Forty- Five: Hindi siya si Aurora

2 0 0
                                    

Hindi siya si Aurora

(Ashly's Point of View)

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Sail na nag-eensayong magsayaw habang nagkakabisado ng mga elements ng periodic table para sa quiz nila bukas. Never kong na-imagine na magiging ganito siya ka-dedicated sa pag-aaral niya. Maaaring naghahanap lang siya ng mga taong susuporta sa ginagawa niya. Bagay na nahihirapan siyang kunin mula sa pamilya niya. Pero alam ko naman na eventually ay magiging proud din sila kay Sail.

"In love ka na 'no?"

Napairap na lang ako nang lapitan ako ni Zin.

"Bakit ba ang epal mo? Do'n ka na nga kay Pin. May ginagawa pa kayong project ah? Bakit nanggugulo ka dito?" inis na reklamo ko sa kanya.

"Ang sungit naman kasi ng isang 'yon. Konting maling gupit nagagalit agad. Hindi naman niya project ang ginagawa namin." reklamo niya.

Natawa ako nang makitang naka-pout si Zin. Ang cute lang haha. Para siyang bata na nagsusumbong sa nakatatandang kapatid niya.

"E di sungitan mo din! Kapag ako, kinakaya-kaya mo ko." tinulak-tulak ko pa siya pabalik sa pwesto niya kanina. Noong una ay ayaw pa niya pero nang tawagin siya ni Pin ay kaagad naman siyang sumunod dito. Hay. Mukhang magiging under ni Pin si Zin ah? Tsk. Tsk.

"Ash."

Nabalik naman ang atensyon ko no'n kay Sail na seryosong nakatingin sa notebook niya.

"Bakit?" tanong ko dito.

Medyo nag-sway pa ang ilang hibla ng buhok niya nang umihip ang hangin dito sa garden ng school nila. Malapit nang mag-7 P.M., ilang oras na din pala kaming nandito.

"Pwede bang samahan mo 'kong sumayaw?"

Palagi na lang Ash. Bakit ba ganyan ang heartbeat mo? Ayaw tumigil sa pagbilis sa tuwing may sasabihin o gagawin si Sail sa'yo.

"Ha? Bakit ako? Nandyan naman si Katana." sagot ko sa kanya.

"Uuwi na 'ko eh. Nandyan na 'yung service ko. Ikaw muna partner ni Sail." hinila pa 'ko patayo nung gaganap na Aurora ni Sail bago ito maglakad palayo sa'min.

"Bukas na lang ulit! See yah!" nakangiting pahayag niya.

No wonder at siya ang napiling kapareha ni Sail. Ang cute at ang ganda niya at the same time.


"Hindi ako marunong sumayaw. Mag-practice na lang tayo ng lines ninyo." nag-aalangang pahayag ko. Ayoko ngang mapahiya sa harap ni Sail. Kaya lang naman ako nakapagsayaw before ay dahil kailangan. Pero kung hindi lang din para sa pageant na sinalihan ko, hindi ako sasayaw.

"Ash! Punta lang kami sa library. Text mo na lang kami kapag uuwi na tayo." sigaw ni Pin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Tayo na lang nandito."

"Ha? Ano. Ano naman?" medyo napalakas ang boses na sagot ko kay Sail.

Literal na napukpok ko ang ulo ko sa sinabi ko. Hay. Siraulo ka ba Ash? Ano'ng akala mo? May gagawing hindi maganda si Sail sa'yo? Tsk. Nagmamulfunction ka na naman. Nakakahiya ka talaga.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang tumawa siya ng mahina at saka lumapit sa'kin. Napaatras pa 'ko nang makalapit siya sa'kin. Pero kaagad din akong napaayos ng tayo nang marahan niyang hawakan ang kanang kamay ko.

Love Me RightWhere stories live. Discover now