Ten: Deal

19 3 4
                                    

Deal


(Ashly's Point of View)

Malapit nang mag-five o'clock. Shems. Bakit ang hina naman yata bigla ng internet namin? Kainis.

“Ash, hindi mo ba talaga 'ko kakausapin?” napakamot na lang ako sa ulo ko nang magsalitang muli si Theo.

“Sabi ko kasi sa'yo bukas na lang tayo mag-usap. Ay, weekend pala bukas. Sa Monday na lang tayo mag-usap. May importante lang akong gagawin.” I answered him for the nth time. Konti na lang at masasakal ko na si Theo sa kakulitan niya.

“Ano naman ang gagawin mong importante?” tanong niyang muli. This time ay pumameywang na 'ko sa harap niya. Stress na nga 'ko kakahanap ng signal e. Tapos ini-stress niya pa 'ko sa dami ng tanong niya.

“Makinig ka Theo. Hindi ko na uulitin pa ang sasabihin kong 'to. Concert ngayon ng EXO sa MOA Arena at magsisimula na 'yon in 10 minutes. Manonood ako ng live stream kaya sa Lunes na lang tayo mag-usap. Okay?” hinawakan ko pa siya sa magkabila niyang balikat at saka siya tinulak palabas ng bahay namin. Sorry Theo. Once in a lifetime lang ang opportunity na 'to.

“Bukas na lang tayo mag-usap. Bakit sa Monday pa?” Hay. Isang tanong pa talaga at mapipisikal ko na 'tong lalaking 'to.

“Kasi day 2 ng concert nila dito sa Pilipinas bukas.”

“A-attend ka ng concert bukas? E, bakit manonood ka pa ngayon?” nagtatakhang tanong niya

“Bakit ba ang dami mong tanong? Alam mo, mas maganda talaga kung uuwi ka na lang sa ngayon. Tapos mag-usap tayo kapag tapos na ang concert nila kahit na magdamag pa tayong magkuwentuhan. Walang problema.” Tinulak ko siyang muli palabas ng bahay and this time ay nagtagumpay na 'ko. Finally! Makakapanood na 'ko.

“Hindi kami nagkabalikan ni Alysson.” napahinto ako sa pag-scroll sa twitter ko. Alam na alam niya talaga kung paano kunin ang atensyon ko. Kainis.

“Ano'ng sinabi mo?” salubong ang kilay na tanong ko. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko. Mas maganda kung magkakabalikan na sila para bumalik na din sa normal ang buhay ko. Tsk. Wala na. Nasira na ang mood ko.

“Wala. Sa Monday pa tayo mag-uusap 'di ba?” binigyan niya 'ko ng isang blangkong tingin habang hawak-hawak ang bike niya. Nakita ko pa ang bahagyang pag-ngiti niya nang tumalikod siya sa'kin at lumabas ng gate namin. Hay. Ang lakas din talagang mang-asar ng isang 'to e.

“Fine. Mag-usap na tayo.” habol ko sa kanya. Kaagad naman siyang bumaba sa bike niya pagkasabi ko no'n. Arte. Gusto pa hinahabol. Palibhasa alam niyang hahabulin ko siya. Tsk. Bakit? Aso ka girl? Hay. Nababaliw na 'ko. Kinakausap ko na pati sarili ko.

Ipinark ni Theo 'yung bike niya sa harap ng bahay namin at saka siya umupo sa may gutter at gano'n din ang ginawa ko.

“Bakit hindi ka pa nakipagbalikan sa kanya? Nasayang lang 'yung effort ko sa pagtulak ko sa'yo kahapon.” panimula ko. Sana naman ay sumagot siya ng maayos. Parang wala lang kasi sa kanya ang lahat.

“Hindi ko din alam. Pero mas mabuti siguro na ganito muna kami. Isa pa, babalikan ko naman talaga siya. Kailangan ko munang tuparin 'yung pangako ko kay papa dahil baka makaapekto 'yon sa kondisyon niya ngayon.” hindi ko maiwasang hindi mapasimangot sa narinig ko. Ibig bang sabihin no'n ay gagamitin niya lang ako para gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos niyang tuparin ang pangakong sinasabi niya? Hay. Ano pa nga ba? May choice naman kasi ako. Pero bakit mas gusto ko 'yung choice na tulungan siya? Gano'n na ba 'ko kabaliw kay Theo?

“May time limit ba ang pagtupad mo sa pangako na 'yan?”

“Ano'ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya. Matalino siya pero hirap lagi siyang mag-comprehend ng mga sinasabi ko. O baka nagtatanga-tangahan lang din siya talaga. Tsk.

Love Me RightWhere stories live. Discover now