Three: Cellphone Number

20 3 0
                                    

Cellphone Number

(Ashly's Point of View)

“Ashly.”


Napahinto ako sa pakikipag-usap sa mga kaklase ko nang may tumawag sa pangalan ko. Si Theo. Lumingon pa 'ko sa paligid ko dahil baka hindi naman ako ang tinatawag niya. O baka nagkamali lang ako ng dinig at si Aly ang tinatawag niya.  Natauhan lang ako nang sikuhin ako ni Pin at ituro si Theo na nakatingin sa'kin. Ako nga siguro 'yung tinatawag niya. Lumapit ako ng konti sa kanya. Mahirap na. Baka sabihin ni Alysson ay nakikipag-flirt ako sa boyfriend niya.

“Kilala mo 'ko?” itinuro ko pa ang sarili ko.

Pero naibaba ko din ang kamay ko nang tignan niya lang ako. Parang naiinis siya na hindi ko maintindihan.

“Ikaw si Ashly. 'Yung sa section 3.”

Nakatingin lang siya sa'kin na para bang ako na ang pinaka-boring na bagay na nakita niya ngayong gabi dito sa party.


Kung kanina ay nagawa ko pang ngumiti ng ayos sa harap niya, ngayon ay hindi na. Nasasaktan ako sa ekspresyon ng mukha niya.

Ibinili ako ni Mimay ng mamahalin at magandang damit para sa gabing ito. Pinaayusan pa nga niya 'ko sa kaibigan niyang stylist din ng artista. Kaya alam kong maganda ako bago ako umalis ng bahay namin.

Pero nang dahil sa ipinapakitang ekspresyon ngayon ni Theo, pakiramdam ko ay ako na ang pinakapanget sa gabing ito. Nakakapanlumo. Sa katunayan ay siya lang naman ang dahilan kaya ako uma-attend ng mga social party dito sa school. Pero ni minsan ay hindi niya 'ko natapunan ng tingin. At ngayong nakatingin na siya sa'kin, para lang akong hangin sa kanya.

“Ahh. Ako nga 'yon. Ano'ng kailangan mo?” muling kausap ko sa kanya bago pa man ako tuluyang maiyak sa harap niya.

“Pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?” poker face na tanong niya.

Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Hinihingi niya ba talaga ang number ko? O nagkamali lang ako ng dinig?

“Huh?”

Napakagat na lang ako sa labi ko nang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yon. Kainis. Natutuliro na naman ako. Kinurot ko ang likod ng palad ko para umayos ako. Nakakahiya. Shems.

Bakit naman niya kasi kukunin ang number ko?

Hinawakan niya ang tungki ng ilong niya at pinisil ito na nagpapahiwatig na naiinis siya. Ano ba'ng problema niya? Bakit parang siya pa ang galit?

“Kung ayaw mo, sige wag na lang.”

Tatalikod na sana siya nang hilahin ko ang braso niya. Shems. Anong sumapi sa'yo Ash at ang kapal ng mukha mo? Nakakahiya!

Parang may sariling utak ang mga kamay ko at nagawa kong hablutin ang cellphone na hawak niya at i-type ang number ko dito. Mabilis ko din itong ibinalik sa kanya at pagkatapos ay kumaripas na 'ko ng takbo palabas ng gymnasium namin.

Nakakahiya talaga! Shems.

Parang kanina lang ay naiiyak ako sa frustrations ngayon naman ay naiiyak ako dahil sa kahihiyan. Tsk.

Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya naman hindi ko namalayan na may nabangga na pala 'ko.

“Hey. Mag-ingat ka naman.”

Love Me RightOnde histórias criam vida. Descubra agora