Twenty Six: Sorry

9 3 0
                                    

Sorry

(Ashly's Point of View)

Grabe. Never in my life na naisip kong mag-skip ng klase. At mas lalong hindi ko naisip na si Theo pa ang makakasama kong gumawa nito. Napabuntong hininga na naman ako nang mapatingin ako kay Theo na katabi ko lang dito sa backseat ng kotse namin habang sarap na sarap sa pagtulog. Mukhang napuyat siya kagabi. Nagulat nga ako dahil isinakay niya 'yung bisekleta niya sa kotse namin at may dala pa siyang paper bag na may lamang damit niya. Bitbit niya rin kagabi ang backpack niya. Nalaman ko na lang nung makauwi kami sa bahay namin. Sinabihan pala siya ni mommy na sa'min na matulog kagabi. Ang kaso, mukhang hindi naman siya nakatulog dahil mukhang hindi siya sanay makitulog sa bahay ng iba.

"Sana sinabi na lang niya na umabsent kami. Nakanood pa sana 'kong T.V. sa bahay. Tsk." bulong ko na mukhang narinig niya dahil sumagot siya bigla.

"Sinabi ko naman sa'yo na pumasok ka na. Hindi mo na 'ko kailangang samahan dito. Ikaw lang naman 'tong hindi mapakali nang hindi ako nakikita. Tss." at kahit inaantok siya ay hindi pa din nawala ang pagiging over confident niya sa feelings ko sa kanya. Grabe lang.

"Inaantok din ako. Kaya ako nag-stay dito. Ano'ng feeling mo, ikaw lang ang hindi nakatulog ng maayos?" kunyaring pagsusungit ko sa kanya.

"Hindi ka nakatulog kasi alam mong nasa iisang bahay lang tayo kagabi." dagdag pa niya.

This time napatayo na 'ko dahil sa sinabi niya. Nakalimutan ko tuloy na nasa kotse kami kaya nauntog ako. Nakakahiya. Tsk.

"Next time Ash, mag-isip ka ng mas magandang palusot. Tss. Tara na. Mukhang hindi ka naman tatahimik dyan hangga't hindi tayo pumapasok sa klase natin."

Eksaktong pagbaba ni Theo ng kotse ay ang pag-ring ng bell sa school. Hudyat na recess na. Ang talino talaga niya. Pati sa kalokohan nagagamit niya ang utak niya.

Pumikit muna ako at nagbilang ng 100 bago ako lumabas ng kotse. Mahirap na. Baka may makakita sa'min ni Theo na sabay na lumabas sa iisang kotse tapos late pa kami. Maging usapan na naman kami sa school.

"Ano'ng ginawa mo sa loob? Bakit ang tagal mo?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Theo sa tapat ng kotse namin. Akala ko umalis na siya. Hinintay niya pala 'ko.

"Ibababa na lang daw ni Manong 'yung bike natin. May spare key ka naman ng padlock mo 'di ba? Kaya 'wag ka na mag-alala. Sige na. Mauna ka nang maglakad. Baka may makakita pa sa'tin." tinulak tulak ko pa siya pero ni hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Nang tignan ko siya ay nakatingin lang din siya sa'kin ng seryoso. Ano ba'ng trip nitong lalaking 'to?

"Fine. Ako na lang mauunang maglakad." pagsuko ko at saka ako naglakad palayo sa kanya. Kaya lang ay nakakailang hakbang palang ako ay hinatak niya ang backpack ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Ano naman kung sabay tayong maglakad? Sa iisang direksyon lang naman ang punta natin. Ang dami pang arte. Tsk."

Hindi na 'ko nakakibo nang hilahin niya ang strap ng bag ko at nagsimulang maglakad papasok ng campus.


Parang nagliwanag ang paligid ko nang matanaw ko si Alysson hindi kalayuan sa'min. Papasok na siyang canteen nang maabutan namin siya.

"Aly! Ililibre ka daw ni Theo ng recess. Sige. Enjoy!" masiglang pahayag ko at saka ako tumakbo palayo sa kanila. Mukhang hindi inaasahan ni Theo ang ginawa ko kaya mabilis akong nakatakas sa kanya. Mabuti na lang. Napapalibutan na din kasi kami ng section 1 kanina. Bad shot pa din kasi 'ko sa mga classmates nila hanggang ngayon.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon