Thirty - Six: Ako na 'yon

4 0 0
                                    

Ako na 'yon

(Ashly's Point of View)

"Bakit hindi ka pumasok kanina? May problema ba, Theo?" tanong ko mula sa kabilang linya.

[Nagrereview ako para sa quiz bee. Kaya hindi ako pumasok.] dahilan niya.

Napahinto naman ako sa paglalakad nang dahil sa sinabi niya. Quiz bee? Parang wala namang inannounce na may gano'ng patimpalak sa school namin? Tsk.

"Sali ako." sagot ko sa kanya. For sure, hahanap 'to ng ibang dahilan o palusot.

[Huh? Ah, Ash.... ano kasi. Mahina 'yung signal. Hindi kita marinig ng maayos. Bukas na lang-.]

See? Matalino siya, pero hindi siya marunong magpalusot. Tsk.

"Hindi na talaga kita kakausapin kapag hindi ka pa nagsabi ng totoo." banta ko sa kanya. As if naman na may pakialam siya sa'yo.
Tsk. Nasaan ang utak mo, Ashly?

[Sige na Ash. *cough* *cough*]

"Theo? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko dito pero naibaba na pala niya ang tawag.

Nagmamadali akong mag-U turn palabas ng subdivision namin. Baka kung ano'ng mangyari sa lalaking 'yon. Tsk.

*beep* *beep*


"Hoy! Sister! Saan ka pupunta!" sigaw sa'kin ni Zin nang lagpasan ko lang ang sasakyan niya matapos niya 'kong businahan.

At kagaya ng ginawa ko kanina ay nag-U turn din siya para sundan ako.

"Sister! Tinatanong kita. Saan ka pupunta? 'Di ba may usapan tayo?"

Napahinto ako sa pagtakbo. Tama. Magapapahatid na lang ako kay Zin.

"Zin, pwede bang ihatid mo muna 'ko? May ilang days pa naman bago ang birthday ni Sail. May kailangan lang akong unahin ngayon. Please." nag-beautiful eyes pa 'ko sa kanya pero inirapan niya lang ako. Tsk. Kahit kailan talaga walang talab ang charms ko.

"Saan ba?" simpleng tanong niya. Kaya naman napatalon ako upang yakapin siya mula sa driver's seat.

"You're the best Zin! Dahil dyan, ipakikilala kita sa bestfriend kong maganda din kagaya ko!" pahayag ko habang yakap-yakap ko siya.

"Hindi na kailangan Sister. Marami na 'kong chix. Bilisan mo. Sumakay ka na. Bago pa magbago ang isip ko." pagyayabang niya kaya naman sumakay na 'ko dahil topakin din ang isang 'to.

"Bukas na lang tayo mag-aral mag-bake. Isasama ko si Pin kasi pastry chef ang mommy niya. So, may mga alam na din siya sa mga gano'ng bagay. Okay lang ba?" kausap ko kay Zin habang nasa biyahe kami.

"Sino naman si Pin?" tanong niya.

"Bestfriend ko. 'Yung sinasabi ko sa'yong ipakikilala ko sa'yo. Mabait naman siya. Kaya no worries. Ano? Okay lang ba?" tanong kong muli.

"Alright." maikling sagot niya. Napangiti naman ako. Mukhang mabilis kausap 'tong isang 'to ngayon ah? Hihi.



Dumaan muna kami ni Zin sa isang pharmacy at convenient store para bumili ng gamot at pagkain bago kami tumungo sa subdivision nila Theo. Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa bahay nila.

"Dito na lang Zin. Thank you sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi." nakangiting pahayag ko.

"Sister. Sino ba 'yang pupuntahan mo?" tanong niya pagkababa ko.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon