Thirty One: Gusto

14 2 1
                                    

Gusto

(Ashly's Point of View)

Mukhang hanggang maka-graduate ako ng highschool ay masama na ang image ko sa mga schoolmates ko. Tsk.

Napayuko akong muli nang may makita na naman akong tao na makakasalubong ko sa corridor. Kahit na hindi sila nagsasalita ng masakit tungkol sa'kin kapag nakaharap ako sa kanila, alam ko naman na may mga hinanakit sila sa'kin. Ilang araw na ba ang nakalipas magmula nung pageant night? Apat na araw na nga rin pala. At mamaya ay Student's Night na.

"Ash! Kanina pa kita hinahanap! Bakit nandito ka na naman sa classroom? Sabi ko naman sa'yo ipho-photo copy ko na lang 'yung notes ko." pahayag ni Pin nang makita niya ko dito sa room namin.

"Wala naman din akong gagawin sa ground. Tsaka nalibot ko na 'yung mga booths nung first day palang ng Foundation Day." dahilan ko sa kanya. Ang totoo kasi, ayokong magpakita sa mga schoolmates ko. Nahihiya ako.

"Magtatago ka na naman ba? Kagaya nung may nangyari sa inyo ni Harris? Ash, wala namang magandang maidudulot 'yang pagtatago mo. Mas lalo lang iisipin ng mga tao na mali ang ginawa mo. Tsaka bakit ka ba natatakot sa kanila? Hayaan mo lang sila na husgahan ka. Alam mo naman sa sarili mo kung ano ang totoo." tinapik tapik pa ni Pin ang likod ko pagkasabi niya no'n. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko.

"Sino'ng mag-aayos sa'yo mamaya?" pag-iiba ko ng usapan.

"As usual, kung sino ang make-up artist mo ay siya ring mag-aayos sa'kin! OMG! Excited na ko!" parang kinikilig lang na ewan 'tong kaibgan ko. Tsk. Bukod kasi sa makakalibre siya ay lubhang napakagaling kasi ng make-up artist namin ni mommy. 'Yung mga blemishes, wrinkles, pimples dark spots at kung ano man ang problema mo sa mukha ay talaga namang naaayos niya gamit lang ang make-up. Napakatalented talaga.

"Ano pa'ng hinihintay natin? Tara na. Punta na tayo sa bahay ninyo para kunin ang damit mo tapod diretso na tayo sa bahay."

At kahit na hindi pa man siya nakakasagot ay hinila ko na siya palabas ng room.




PAST 7:00 na nang makarating kaming school. Samantalang 6:00 P.M. ang simula ng program. Well, okay lang naman 'yon kasi hindi naman mandatory ang pagdalo sa Student's Night kaya ayos lang din na may mahuli ng dating kagaya namin.

"Dito na lang tayo Pin." bulong ko sa kanya nang mapansing may mangilan-ngilang nakatingin sa'kin.

"'Yan ka na naman e. 'Di ba pinag-usapan na natin 'to? Tsaka sayang ang ayos natin kung dito lang tayo. Hayaan mo silang magsawa kakatitig sa'yo. Tara na do'n." at hinila na niya 'ko sa may bandang unahan ng auditorium kung saan may nagpeperform na banda.



"Hi Ate Ash!" bati sa'kin ng ilang sophomores. Ngumiti lang ako ng alanganin dahil baka isa rin sila sa kung ano-ano ang sinasabi sa'kin.

"Ang ganda mo pala talaga lalo na sa malapitan. No wonder, bagay na bagay kayo ni Kuya Theo. Sayang lang kasi balita namin may girlfriend na siya."

Sayang nga. Naisagot ko na lang sa isip ko. Hay. Ano ba 'tong iniisip ko? Tsk.

"Tama, may girlfriend na si Theo. Pero pwede pa din naman silang mag-break. Aw. Ano ba Ash!" reklamo ni Pin matapos ko siyang kurutin.

"Umayos ka nga. Mamaya may makarinig sa'yo." bulong ko sa kanya.

"Nakakatuwa naman po kayong dalawa mga Ate. Hehe." hagikgik nung ilang sophomores na kumakausap sa'min. Napangiti naman ako dahil mukhang hindi naman sila kasali sa mga haters ko.

Love Me RightWhere stories live. Discover now