Fourteen: Gulo

12 3 0
                                    

Gulo


(Ashly's Point of View)

Muli na namang tumunog ang cellphone ko. Nag-text na naman siguro si Pin o kaya si Theo. Ilang araw na din kasi akong hindi pumapasok. Ayoko pa. Ayoko siyang makita.

“Ashly.”

Napatingin ako sa may pinto nang may kumatok dito.

“Bababa na lang po ako kapag nagutom ako.”

“Anak naman. Walang mangyayaring masama sayo kapag lumabas ka ng kwarto mo. Nandito si mommy o.”

At sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay pumatak na namang muli ang mga luha ko.

Bakit ba kasi hindi mawala sa alaala ko ang nangyaring 'yon?



“Anak hindi naman pwedeng forever kang magkulong dyan sa kwarto mo. Alam kong na-trauma ka sa nangyari pero kailangan mo pa din namang pumasok. Graduating ka pa naman. Ayaw mo naman kasing ipa-blotter 'yung gumawa nyan sa'yo. Ashly hindi na alam ni mommy ang gagawin. Maki-cooperate ka naman please.”

Mukhang naaabala ko na si mimay. Magmula kasi ng pangyayaring 'yon ay hindi na rin siya pumapasok sa opisina. Sobra din kasi siyang nag-aalala para sa'kin. Siguro nga tama na ang pagtatago ko. Kung makikita ko siya, makikita ko siya. Iiwasan ko na lang siya kung sakaling mangyari 'yon.


Tumayo ako at saka pinagbuksan ng pinto ang mommy ko.

“Papasok na po ako.”




4th day na ng Intrams namin ngayon. Nagkalat ang mga estudyante sa buong field ng school. Suot nila ang departmental shirt nila. Tsk. Mukhang ako lang ang out of place dito dahil naka-complete type a school uniform ako.


“Ashly girl!”

Bigla na lang may humila sa'kin at saka ako niyakap nang pagkahigpit-higpit.

“Pin! Ack-. Namiss mo naman yata ako ng sobra.” nakangiting pahayag ko sa kanya nang bitawan niya ko.

“Gaga ka! Pinag-alala mo ko ng sobra! Mabuti naman at naisipan mo nang pumasok! Alam mo bang ang daming nangyari nung wala ka.”


“Ang agang chika nyan a? Pwede bang mamaya na lang? Baka hindi ko kayanin 'yung ibabalita mo.” biro ko sa kanya.

“Sa bagay. Tara. Nood na lang tayong basketball. Last game na ngayon! Olats tayo girl!” hinawakan pa ni Pin ang kamay ko at akmang hihilahin ako papuntang gym pero inalis ko din agad ang hawak niya sa'kin.

“Pin. Pwede ba 'kong mag-request sa'yo?”

Nagtakha naman siya sa ginawa ko.

“Oo naman. Ano ba 'yon?”

“Pwede bang tulungan mo 'kong lumayo kay- sa kanya.”

Kahit pagbigkas sa pangalan niya ay ayoko nang gawin.

“Kay Harris? Sige. Pasensya ka na. Nakalimutan kong kasali nga pala siya sa basketball team natin.”

“Ayos lang. Tara. Sa iba na lang tayo manood.”


Nakangiting pahayag ko at saka ko pinisil ang kamay niya.

At kagaya ng napagkasunduan namin ay naglakad-lakad na lang kami sa buong field habang nagkukwentuhan kaya lang ay naiwan din akong mag-isa nang tawagin siya ng kasamahan niya sa gymnastics. May announcement daw para sa kanila. Nag-ikot na lang akong mag-isa at nang mapagod ako ay nagpasya akong umakyat sa room namin. Nando'n ang ilan sa mga kaklase ko. At gano'n na lang ang gulat nila nang makita ako.

“A-ash. Kumusta? Okay ka na? Magaling ka na ba?” tanong ng isa sa mga kaklase ko.

“Papasok ba ko kung hindi.” nakangiting sagot ko.


“Mukhang magaling ka na nga. Namimilosopo ka na e.”

Napuno ng tawanan ang buong classroom namin.

Grabe. Na-miss ko 'to. Lahat ng nandito sa school ay na-miss ko.

“Marami kang na-miss na balita Ash. Grabe. Pasabog.” pahayag ni Sarah na secretary namin.


“Oo nga Ash. Nung unang araw na absent ka, nagsuntukan si Theo at Harris. Lunch time no'n e. Na-guidance nga silang dalawa. Ang sabi pa, babae daw ang dahilan kung bakit sila nag-away. Idinadawit nga nung iba 'yung pangalan mo.” kwento ni Tim, president namin.

Kumabog ang dibdib ko sa narinig ko. Hindi malabong ako nga ang dahilan ng away nila. Pero ayoko munang isipin 'yon. Ayokong mag-assume.

“Hindi pa do'n natatapos. Kasi nung uwian ay si Theo at Alysson naman ang nag-away. Akala nga namin mapapa-guidance ulit si Theo, pero sa faculty na lang sila kinausap na dalawa. Nakakainis lang kasi ikaw na naman ang dahilan ng away nila. Ano ba'ng kinalaman mo sa kanila di ba?” pagpapatuloy ni Sarah.

Ngumiti na lang ako ng pilit dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Masyadong maraming impormasyon ang nalalaman ko.

“Nung sumunod naman na araw ay lumuhod daw si Harris sa harap ni Theo. Nabalitaan lang din namin 'to. Ang sabi sa gym daw nangyari habang nagp-practice sila. Muntik na nga daw ma-eliminate 'yung dalawa sa basketball kasi hanggang do'n daw ay nag-aaway sila.”

Ako ba talaga ang dahilan?

“Tapos-.”

“C.R. lang ako.” paalam ko sa kanila at saka ako nagmadaling lumabas ng classroom namin.

Ayoko munang marinig ang iba pa nilang sasabihin. Hindi pa 'ko handa.

“Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!”

Muntik na 'kong mahulog sa hagdan nang itulak ako nung nakabangga ko.

Nag-angat ako ng tingin sa taong nasa harap ko ngayon. Si Alysson. Kasama niya ang mga kaklase niya.

“Sorry.” sabi ko dito at saka ko siya nilagpasan.

Nakakailang hakbang palang ako ay nagsalita siyang muli na siyang ikinahinto ko.

“Sana maibalik ng sorry mo lahat ng sinira mo.”

Awtomatikong napalingon ako sa kanya. Sa tono ng boses niya parang may iba pa siyang gustong palabasin.

“May gusto ka bang sabihin?”

Naglakad siya palapit sa'kin. Sasabunutan niya ba 'ko? Grabe namang pa-welcome 'to.

“Ikaw? Wala ka bang sasabihin?” balik tanong niya sa'kin.

Ang maamo niyang mukha na dati ay hinahangaan ko ay hindi ko na makita. Para siyang uhaw na tigre na ano mang oras ay mananakmal.

“Wala naman akong sasabihin.” sagot ko at saka ako tumalikod kaya lang ay hinila niya ang braso ko paharap sa kanya.

Naghahanap ba siya ng away? Pwes hindi ako papatol sa kanya. Masyado nang marami ang gumugulo sa isip ko. At ayokong idagdag pa siya.


“Bakit ba parang balewala lang sa'yo lahat ng nangyayari? Nag-away sina Theo at Harris nang dahil sa'yo. Sa dinami-rami ng pag-aawayan nila hindi ko malaman kung bakit ikaw pa!” patulak niyang binitawan ang braso ko kaya naman na-out of balance ako mabuti na lang at may humawak sa bewang ko para itayo akong muli.


“Aly. Ano ba. Tumigil ka na nga. Nakakakuha na kayo ng atensyon.” pahayag ni Theo at saka siya naglakad palayo sa'min paakyat sa room nila sumunod naman si Alysson at ang mga kasama niya sa kanya.

Galit din ba si Theo sa'kin? Pero wala naman akong ginagawa. Bakit parang ako pa ang may kasalanan ng lahat?

Kaagad kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. Nakakainis. Sana pala hindi na lang muna 'ko pumasok.

Love Me RightWhere stories live. Discover now