Thirty - Seven: Girlfriend

4 0 0
                                    

Girlfriend


(Ashly's Point of View)

"Sister naman. Ayusin mo nga. Kanina ka pa nagkakamali sa process na 'yan eh." reklamo ni Zin for the nth time.

"Inaayos ko naman." Hay. Wala talaga 'ko sa mood para matutong mag-bake ngayon.

"Ash, may problema ka ba? Kanina ka pa kasi tahimik. Hindi ka din nag-recess kanina tapos konti lang din ang kinain mo nung lunch." lumapit pa si Pin sa'kin para tignan ang temperature ko.

"Okay lang ako. Wala 'kong sakit. May iniisip lang ako." ngumiti pa 'ko ng pilit sa kanila pero dahil si Pin ang isa sa mga higit na nakakakilala sa'kin ay hindi umubra sa kanya ang palusot ko. Tama nga si Alysson. Parehas kaming tanga ni Theo pagdating sa ganitong bagay. Hay. Bakit ba iniisip ko na naman siya? Ashly, paano na 'yung goal mo? Tsk.

"Si Theo." diretsahang sabi ni Zin habang patuloy sa ginagawa niya.

"Bakit ko naman siya iisipin? Iniisip ko kung paano ko gagamitin 'tong electric mixer."

Inabot ko 'yung electric mixer sa tabi ko at saka ito isinalpak. At dahil wala nga 'ko sa sarili ko ay inatake na naman ako ng katangahan ko. Na-ground ako dahilan para mabitawan ko 'yung mixing bowl at matapon sa'kin lahat ng ingredients na gagawin ko dapat na icing. Hay. Nagsayang ka ng pagkain Ash.

"Sorry. Papalitan ko na lang 'yung ingredients. Magpapalit muna 'kong damit. Excuse me." pahayag ko.

"Sundan mo 'yon. Baka madulas pa 'yon sa C.R." dinig kong utos ni Zin kay Pin bago pa man ako tuluyang makalabas ng baking room.

Paglabas ko ng cubicle ay nakita ko ang naghihintay kong bestfriend na si Pin na nakasandal sa sink ng comfort room.

"Gusto ko sanang magtampo, kasi kaibigan mo 'ko pero wala akong alam sa'yo. Kapag tinatanong kita kung ano'ng problema, palaging 'okay lang', 'wala lang'. Pero sa iba, mukhang nagagawa mong mag-open up. Minsan tuloy, naiisip ko na 'bestfriend' mo lang ako. Label lang. Haha. Or hindi ka lang talaga komportable na magsabi ng problema sa'kin. But I need to understand that kasi kaibigan kita.”

Napakagat na lang ako sa labi ko nang talikuran niya 'ko matapos niyang sabihin 'yon. All this time, ganito pala ang nararamdaman ni Pin sa'kin. Bakit hindi ako naging aware do'n? Sarili ko lang ba ang iniisip ko? Hindi, Ash. Palagi na lang kasi si Theo ang laman ng isip mo.

"Nitong mga nakaraang araw, hindi ako okay. Nasasaktan ako, dahil kay Theo. Pin, dati kasi, wala lang naman talaga 'to. Kasi hindi pa naman gano'ng kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya sinasarili ko lang. Pero ngayon, iba na. Kaya sana, pwede pa rin akong magkwento sa bestfriend ko.”

Hindi ko na napigilang umiyak nang magdire-diretso pa din sa paglalakad si Pin palayo sa'kin. Kasalanan ko naman. Kaya okay lang. Pero mas bumigat lang ang pakiramdam ko.


"ANO PA'NG INIIYAK MO DYAN? HALIKA NA DITO. HINDI KO BIBITBITIN ANG BAG MO." sigaw niya bago tuluyang pumasok sa baking room. Napangiti naman ako. Shems. Sabi ko na. Hindi ako matitiis ng bestfriend ko.

NAKARATING kami sa isang amusement park hindi kalayuan sa school namin. Dito ba balak ni Pin na pakinggan ang mga hinanakit ko kay Theo? Hay. Iba talagang mag-isip 'to. Kaya minsan, hindi ko maiwasang isipin na bagay sila ni Zin. Magkatunog pa ang pangalan nila.

"Hindi daw talaga makakapunta si Sail. Bukod sa marami siyang bantay, maaga ring umuwi ngayon ang mommy niya kaya hindi talaga makakalusot." pahayag ni Zin pagkababa niya ng cellphone niya.


Love Me RightWhere stories live. Discover now