Twenty-Five: Make-up

8 3 2
                                    

Make-up

(Ashly's Point of View)

“Thank you sa ice cream.” nakangiting pahayag ko kay Sail habang naglalakad kami pauwi.

“Thank you din sa pagturo sa'min ni Zin kahapon. First time kong magkaroon ng score sa assignment. Actually, pina-explain pa sa'kin nung teacher namin 'yung sagot. Mabuti na lang at natandaan ko 'yung ilan sa itinuro mo sa'min. Hindi kasi siya naniniwala na ako ang nagsagot no'n. Tss.” natatawang sabi niya. Base sa ekspresyon niya, mukhang natutuwa siya sa naging resulta ng pag-aaral niya. Sana naman mamotivate na siyang mag-aral ng mabuti at 'wag nang makipagbasag-ulo.

“Wala ba kayong assignment ngayon?” tanong ko dito. Madali lang naman kasi 'yung assignment namin kaya pwede ko silang isingit.

“Meron. Pero madali lang. Magsesearch lang kami. Tsaka masyado ka naming naabala last time.”

“Hmm. Okay lang 'yon. Ganito na lang. Para quits tayo. Bilihan mo na lang ulit ako ng ice cream kapalit ng pagtuturo ko sa inyo. Ano? Ayos ba 'yon?” tinaas-taas ko pa ang kilay ko para mapapayag siya.

“Pag-iisipan ko.” napabusangot na lang ako sa naging sagot niya. Mukhang hindi pa rin yata siya namomotivate na mag-aral. Tsk.

“Bakit naman pag-iisipan mo pa?”

Tumigil siya sandali sa paglalakad kaya naman napahinto din ako. Yumuko siya hanggang sa magkasing pantay na ang mga mata namin. Grabe. Ang ganda ng mga mata niya.

“Dahil ayaw kitang i-take for granted.” pagkasabi niya no'n ay nginitian niya ako at saka siya nagpatuloy muli sa paglalakad niya.

Naiwan naman akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Grabe. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano'ng meron self?

“Hey. Ash. Tara na.”

“Ah. Oo. Eto na.” huminga muna ako nang malalim bago ako lumapit sa kanya. Pero parang walang kwenta 'yung ginawa ko dahil ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Hindi ko na nga namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng bahay namin.

“Ayos ka lang ba?” tanong niya sabay hawak sa noo ko. Kaagad kong tinapik ang kamay niya sa hindi ko malamang dahilan. Hay. Nakakahiya. Ano ba'ng pinaggagagawa ko?

“Ah. Oo. Ayos lang ako. Sige. Pasok na 'ko.” dire-diretsong pahayag ko at saka ako nagmamadaling pumasok sa gate ng bahay namin at dahil sa pagmamadali kong makaalis sa harapan niya ay nakalimutan kong susian ang gate dahilan para bumunggo ako dito. Hay. Mas nakakahiya 'yon.

“Ayos ka lang ba talaga? Haha.” at narinig ko na naman ang tawa niyang 'yon.

“Oo. Ano. Umalis ka na.”

“Huh?”

Sasagot palang sana 'ko nang bumukas 'yung gate namin. Muntik pa 'kong sumubsob mabuti na lang at sinalo ako nang taong nagbukas nito. Shems. Bakit ba ang clumsy ko sa harap ni Sail? Tsk.

“Saan ka galing?” napaangat ako ng tingin sa taong may hawak sa'kin ngayon. Kaagad akong napaayos ng tayo nang makilala ko siya. Si Theo.

“Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong ko dito. Hindi ko alam, pero magmula nung araw na nagtalo kami parang ayoko na lang din siyang kausapin. Hay.

“Ah, excuse lang. Ashly, una na 'ko.” napalingon ako kay Sail na noon ay seryosong nakatingin kay Theo na nakatingin naman sa'kin. Nginitian ko lang siya at saka ako tumango dito.

Love Me RightWhere stories live. Discover now