Seven: Sale

14 3 0
                                    

Sale


(Ashly's Point of View)

Konti na lang at matatanggal ko na ang butones sa uniform nung lalaking tumulong sa'kin kanina na siya rin palang nakatalisod sa'kin.

“Sail. Kapag talaga sumabit tayo dito pre. T*ng*n* pre. Magkalimutan na.”

“Drama mo Zin. Ikaw kaya rito. Nakakangalay tumayo t*ng*n*.”

Natapos nang gamutin ang maliliit na galos ko sa mukha pero hindi ang cut ko sa noo na medyo malaki pala kaya kailangan pang tahiin. Tinurukan naman nila 'ko ng anesthesia pero bakit ang sakit pa din.

“Masakit ba talaga?” biglang tanong nung lalaki sa tabi ko na nagngangalang Sale? Ewan ko kung Sale sa mall ang spelling no'n. Para ngang narinig ko na ang pangalan na 'yon somewhere. Tsk. Ayoko na isipin. Lalong kumimirot 'yung tinatahi sa noo ko.

“Kakapit ba 'ko sa'yo ng ganito kung -aw!”

May pumatak na naman na luha mula sa mata ko.

Ang tagal namang tahiin ni Ate 'yung galos ko. Shems lang.

Maya-maya pa ay biglang nag-ring 'yung phone nung Zin.

“Ano? May nakapasok sa bahay namin? T*ng*n*! Paano sila makakapasok dyan?” halos mabasag 'yung eardrums ko sa lakas ng sigaw ni Zin. Para siyang gwapong sidekick sa K-Drama.

“Bobo ka kasi Zin. Hindi mo isinara 'yung gate nyo bago tayo umalis. T*ngn*. Utak p're.” pang-aalaska ni Sale sa kaibigan niya na para bang joke lang lahat ng nangyayari ngayon.

“G*g* ka talaga. Sana kasi ipinaalala mo sa'kin di ba? Tss. Sige, sibat muna 'ko pre. Lagot ako nito kay Ate. Tsk.”

Nagmadali nang umalis 'yung Zin. Kaya kami na lang nung nurse at nung Sale ang naiwan dito.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagkamot sa ulo ni Sale. Siguro gusto na din niyang umalis. Sa bagay wala naman talaga siyang kasalanan dahil aksidente 'yung pagkakadapa ko. Isa pa, masyado ko na rin siyang naaabala.

Kaya kahit na ayoko pa siyang bitawan dahil natatakot akong mag-isa sa ospital at masakit din talaga 'tong ginagawa ng nurse sa noo ko ay unti-unti kong niluwagan ang hawak sa uniform niya hanggang sa tuluyan ko na itong mabitawan.

Medyo nabigla ko yata siya sa ginawa ko kasi tumigil siya sa pagkamot sa ulo niya at saka nagbaba ng tingin sa'kin.

Ang gwapo niya. Kamukha niya 'yung partner ni Ji Chang Wook sa Love in Trouble. Bakit ngayon ko lang ba nagawang pagmasdan ang mukha niya? Tsk.

“Bakit?” tanong niya kaya naman nabalik ako sa ulirat ko.

“Sorry kung naabala ko kayo. Sige na. Umuwi ka na din. Okay lang ako dito.” nakangiting pahayag ko.

“Seryoso ka?”

Tumango ako bilang sagot.

“Thank you din sa pagtulong mo sa'kin.” pahabol ko pa.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay yumuko na 'ko. Ayokong makakita ulit ng taong naglalakad sa'kin palayo sa lugar na 'to.

Maiiwan na naman akong mag-isa dito.

Nakakainis. Nakakayamot. Nakakaiyak.

Sa tuwing nandito na lang ako sa lugar na 'to palagi ko siyang naaalala.

*flashback*


Nandito na naman kami.

“Daddy, hindi po ako makahinga ng maayos.” nanghihinang reklamo ko sa Daddy ko na noon ay may tinatawagan sa cellphone niya.

Love Me RightWhere stories live. Discover now