Chapter 43 (Part Two)

391 35 27
                                    


Chapter 43 (Part Two): Jack Of All Trades

Third Person Point of View

"Bakit ako ipinanganak na bulag? Malas ba ako? Siguro ba isinumpa ako?" Sunod-sunod na tanong ni Jack sa sarili kinaumagahan ng maramdaman niyang bumalik sa siya sa pagiging tao. "Hindi ko alam kung bakit ako ang kailangan magkaroon ng madilim na mundo. Nakakapagod."

Kagabi lang ay unang beses nitong magpalit-anyo bilang lobo at parang wala man lang ito sa kanya. Gustuhin man niyang tumakbo ng matulin gamit ang apat na mga paa ay hindi niya magawa dahil hindi ito makakita. Ang mayroon lamang siya ay talas ng pang-amoy, lakas ng pandinig at kakaibang pandama sa nakalipas na magdamag.

Gamit ang isang tungkod na yari sa kawayan ay dahan-dahan siyang umibis ng kanilang kubo at umupo sa harap nito.

"Kung sana lang pwede akong makawala sa kadilimang ito kahit isang araw lang, susulitin ko ang bawat sandaling ibibigay sa'kin. Gustong-gusto ko ng makita ang mundo lalo na ang gubat na ginagalawan ko." Pakiwari pa ni Jack.

Mayamaya ay naulinagan nito ang mga batang laging naglalaro sa malapit. Heto at tampulan na naman nila ng tukso ang isang kapwa bata nila.

"Dapat lang sa'yo na maging ganyan. Makasalanan kasi ang iyong ina! Hahaha!" Pangungutya ng isa.

"Hindi ka nababagay dito! Sana ipatapon na kayo sa kweba ng mga makasalanan! Sana panghabambuhay ka ng manatiling ganyan!" Dagdag pa ng panibagong bata.

"Nakakaawa naman siya. Isali kaya natin siya tapos dalhin natin sa lawa at tsaka itulak?"

Napailing-iling na lang si Jack ng hindi na nito nagustuhan ang naririnig na pangungutya sa bata. Kahit hindi niya sila nakikita ay buong tapang pa rin itong nagbigay ng saloobin.

"Matanong ko kayo, paano kung kayo ang napunta sa sitwasyon niya? Hindi ba mahirap iyon? Hindi ba masakit iyon? Minsan kailangan din nating isipin ang sitwasyon at nararamdaman ng isang lobo bago tayo magsalita. Lahat ng bagay may dahilan. Ang batang kinukutya niyo ay magiging magiting balang-araw."

Nabalot ng katahimikan ang buong gubat pero mayamaya at binasag ito ng ingay mula sa mga batang kasama ni Jack.

"Ano raw sabi niya? Hahaha!"

"Bulag na nga, maluwag pa ang sentido ng utak!"

Nagsialisan ang mga ito at iniwang mag-isa ang naguguluhang si Jack na walang kaalam-alam na siya pala ang laging tampulan ng usapin at pangungutya ng mga Sagros.

Mayamaya ay nagulat ang batang si Jack ng may malakas na kalabog itong narinig. Parang may bumagsak na isang mabigat na bagay sa malapit. Dahil hindi ito nakakikita ay hindi niya na lang ito pinagtuunan ng pansin hanggang sa magulantang ito ng may marinig.

"T-Tulong... tulungan niyo a-ako..."

Mabilis na napatayo si Jack at pinakiramdmaan ang paligid. "Bakit po? Ano'ng nangyari?"

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя