Thirteen: Hibang

15 3 0
                                    

Hibang


(Ashly's Point of View)

Binasa kong muli ang text ni Theo.

<<From: Theo>>

Nasaan kayo ni Harris?

---------------------------

“Eto na Ash.”

Halos mapatalon ako sa gulat nang dumating si Harris bitbit ang mango flavored ice cream na binili niya sa dumaan na ice cream vendor.

“Parang gulat na gulat ka naman yata?” nakakunot-noo na puna niya sa'kin.

“Ah, wala. Hehe.” pahayag ko habang pasimple na isinisilid sa bulsa ko ang phone ko.

Mahirap na. Baka malaman niya pa na si Theo 'yung nag-text. Ang balita ko kasi kayna Leo ay may hindi pagkakaunawaan ngayon sina Harris at Theo. At dahil daw 'yon sa'kin. Tsk. Ano naman kayang kinalaman ko sa away nilang magkaibigan?

Sinuklian niya lang naman ako ng isang matamis na ngiti kaya napangiti na lang din ako.

Nanatili lang kaming tahimik pagkatapos no'n. Pinagmamasadan ang mga batang naglalaro sa park dito sa loob ng village namin na maya-maya ay nag-uwian na din. Ang awkward. Tsk. Ano kayang magandang pag-usapan? Dapat ako ang mag-entertain sa kanya since ako naman ang nagyaya. Siya na nga ang nanlibre sa'kin e.

Sa gitna ng pag-iisip ko tungkol sa kung anong magandang pag-usapan ay tumunog ang cellphone ko. Naman. Tsk.

**gogaereul dollimyeon nuni majuchineun neo
dashi han beon tto ppanhi nal
cheodaboneungeol
Oh**

Theo Calling...

Bakit naman kaya siya tumatawag?

**geu misoneun jom neomuhan geot gata
aetaeudeut yeoyuga neomcheo
sumi makyeo baeryeo eomneun nunuseume
ama geuge maeryeogin geol aneun deutae
Yeah yeah yeah**

Tinignan ko si Harris na noon ay sinisipat ang cellphone na hawak ko kaya naman napakamot siya sa ulo niya nang mapansin na nakatingin ako sa kanya.

“Sino ba 'yang tumatawag? Sagutin mo na. Baka mahalaga.”

**La la la la
neoye du nuni naege soksagineun geon
La la la la
dagaoraneun geot gata**

“Wala. Unknown number.” pagsisinungaling ko at saka ko inend ang call.

Baka mas lalo silang mag-away ni Theo. Ayoko no'n. Tsk.

Isang nakakabinging katahimikan na naman ang nangibabaw sa'ming dalawa. Ang awkward talaga. Tsk.

Magandang pagkakataon na siguro 'to para tanungin siya kung bakit sila hindi nag-uusap ngayon ni Theo. Baka sakaling mapagbati ko pa sila.

“Ah, Harris. Pwede ba 'kong magtanong?” nahihiyang sabi ko sa kanya.

“Oo naman.” nakangiti na namang sagot niya.

“Tungkol sa inyo ni Theo.”

Ang mga ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi kanina ay bigla na lang naglaho. Sabi ko na e. Hindi magandang idea 'to.

“Ahh, 'yon ba? Anong gusto mong malaman?” nakatingin sa kawalan na sagot niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako muling nagsalita.

“Anong nangyari sa inyo? Bakit parang malayo kayo ngayon sa isa't isa?” kinakabahang tanong ko.

Baka magalit siya sa'kin. Nakakatakot. Tsk.

Love Me RightWhere stories live. Discover now