Chapter 14

1.8K 120 131
                                    


Chapter 14: When Night Falls

Weliza's Point Of View

The ruthless attack of the black werewolves last night in my academy is not the big thing at the moment. Mas gumugulo sa isipan ko ngayon ang biglaang pagsulpot ng mga puting lobo out of nowhere. Well, they saved me but I know they are the one who abducted me and I remember that this guy in front is with them. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Jack iyon kaya hindi ko mapigilang magtaas ng emosyon.

"The one who always save me whenever there is black wolves around..." Natigil ako sandali dahil hindi ako makahanap ng eksaktong mga salita na pwedeng gamitin. "And the one that brought me bad luck."

Simula ng mahulog ako sa bangin nakita ko na siya, sa ikalawang pag-atake ng mga itim na lobo sa resort nandoon din siya at bago ako nawalan ng malay kagabi ay nakita ko siya. Ang bukod tanging lobo na nangingibabaw sa itim at puting lobo. The gray wolf that always saves me. Hindi kaya...

"Jack, are you the blue-eyed wolf?"

Hindi ko maiwasang maisip ang bagay na iyon. Nawala siya sa resort ni Mikay at bigla namang sumulpot ang isang lobo at niligtas kami. Pati na rin ang asul na kulay ng mga mata ni Jack ay pakiramdam ko kaparehas ng sa lobong iyon. Ngayon hindi na ako makapaghintay na malaman ang totoo.

"I guess your silence means—"

"Yes." Diretsong sagot nito. "Yes I'm not."

Naguguluhan ko siyang tinitigan. Dahil nakatitig ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mahalina sa asul na mga mata nito at kahit iisa lang ay bukod tangi pa rin ito.

"If you are not the blue-eyed wolf then what are you? I saw you last night with the white wolves. Are you a wolf like them? A white one?" I eagerly asked.

Hindi umimik si Jack at biglang iniwas ang mga mata sa'kin. Ngayon ay diretso na itong nakatingin sa kawalan.

May narinig akong tumikhim kaya napalingon ako rito. Nakita ko ang papalapit na si Alexander at papunta na ito ngayon sa'min ni Jack.

Dumiretso si Alexander sa gitna namin ni Jack pagkalapit nito. Namayani ang nakabibinging katahimikan sa aming tatlo. Walang nagsasalita kahit sinoman sa'min kaya nagsimula akong makaramdam ng pagkailang.

"Hinahanap ka ng hari." Si Alexander ang naunang nagsalita, kausap nito si Jack.

Muli akong binalingan ng mga tingin ni Jack hanggang sa bumaba ang mata nito sa katawan ko. Binigyan nito ako ng isang kakaibang ngiti at pagkatapos ay dumiretso na itong umalis. Teka, may problema ba sa katawan ko? Hindi ba bagay sa'kin ang oversized shirt? Sino ba kasi nagsuot nito sa'kin? Pagkagising ko kanina nakasuot na ako ng mga ganito.

Nang tuluyang mawala ang presensya ni Jack ay nakahinga na ako ng maluwag. Ewan ko ba pero ng dumating si Alexander at lumapit sa'min ni Jack ay parang bumigat ang dibdib ko. Parang may something sa kanila pero hindi ko alam kung ano.

"How's your arm?" Tanong ni Alexander na paniguradong tinutukoy ang sugat sa braso ko. Hindi ko alam kung ano'ng tamang isagot sa kanya. Dapat bang magbigay galang ako sa kanya kasi isa siyang prinsipe?

Tinaas ko ang ulo ko para magtama ang mga mata namin. Makalipas ang ilang segundo ay napabuntong-hininga ako. Sa loob ng ilang sandali ko rito sa gubat ay nakabuo ako ng isang mabigat na desisyon.

"Sige na pumapayag na ako." Kita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Kapansin-pansin kay Alexander ang kulay abong mga buhok nito.

"W-What do you mean?" Pinanliitan niya ako ng mga mata.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now