Forty- One: Thank you

3 0 0
                                    

Thank you

(Ashly's Point of View)

“Alam mo Theo, bawal 'tong ginagawa natin. Tayo lang dito sa bahay tapos umiinom tayo ng alcoholic drinks. Basta ikaw isusumbong ko kay Mimay pag nahuli niya-.”


“Gusto kita, Ash.”

Halos mabulunan ako sa chips na kinakain ko matapos sabihin 'yon ni Theo.


Para akong computer na bigla na lang nag-shutdown nang hindi ko pa napipindot ang ‘ctrl + s’ sa keyboard.



Shet. Ano ba 'tong mga iniisip ko?


Umayos ka Ashly!


Pero..... totoo ba talaga?

O baka naman jinonoke time niya lang ako?

Oo. Tama Ash. Joke lang yon ni Theo, kasi isa ka lang namang malaking joke sa kanya.


“Hahaha! Nice one, Theo! Napatawa mo 'ko do'n! Hahaha!” hinampas-hampas ko pa siya sa balikat niya para hindi naman ako mukhang tanga sa pilit na tawa ko.


“Hindi ako nagbibiro Ashly. Gusto kita, simula palang. Ilang acquaintance party, quiz bee, at student's night na ang pinalagpas ko. Ilang text messages na rin ang naipon sa drafts at outbox ko. Ilang regalo na rin ang naitapon ko. Kasi noon, ayokong paniwalaan na nararamdaman ko talaga 'to para sa'yo. Pero Ash, ayokong sayangin yung chance na binigay sa'kin ni Aly.” muli siyang uminom sa beer in can na hawak niya. Unang lata palang naman yon ni Theo. Hindi pa siya lasing.


Nagtatapat ba talaga siya ng feelings niya sa'kin?


“Kagabi, kaya kami nagkita ni Aly..... binigyan niya 'ko ng chance para maging totoo ako sa sarili ko. Hindi ko alam, pero sa mga oras na 'yon..... ikaw lang ang pumapasok sa isip ko.”




Bakit kahit pwede na, parang hindi pa rin tama?


Bakit hindi magawang tumibok ng puso ko kagaya ng dati?


Bakit wala akong maramdaman?

Pero bakit nasaktan ako nung nakita ko sila kagabi na magkayakap?


Nalilito ako ngayon sa nararamdaman ko.

“Ash, ako pa rin ba?”

Siya pa rin ba Ash?

Bakit ayaw makisama ng feelings ko ngayon?

“Theo.....” sinubukan kong magsalita pero umurong lang din ang dila ko nang biglang rumehistro sa isip ko si Sail.


‘sana makita kong ngumiti kayo na ako ang dahilan’

Ano'ng problema mo Ash? Hindi ito ang oras para isipin mo si Sail.


Kung kanina ay hindi ko mabasa ang nararamdaman ko, ngayon naman ay unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. At alam kong dahil 'yon sa biglang pagsagi ni Sail sa isip ko.



“I'm sorry Theo.” mga salitang hindi ko inaasahang lalabas sa bibig ko.



“I see. Haha.” inistraight niya yung laman ng beer in can na hawak niya at saka siya tumayo. Shet. Ano'ng gagawin niya?


“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya nang magsimula siyang maglakad. Baka kung ano'ng gawin niya. Shet ka kasi Ashly. Bakit kasi ayaw mo munang icoordinate sa utak mo yung mga sinasabi mo?



“Magmomove-on haha. Sama ka ba?” huminto pa siya sa may front door namin para lingunin ako.


Seryoso ba talaga si Theo?


Alam kong pinangarap kong mapansin ni Theo, pero bakit hindi ko gusto na nagtatapat siya sa'kin ngayon ng nararamdaman niya?



“Biro lang. Haha. Nevermind that, Ash. Tulog ka na. Ubusin ko lang 'to. Sorry for making you feel uncomfortable.”


Its now or never, Ash. You owe him something. Just think of it as it is.




“Bago ko i-let go ang feelings ko sa'yo, gusto ko lang sabihin sa'yo na you made me happy and inspired nung mga panahong happy crush lang kita. Ikaw yung nilo-look forward kong makita sa school kaya motivated akong pumasok araw-araw. Dahil sa'yo, nag-strive ako sa studies ko. You inspired me to go beyond what I can do. I joined a lot of competitions kung saan kasali ka, kasi gusto kitang makasama. And I never thought na it would be something that I would love to do. Kaya, Theo..... thank you for making my heart raced once.”


Thank you for making my highschool life unforgettable.

Love Me RightOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz