya alam ko iyon.

"Bakit ka ba kasi nandito, Dymitri?" Naguguluhang tanong ko rito ng hindi man lang siya hinaharap. I can't look at his direction but this time it's not because of his eyes—it's because of what happened when we last saw each other. Hanggang ngayon ang bigat pa rin ng dibdib ko mula sa nangyari last time sa'min. Iyong mga binitiwan niyang salita sa mansyon nila, nakatatak pa rin sa isip ko iyon.

"As you can see I cancelled everything." Simpleng tugon ni Dymitri.

Tumikhim si Jack na nasa tabi ko. Bumangon ito pagkatapos ay tinulungan din ako na tumayo. Hawak pa nito ang parteng tinamaan ni Dymitri, good thing hindi na siya pumatol. "Excuse me, aalis muna ako—"

"Stop." Pagpapahinto sa kanya ni Dymitri. "Stay here. May sasabihin ako sa'yo. Mabuti ng magkaalaman na tayo ngayon pa lang."

Nakipagsukatan ng tingin si Dymitri mula sa makapal na lente ng salamin niya papunta sa asul na mga mata na gamit ni Jack. Walang kumakalas ng mga titig sa dalawa.

"So what are we going to do here, just stare at each other?" Nakapamulsang sabi ni Colonel makailang minuto pagkatapos mamayani ang katahimikan sa'ming apat. Hinawakan ni Colonel sa balikat si Dymitri. "Bro, bakit ka nga ba hindi natuloy sa States?"

Matapos huminga ng malalim ni Dymitri at ayusin ang tayo ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Kagabi sana ang flight ko and I wasn't hesistant to leave because of what is happening in this place. I cut all my attachments so why would I stay here for more time? Wala naman ng rason para manatili ako rito." He looked at me and me being me, diverted my gaze. His eyes—I know you would know what I fell about those pairs of him. "Katatapos ko pa lang mag-impake at paalis na sana ako papuntang airport but a loud thud that echoed outside my room made me stop, not just once but there's a lot of that noise. Titignan ko pa lang sana sa CCTV kung ano'ng nangyayari but all the lights outside were gone. After a while, silence ruled even more so the fear inside me started to burst."

"Baka naman mga kasambahay mo lang that were just throwing a farewell party to you and they were just doing pranks? Hindi kaya?" Natatawang hula ni Colonel.

Sinamaan ito ng tingin ni Dymitri kaya natahimik siya. "Without a doubt the answer is a 'no'. Pinakiramdaman ko muna ang paligid before I left my room almost 20 minutes later on. The scenario was really shocking. Nakakasuka, nakakadiri. There's a pool of blood in our living room! I saw everyone there with their eyes widely open. Mang Lakson is the only one that is alive but he's barely breathing because of the wounds in his chest. While all my other people are dead."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now