Eight: Past

15 3 0
                                    

Past


(Ashly's Point of View)

“Ano'ng ginagawa mo dito?”

“Isinulat kita ng notes nyo kanina. Pati 'yung assignments nyo isinulat ko na din. Ituturo ko na lang sa'yo 'yung mga lessons na na-missed mo kanina.”

Hindi niya naman kailangang gawin 'yon. Tsaka para saan?

“Ano ngang ginagawa mo dito?” pag-uulit ko sa tanong ko pero parang wala siyang narinig at binalewala nya ito.

“Nagsabi na 'ko kay Tita na tuturuan kita.”

Tita? Kailan pa sila naging close ng mommy ko?

“Sagutin mo nga 'yung tanong ko Theo. Ano'ng ginagawa mo dito?” medyo napataas ang boses ko kaya hindi na 'ko nagtakha nang mabigla siya sa'kin. Plano ko pa lang na iwasan siya sa school, pero eto naman siya at lumalapit. Pumunta pa talaga siya sa bahay namin. Hay. Ano na lang ang sasabihin sa'kin ni Alysson?

Itinigil niya ang paglalabas ng mga notebook at libro mula sa bag niya at saka siya tumingin sa'kin.

“Ash. Gusto ko lang namang makilala ka.”

Ano ba'ng sinasabi niya? Hindi ko siya ma-gets.

“Ako si Ashly 'di ba? 'Yung sa section 3.” tinry kong maging pilosopo sa harap niya para malaman niyang hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. Hindi nga ba talaga?

“Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Gusto kong makilala pa kita.”

“Bakit? Para saan?” naguguluhang tanong ko.

Bakit niya ba 'ko ginaganito? Ayokong ma-involve sa break-up nila ni Alysson. Oo, gusto kong mapansin niya 'ko. Matagal ko nang pinapangarap 'yon. Pero hindi sa ganitong pagkakataon.

“Kailangan ba lagi ng dahilan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?” ipinagpatuloy niya ang paglabas ng mga notebooks niya na parang biro lang ang lahat sa kanya.

“Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang ang tanong ko?” konti na lang at baka makapagsalita na 'ko nang hindi maganda sa kanya.

“Gusto kita. Pwede na siguro 'yon para makilala kita.”

Natigilan ako sa naging sagot niya. Pakiramdam ko ay humina ang tibok ng puso ko. Parang nawalan ng hangin ang katawan ko. Bakit gano'n siya? Isa lang ba 'kong joke sa kanya? Pwede na siguro? Grabe. Ano 'ko? 'Yung letter E sa choices sa exam? Pipiliin lang kapag ayaw mong sumagot? Dapat ba na maturn-off na 'ko sa kanya?

“Gusto mo ko kasi nalaman mo na gusto kita? Siraulo ka ba? Alam mo ba kung bakit pilit akong nagpapalipat ng section every school year? Kasi iniiwasan kong ma-involve sa'yo. Sa inyo ni Alysson. Masaya na 'ko na nakikita ko kayo na magkasama. Gusto kita, pero hindi naman tamang pagtripan mo 'ko ng ganito Theo. Nadudungisan 'yung pangalan ko nang dahil sa break-up nyo. Kaya please lang, umuwi ka na. Ayusin mo ang sarili mo, at 'wag nyo na 'kong idamay sa gulo nyo.” nagtalukbong na 'ko ng kumot pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yon. Sana naman ay i-comprehend niya nang maayos ang mga sinabi ko.

Pinakiramdaman ko kung umalis na siya pero mukhang hindi pa rin. Hay. Ang kulit talaga.

“Hindi 'to tungkol sa'min Ash. May pangako ako na kailangang tuparin. At kasama ka do'n.”

Pangako? Kasama ako?

Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko.

Ano ba'ng klaseng pangako 'yon? At bakit kasama ako?

Love Me RightWhere stories live. Discover now