Fifteen: Ngiti

13 3 0
                                    

Ngiti

(Ashly's Point of View)

Madilim na pero may mga estudyante pa rin na nagkalat sa buong field. Wala ba silang balak na umuwi? Kasi ako, uwing-uwi na. Natapos ko na ngang panoorin 'yung EXO Next Door ng dalawang beses. Hay naku naman.

Tinignan ko 'yung wall clock na nakasabit sa dingding nitong library. Past 6 na pala. Tsk. Kung bakit ba kasi hindi pa sila nagsisi-uwian.

“Miss. Magsasara na ang library. Kailangan mo nang bumaba.” paalala sa'kin nung librarian kaya naman isinukbit ko na ang backpack ko at saka ako naglakad pababa ng library.

Nang makarating ako sa exit sa ground floor ay nagdalawang isip pa 'ko kung lalabas na 'ko. Natatakot kasi 'ko na makasalubong ang mga kaklase ni Alysson. Mukhang galit sila sa'king lahat. Shems. Grabeng trauma naman 'to.

“Umuwi na sila. Lumabas ka na dyan.”

Napatingin ako kay Theo na noon ay nakasandal sa poste ng hallway sa labas ng library. Nakalagay sa bulsa niya ang isa niyang kamay at ang isa naman ay may hawak na medyo may kalakihan na paper bag. Nakatingin siya sa'kin na parang inip na inip na siya. Galit ba siya sa'kin? Pero kinakausap niya 'ko. Hay, ang hirap naman nito.

“O? Titignan mo na lang ba 'ko? Wala ka bang sasabihin?” nakataas pa ang isang kilay na tanong niya.

Bakit ba palagi nila 'kong tinatanong kung may sasabihin ako o wala? Feeling ko tuloy nasa imbestigador ako.

“Ano ba'ng dapat kong sabihin?” naguguluhang tanong ko.

Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko nang unti-unti siyang lumapit sa'kin. Napapikit pa 'ko nang huminto siya sa harapan ko. Pero kaagad ko din akong napamulat nang maramdaman kong may inilagay siya sa kamay ko. Iniabot niya sa'kin 'yung paper bag na hawak niya kanina.

“Ano 'to?” tanong ko.

“Buksan mo kaya nang makita mo.” masungit na pahayag niya kaya naman napasimangot ako.

“Galit ka ba sa'kin?” nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Teka. Bakit parang ako pa ang galit ngayon?

“Kakausapin ba kita ngayon kung galit ako sa'yo?”

Inirapan niya pa 'ko at saka niya muling ibinulsa ang kamay niya.

“Sabi ko nga.”

Binuksan ko 'yung paper bag na ibinigay niya. At gano'n na lang ang panginginig ng buong katawan ko nang makita ko ang backpack at cellphone ko na naiwan ko nung araw na 'yon.


“Gusto niyang siya ang magbigay niyan sa'yo. G*g* ba siya? May lakas pa siya ng loob na lapitan ka. Tss.”

Mula sa bulsa niya ay nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa paper bag na hawak ko.


“Nabalitaan ko na nag-away daw kayo. Ako ba ang dahilan?” hindi ko na napigilan na magtanong.

Love Me RightOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz