Chapter 44

450 38 59
                                    


Chapter 44: Real Faces

Weliza's Point of View

"Alam mo na noon pa ang tungkol sa ginagawa ni Hulyo sa kapatid mo pero bakit wala kang ginawa?" Pinaningkitan ko ng mga mata si Jack. Ang huling parte ng naging kwento niya ay hindi ko inaasahan.

"Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, huli na ng malaman ko ang bagay na iyon. That time ibinigay na ng hari ang misyon ko na bumaba ng bundok para hanapin ka." Malungkot na kwento ni Jack. "Kahit wala ako sa palasyo I still I know what's happening inside. Allen was really great at spying. He unfolds the truth about Hulyo using some sort of leaves to control my brother."

"Now it all makes sense. Ang pagkikita pala namin ni Alexander ay planado. Ibig sabihin peke lahat ng ipinakita niya. Lahat by means of Hulyo's orders." Napabuga ako ng hangin sa pag-iisip na hindi naging genuine si Alexander sa pakikipagkaibigan sa'kin.

"Yes but not entirely. As I told you, my brother's mind changed when he saw you. What he showed to you is purely him, no lies. Ang puso ay hindi nadidiktahan ng kahit sinoman Weliza and I guess that's the purest thing in this world. May gusto sa'yo ang kapatid ko at totoo iyon, walang halong manipulasyon. Though the process of you being liked by him is controlled all along."

"It just makes me sad that Alexander can't live by himself. Parang ang lungkot mapunta sa sitwasyon niya, pakiramdam ko wala akong sariling pag-iisip at sariling desisyon."

"Kaya mga pumayag ako sa naging pabor niya dahil alam ko talaga na iba ang tingin niya sa'yo at panigurado ikasasaya niya iyon. Para na rin syempre sa pag-asang maging ayos kami. But sometimes what you expect doesn't fall into place. Now we are in the midst of darkness waiting for a light to see each other again."

Tinapik ko ang likod ni Jack bilang pagsimpatya ko sa kanya. "Magtiwala ka na lang dahil balang-araw ay magiging okay ang lahat sa inyong magkapatid. Huwag mo na lang siyang hayaang makalapit kay Hulyo, huwag mo siyang hayaang kontrolin ng iba."

"I can't say that thing actually. Hulyo is always with him ever since at mahirap silang paghiwalayin. Ang huling desisyon lagi ay nasa kapatid ko pa rin, besides malaki na si Alexander. Alam naman niya na may Kuya siya na lagi lang nasa likod niya kapag may kailangan siya but sometimes sanay kasi siya na tumayo on his own." Malungkot na sabi ni Jack. Feeling ko anytime baka bumagsak na lang ang emosyon niya. Ramdam ko ang bigat ng dibdib nito.

"Masaya ako na malaman na nasa likod ka lang palagi ng kapatid mo kahit na komplikado ang sitwasyon niya. Plus, marami ka ring alam tungkol sa kanya na hindi niya nalalaman."

"Syempre magaling ang spywolf ko eh. Si Allen ang pinakamagaling sa lahat at nagpapasalamat talaga ako dahil sa'kin siya napunta." Pagmamalaki ni Jack sa kanyang Paws.

Napatango-tango ako. "You're right, he's really great. Akalain mo iyon napaniwala niya ang lahat na isa siyang guro na hindi naman pala talaga."

"Magaling kasi siyang magpanggap, napakahusay." Dagdag pa nito.

"Well-trained siguro si Sir Pharoño sa maraming sitwasyon kaya alam niya kung paano i-handle ang mga bagay na haharapin niya." Hula ko na sinang-ayunan ni Jack pagkatapos.

"Wait a minute—alam mo ba na noong nakita ka ni Alexander dito ay talaga namang nag-iba ang pananaw niya sa buhay? Alam niyang ako ang una mong nakilala kaya gumawa siya ng paraan para madali mong mapansin. He colored his black hair into a gray one." Natatawang rebelasyon ni Jack. Ako naman ay naalala ang unang beses ko sa Sagrada na kung saan si Alexander ang isa sa una kong nakilala. Jack is right, gray pa ang buhok ni Alexander that time. "Siguro para isipin mo na siya ang gray wolf na laging nasa tabi mo even before. But he failed because you know that it was always me—I'm the blue-eyed wolf."

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon