Six: Out of Balance

12 3 0
                                    

Out of Balance


(Alysson's Point of View)

Magkasunod na bumaba ng hagdanan sina Ashly at Theo.

Paliko na si Ashly sa way papunta sa classroom nila nang hilahin siya ni Theo at kunan ng litrato ang I.D. niya.

Nakakatawa.

Nakakatanga.

Bakit parang ang dali lang para sa kanya ng lahat?

Bakit parang wala lang sa kanya?

Kinalimutan niya na ba 'ko?

Wala na ba talaga siyang nararamdaman para sa'kin?

O baka wala naman talaga siyang naramdaman simula pa lang?

Si Ashly. Gusto niya ba talaga siya?

Napa-ismid na lang ako sa nasaksihan ko kasabay ng paglandas ng luha sa kaliwang pisngi ko na kaagad ko ding pinunasan.

Hindi pwedeng ganito.

Ayokong maging ganito.

Humakbang ako ng ilan pa hanggang sa tuluyan akong maka-akyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang mga classrooms namin.

Dala-dala ang lesson plan ng teacher namin ay mabilis akong naglakad palapit kay Ashly bago pa man siya makarating sa tapat ng classroom nila.

“Ashly.” mahinang bigkas ko sa pangalan niya sapat lang para lingunin niya 'ko nang puno ng pagtatakha.

“Alysson.” nag-aalangang sabi niya.

Sa ikinikilos niya ngayon, hindi ko mawari kung tama bang paghinalaan ko siya. Mukha kasing kinakabahan siya at the same time ay ang inosente ng mukha niya. Nakakainis.

“Hihintayin kita sa garden mamayang uwian.”

(Ashly's Point of View)

Habang palapit ako ng palapit sa school garden ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Ito naba yung part na sasabunutan ako ni Alysson kasama ng mga friends niya? Shems.

Teka. Bakit ba 'ko kinakabahan? Para namang pinagtaksilan talaga namin siya ni Theo. Samantalang hindi nga kami close no'n. Tsk.

Naglakad pa 'ko hanggang sa matanaw ko ang isang magandang babae suot ang uniform na katulad ng sa  akin. Parang model siya ng school namin. Nakasukbit pa ang yellow back pack niya. Nakayuko lang siya habang sinisipa-sipa ang mga bato sa paanan niya.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid upang malaman kung may kasama ba siya. At laking pasasalamat ko nang makitang mag-isa lang talaga siya. Kaya naman hindi na 'ko nag-atubili at lumapit na 'ko sa kanya.

Sinalubong niya 'ko ng isang malungkot na ngiti.

Nakakaguilty naman ang ngiti niya. Feeling ko tuloy may kasalanan ako kahit na wala naman talaga. Ganito siguro ang pakiramdam ng mga suspect na na-frame up. Pinagbibintangan sila sa isang bagay na hindi naman nila ginawa.

“Salamat at pumunta ka.”

Ngumiti lang ako bilang sagot.

Ilang sandali din ang lumipas bago siya muling magsalita.

“First year high school kami noong una kaming magkakilala ni Theo. We're on the same circle of friends. At sa aming magkakaibigan, kaming dalawa ang naging pinaka-close sa isa't isa. We've been best friends before we became lovers.” pagsisimula niya.

Love Me RightDove le storie prendono vita. Scoprilo ora