Chapter 19 (Part Two)

1.1K 78 38
                                    


Chapter 19 (Part Two): Ace and Jack and King

Third Person Point Of View

Dahil sa pagkabigla ay mahigpit na hinawakan ni Weliza ang braso ng kaibigan. "Dymitri, ano ba ang sinasabi mo? Last time you have been knocked by countless of men but here you go—"

"Here I go trying to prove that I can fight." Tinanggal nito ang kamay ni Weliza at pumasok din sa maputik na boxing ring. "I'm fine." Huling mga salitang sinabi nito kay Weliza bago diretsong tinungo ang gitna kung nasaan ang mga prinsipe.

"Ito ang unang pagkakataon na may isang normal na tao ang tumapak dito sa loob. Kung hindi rin ako nagkakamali ay wala pa akong nasaksihan na fistfight na may tatlong magkakalaban." Pinanliitan ng mga mata ni Agustus si Dymitri. "Pag-isipan mong mabuti ang pinasok mo dahil hindi ka sa normal na tao makikipagsuntukan. Mas malakas sila kumpara sa'yo kahit nasa anyong tao sila at isa pa, mga prinsipe sila."

"Wala akong pakialam kahit maging lobo pa sila sa harapan ko. Wala ring lugar ang pagiging prinsipe nila sa magiging laban namin." Napangisi si Alexander sa sagot ni Dymitri. Hinarap ni Dymitri ang mga prinsipe at salitang tinignan.

"Hindi ako natatakot sa inyo. Marami akong kayang gawin. Matalas ang memorya ko, ilang eksperimento na rin ang nagawa ko at isang beses na rin akong nakaabot sa bingit ng kamatayan. I'm not a normal human because humans are all different in their own ways. Being a fighter doesn't always count on being strong, sometimes being intelligent also wins a battle." Sunod-sunod ang pagbitaw ni Dymitri sa mga salitang iyon.

Humarap ulit si Dymitri kay Weliza at nakita niyang makailang beses itong umiiling pero hindi bumaba ang nag-aalab na determinsayon niya ngayon. Palakas lang ito ng palakas na tipong may gusto siyang patunayan.

"We owned the biggest hospital in La Lobos who made cures to fight death while bringing lots of money in the economy of Philippines. Siya nga pala, saulo ko rin ang Periodical Table of Elements dahil doon kinuha ni Dad ang pangalan ko. Ngayon, ano pa ba ang gusto niyong malaman para lang mapatunayan ko na pwede rin akong lumaban?" Pinagkrus nito ang mga braso pagkabalik ng tingin sa dalawang prinsipe.

Napabuntong-hininga si Jack sa mahabang mga sinabi ni Dymitri.

"Sige na, hayaan mo lang siya Agustus." Walang emosyong utos ni Jack habang si Alexander ay napapailing lang habang hindi nawawala ang ngisi sa labi.

"Hijo, ano nga ang pangalan mo?" Tanong ni Agustus kay Dymitri.

"Eldren Dymitri Madrigal. The King of Science." Tumango ang referee pero dahil sa ingay ng mga tao ay hindi niya na narinig ng buo ang pangalan ni Dymitri. Ang naiwan lang na salita kay Agustus ay ang salitang, "King".

"Ngayon makakasaksi tayo ng kakaibang laban sa buong kasaysayan ng fistfight. Tatlo ang maghaharap para sa isang titulo." Buong lakas na sigaw nito. "Ace vs. Jack vs. King!"

Inutusan niya ang tatlo na yumuko sa isa't-isa na sinunod naman ng mga ito. Pagkatapos ay hinubad na nila ang mga pang-itaas na damit at pumwesto na sa gitna ng maputik na ring. Sabay-sabay nilang inilagay ang mga braso sa harapan ng mukha bilang magiging depensa mula sa kalaban.

Lumabas na si Agustus at iniwan ang mga ito. Walang nagawa si Weliza kung hindi itakip ang kamay sa mukha dahil hindi nito gusto ang nangyayari. Ayaw nitong makitang magkasakitan ang mga ito.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now