Twenty-Three: Ikaw

15 3 2
                                    

Ikaw


(Ashly's Point of View)

“Oo na p're. Ako na nga. 'Wag ka na manulak. Putch* naman e.” may pagkairita na sabi ni Zin.

Nandito na kami sa bar na tatambayan nila este namin pala. Actually, eto rin 'yung pinuntahan ko nung nakipagkita sa'kin si Theo last time. Hindi ko talaga makalilimutan ang lugar na 'to. Bukod sa dito kami unang nagkausap, ay dito ko rin unang beses na naranasang masapak. Tsk. Nadamay pa 'ko sa away ng mga 'yon. Nasa'n na kaya 'yung lalaking 'yon? Sana naman wala siya dito.

“Ahh, okay ka lang ba dyan?” tanong sa'kin ni Sail nang makalapit siya sa'kin.

Lumingon ako sa paligid ko at saka sinipat ang mga taong nandito. Mukha namang walang mag-aaway. Kaya lang, kung sakaling may magkainitan man mamaya, baka dito na naman sa counter sila mapadpad.

“Wala naman sigurong mag-aaway dito ngayon? Tama ba?” tanong ko kay Sail. Napakunot naman ang noo niya sa tanong ko.

“Hindi ko sure. Haha. Pero kung nay mag-aaway man, baka mamaya pang madaling araw 'yon kapag madami ng tao at madami na rin ang nakainom.” natatawang pahayag niya. Lumabas na naman tuloy ang mga dimples na itinatago niya. Ang gwapo talaga.

“Ahh, okay. Sige. Punta ka na do'n. Mag-party party na kayo do'n. Promise hindi ako magpapasaway. Dito lang ako.” nakangiting pahayag ko. Medyo nagpa-cute pa 'mo sa kanya kaya lang, balewala din dahil tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad papunta sa mga schoolmates niya. Tsk. Sabi ko nga. Hindi siya tatalaban ng charms ko. Hay.

Mukhang varsity din ng basketball 'yung iba dahil mga naka-jersey pa ang mga ito. Baka kaya siguro ayaw akong isama ni Sail kasi for boys only lang ang lakad nila na 'to. Tsk. Wrong timing naman ang pagsama ko.

Umuwi na lang kaya ako? Mabuti pa nga siguro.

Tumayo ako at saka kinuha ang sling bag ko. Ready na sana 'kong pumunta sa kinaroroonan ni Sail nang biglang sumulpot si Zin sa harap ko dala-dala ang isang tray ng pagkain. Muntik ko pang matabig 'yung dala niya mabuti na lang nakaiwas ako.

“O? Saan punta mo Sister? Magbabanyo ka ba?” tanong ni Zin at saka isa-isang inihain 'yung mga pagkain sa table dito sa counter kung saan ako nakaupo kanina.

“Ahh, uuwi na lang pala 'ko Zin. Puro boys pala kayo dito. Tsaka baka makaabala lang ako sa gagawin ninyo.” nahihiyang pahayag ko dito. Nilingon naman niya ang mga kasama niya at saka ito muling tumingin sa'kin.

“Wala naman kaming gagawin. Iinom lang kami tapos uuwi na. Magpapalipas lang kaming pagod sa basketball. Tsaka isa pa Sister, pinaghirapan kong ihanda 'tong mga pagkain na 'to para lang sa'yo. Kaya umupo ka na ulit tapos kainin mo na okay.” ipinaharap niya 'kong muli sa counter at saka niya ako ipinaghila ng upuan.


“Eto Sister. Try mo. Masarap 'yan.” kinuha niya 'yung tinidor at saka nag-slice sa lasagna at saka ito isinubo sa'kin.

Napatango-tango naman ako nang malasahan ko 'yung ipinakain niya sa'kin.

“Ang sarap a. Ikaw ba talaga gumawa nito?” tanong ko dito.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon