Forty- Seven: Gusto ko lang siya

1 0 0
                                    

Gusto ko lang siya

(Ashly's Point of View)

Ito na ba 'yung tamang oras para sabihin ko kay Sail ang feelings ko sa kanya? Pero paano kung tuluyan na siyang lumayo sa'kin kapag nagtapat ako? Iniimagine ko pa lang, nasasaktan na 'ko. Tsk.

"Hindi ka pa ba papasok?"

Nabalik ako no'n sa reality nang magsalita siya sa tabi ko.

"Ahh. Oo nga. Hehe."

Sinubukan kong hanapin ang susi ng gate namin sa loob ng bag ko pero napahinto din ako sa ginagawa ko nang mag-doorbell si Sail sa bahay namin. Shems. Hindi nga pala kami gumagamit ng susi mula sa labas ng bahay. Hay Ashly. Lumilipad na naman ang utak mo.

Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa pagbuksan ako ni manang ng gate. Inabutan niya 'ko ng payong at saka siya muling bumalik sa loob. Kaya kaming dalawa na lang ulit ni Sail ang naiwan dito sa labas ng bahay.

"Pasok ka na. Aalis na rin ako.” muling sambit niya at saka nagsimulang maglakad palayo sa'kin.

Kahit na sinabi na ni Sail na hindi siya galit, pakiramdam ko ay may nagbago sa pakikitungo niya sa'kin. O masyado lang akong nag-iisip?

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hinabol ko siya.

"Sail."

"Bakit? May nakalimutan ba 'ko?" nagtatakang tanong niya nang hawakan ko siya sa braso niya na kaagad ko ding inalis matapos niyang magbaba ng tingin dito.

"Sail."

Naikuyom ko na lang ang kamay ko nang hindi ko mahanap ang salitang sasabihin ko.

Sigurado na ba 'ko sa gagawin ko? Baka pagsisihan ko lang. Pero mas nakakapagsisi kung hindi ako aamin sa kanya. Tama sina Theo at Pin. Aamin muna 'ko. Kapag hindi umayon sa'kin ang sitwasyon, tsaka na lang ako susuko.

"May sasabihin ka ba, Ash?"

"Promise mo muna na hindi ka magagalit." naiilang na pahayag ko.

Grabe ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay katapusan ko na once na masabi ko na sa kanya ang bagay na hindi ko din malaman kung dapat bang sabihin ko pa.

"Ano ba 'yon? Haha."

Medyo nawala ang takot na nararamdaman ko nang makita at marinig ko siyang tumatawa. Sincere naman siguro ang pagtawa niya, hindi ba? Tsk.

"Sail. Kasi. Gusto ko lang malaman. Hay. Paano ba 'to?" kausap ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang lumapit siya sa'kin kaya naman medyo nag-panic ako. Kapag ganyang sobrang lapit niya sa'kin baka hindi ako makapagsalita.

"'Wag ka nang lumapit. Hehe. Dyan ka lang." ngumiti pa 'ko ng alanganin. Shems. Ang hirap naman nito.

"Para kasing natetense ka. May nang-away ba sa'yo sa school ninyo? Or may sumusunod ba sa'tin kanina nung naglalakad tayo?" nag-aalalang tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot.

Huminga muna 'ko ng malalim bago ko binuo sa isip ko ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.

"Sail. Ano'ng gagawin mo kapag nalaman mong may special feelings pala sa'yo yung kaibigan mo?” dahan-dahan at halos hindi ko na matapos ang sasabihin ko sa takot ko sa magiging sagot niya.

Ang sabi nila, kapag gusto mong malaman ang totoong nararamdaman ng isang tao, tignan mo sila sa mata. Pero mukhang magaling magtago ng nararamdaman si Sail dahil blangko lang ang ekspresyon na ipinapakita niya ngayon. Nakakatakot. Hindi ko mabasa ang nararamdaman niya.

Love Me RightWhere stories live. Discover now