Chapter 50

409 38 101
                                    


Chapter 50: Evacuate

Weliza's Point of View

Binuksan ko ang payong ko at nagsimulang maglakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Mag-isa na lang ako ngayon dito sa academy at hindi alam ang susunod na pupuntahan.

Kanina sa botanical garden ay sumunod si Jester at Mikay kila Dymitri at Pat na kakain daw muna sa labas. Hindi pa ako nagugutom kaya hindi na lang ako sumama. Isa pa, mukhang by pair ang lunch nila at magiging katawa-tawa lang ako bilang mag-isa ro'n. Kung tatanungin niyo naman si Colonel ay hindi pa ito nagpaparamdam hanggang ngayon. He was so serious on investigating Pat. Sana lang ay huwag niyang ubusin ang buong time and energy niya rito. Si Jack kaya? I hope my man is here but he wasn't. Sana talaga ayos na ang mga puting lobo para makasama ko na ang prinsipe ko.

Mayamaya, sa hindi ko inaasahang pangyayari ay napahawak ako sa dibdib ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding kirot dito. Mukhang dahil sa matinding init plus stress na rin siguro. Tagaktak na rin ang mga pawis ko at nagsisimula na rin akong mahirapan sa paghinga. Kailangan ko munang umupo at magpahinga para pakalmahin ang dibdib ko. Nakakatakot if bumalik ang sakit ko sa puso noong bata pa ako. That was my near death experience at ayaw ko na maulit iyon. Doon naubos ang pera namin dahil sa pagpapagamot.

"Kumalma ka lang. Magiging panatag ang puso mo kung kakalma ka lang. Sumilong ka muna sa may lilim." Suddenly, I heard someone whispered. This is just a voice of an unknown man in my head. Ito na naman siya, nagsasalitang mag-isa na ako lang ang nakaririnig. Sino ba kasi siya?

Hindi ko pinansin ang boses at dumiretso na lang ako sa student's lounge kung saan may mga puno. Mayamaya ay medyo umikot ang paningin ko at muntikang ma-out balance. Buti na lang at may nahawakan akong isang poste kaya nakontrol ko ang sarili sa pagkakatumba.

Nakahawak lang ako sa poste habang hinihingal at hawak ang dibdib. Maski ang payong ko ay nabitiwan ko na dahil medyo hindi ko na kontrolado ang paggalaw ko. Dahil sa nangyayari sa'kin ay nakuha ko ang atensyon ng mga estudyante sa may malapit na bench at pati na iyong mga dumadaan ay nahinto. Lahat sila ay naguguluhan akong pinagmamadan.

"What's happening to her?"

"Kailangan ba natin siyang tulungan?"

"Mukhang ayos naman siya, huwag na lang kaya."

Nagsimulang dumami ang mga estudyante sa harap ko pero ni isa ay walang lumapit sa'kin. Ang iba pa nga sa kanila ay kinukunan ako ng video habang nagsasalita na animo'y nag-ba-vlog. Sa kumpulan ng estudyante ay nakita ko si Cassie. Nakakrus ang braso nito at nakataas pa ang bagong ahit na kilay habang pinagmamasdan ako.

"Are you alright?" Tanong ng isang sumulpot na lalaki. Pagharap ko sa kanya ay namukhaan kong siya si Fabio Merced. Isa siya sa kaklase ko at ang anak ng director nitong academy. Napansin ko na nakatitig lang sa mga mata ko si Fabio na para bang may kakaiba sa'kin. Kumalas ito ng tingin at inayos ang suot na salamin. "Take this. Mahirap na kung mamatay ka sa academy at lumabas pa sa news." Napatango ako at tinanggap ang bote ng tubig na iniaabot niya. Yumuko rin ito at pinulot ang payong ko.

"S-Salamat."

Kalaunan ay nakapamulsang umalis si Fabio. Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo. Dito ko nakita sa likuran ng black shoes niya ang bahid ng mga putik. Anak-mayaman pero kung saan-saan nagsususuot. Ewan pero ang weird niya ngayon. Ni minsan kasi hindi niya ako kinausap sa klase, actually wala siyang laging kasama maliban sa girlfriend niyang si Cassie. Puro pag-aaral lang kasi ang inaatupag ni Fabio pero kahit gano'n ay hindi niya pa rin malamangan bilang Rank 2 ng room si Pat at Rank 1 na si Dymitri.

Nang tuluyang mawala si Fabio ay pati ang mga estudyante na nakapalibot ay nagsialisan na rin. Tinitigan ko muna ang binigay ni Fabio bago dahan-dahang nilagok. Kumalma ang dibdib ko ng makalahatian na ang bote ng tubig. Siguro isa rin sa reason kung bakit nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ay dahil sa dehydration. Would it be nice to take my lunch as well? Ayaw kong bumagsak ulit ang sistema ko na ang susunod na magiging rason ay dahil sa walang lamang sikmura ko. Mas better if aagapan na ito. Pero saan naman kaya ako kakain? Mainit sa cafeteria kaya sa malapit na convenience store na lang siguro ako hahanap ng makakain.

The Blue-Eyed Wolf (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now